Chapter 1: LBM

37 0 0
                                    

"Ah okay po. After lunch na lang po kami pupunta dyan sa inyo. Ay.. hindi po kasi ako yung nasa video. Kaibigan po nya ako..."

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Inaantok pa ako pero nasisilaw naman na ako sa liwanag ng araw galing sa may bintana. Sinabi na kasi kay Sue na wag ililihis yung kurtina tuwing umaga eh. Kinusot-kusot ko ang mata ko at naginat. Kinapa-kapa ko na rin yung cellphone ko sa may ilalim ng unan ko para tingnan.

35 missed calls.

Grabe! 35 missed calls ang bumungad sa umaga ko. Sino naman kaya to? Masyado bang importante ang kailangang sabihin nito sakin at kailangan sunud-sunurin yung tawag.

"Isasama ko na lang po sya mamaya sa pagkuha..." titingnan ko na sana yung tumatawag sakin nang mabaling ang atensyon ko kay Sue ma ngayon ko lang napansin na may kausap sa telepono. Wow! Aga-aga may katelebabad na agad.

Itetext ko na sana yung kapatid ko na tumatawag sakin kanina pa nang biglang sumigaw si Sue, "FAMY!!!!!"

"I KNEW IT!!!!! Sabi ko na eh, wala talagang makakatalo sa ganda ng boses mo. Walang panaman yung ibang contestant sayo!" sigaw nya habang papunta sa kama.

"Pwede ba Sue, hinahinaan mo lang yang boses mo. Hindi ako bingi. Tsaka ang aga-aga nakasigaw ka kaagad, ang ingay mo. Sino ba kasi yang kausap mo sa telepono? May katelebabad ka kaagad ang taas taas pa ng energy mo."

"Talaga! Mataas ang energy ko! At alam mo ba kung sino yung tumawag? Organizer lang naman ng concert ng t.s.s. at alam mo ba ang sabi? Ikaw daw yung nanalo ng ticket!!!!" paliwanag nya na nakasigaw pa rin. Imaginin ko na lang kung gaano ako kabingi dahil sa ingay nya. Ako naman nakatakip lang ang tenga the whole time na nageexplain sya.

"Oh? Yun lang? Ano naman big deal dun?" tanong ko na nakapagpawala sa saya nya.

"What? You're asking me what's the big deal with that? My gosh Famy! You should know why!" nagsimula nanaman nya akong inglisin.

"Wag mo nga akong ienglish-english sya. Eh sa hindi ko nga alam kung anong ikinabig deal nun eh."

"Halos lahat na ata ng tao sa buong mundo naghahangad na manalo dun sa contest na yun para mameet personally ang The Silent Script tapos itatanong mo kung anong big deal? Famy! Eto na yun! This is our chance to meet that band. Hindi ka ba narexcite?"

"Why would I? Hindi naman ako fan ng bandang yun." sagot ko sa kanya sabay tayo at punta ng banyo para magtoothbrush at maghilamos.

"Ows? You're not a fan, huh? Pero bakit halos lahat ng kantang nakasave sa iPod mo ay ang mga kanta nila."

"Hindi naman porket gusto ko ang mga kanta at boses nila eh fan na din nila ako."

"Eh anong tawag mo dun? Iisa lang din yun no. Fan ka na din nila."

Tinigil ko naman ang paghihilamos ko at humarap sa kanya, "Magkaiba yun. Ako kuntento na sa pakikinig lang sa mga kanta nila dahil yun lang naman ang gusto ko from them. Not unlike you na FANS nila," inemphasize ko talaga yung salitang fans.

"Correction, DIE HARD FANS." pagcocorrect nya.

"Whatever! Hindi kayo kuntento sa pakikinig lang. Gusto nyo hangga't may chance kayo na makita nyo sila gagawa at gagawa kayo ng paraan mameet nyo lang sila in person. Actually kahit sa pictures nyo lang sila makita okay lang basta may mga mukha nila."

Pagkatapos kong maghilamos pununta naman ako sa may walk-in closet ng kwarto nya para kumuha ng damit. Papasok na sana ulit ako sa banyo para maligo nang may sabihin ulit si Sue.

"Hey Fam! Samaham mo naman ako this afternoon sa mall. Kukunin lang natin yung napanalunan mong ticket para sa concert mamaya."

"Mamaya na ba yung concert?"

"Hay! Lutang ka talaga Fam! Halos araw-araw kong sinasabi sayo ma this coming saturday na yung concert nila eh."

"Sorry naman, nakalimutan ko. Ayokong sumama eh." napansin ko namang nawala yung ngiti nya.

"No way! Kailangan sumama ka kasi ikaw dapat ang personal ma kukuha ng ticket. Baka hindi ibigay sakin yun pag ako lang kumuha."

"Sabihin mo na lang hindi ako nakasama dahil may lbm." pumasok na ako sa loob ng banyo.

"FAMY NAMAN EH!!" Samahan mo na ako!"

"Nope. Tinatamad ako eh. Gusto mo dalhin mo na lang yung ID ko para patunay. Siguro naman maiintindihan nila yun." isasara ko na sana yung pinto nang bigla nyang iharang yung kamay nya sa may pinto.

"UWAAAA! FAMY! Please sumama ka na sakin. Parang awa mo na. Kunin na natin yung ticket mamaya." lumuhod naman sya at niyakap ang binti ko. Mukha tuloy syang ewan dun na umiiyak nang walang luha.

---

Part 1 po ng chapter 1. Pagpasensyahan po ang update. Updated via mobile lang. :) Sana po basahin nyo ulit.

Hope you like it guys! Thanks for reading. Next part will be updated soon. ;)

Lovelots,

jayem <3

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 03, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Voices of the HeartsWhere stories live. Discover now