Bloody Rose (Part 1 of 3)

7 1 0
                                    


"Ma! Ma! Tulungan mo ko!" takot na takot na sigaw ng anak ko.

"Lily! Anak! Wag, wag! Wag mong patayin ang anak ko!"

May nakita akong anino na papalapit sa anak ko, may hawak itong kutsilyo at nanlilisik ang mga mata. Hndi ko alam pero wala akong magawa, gusto kong iligtas ang anak ko pero bakit parang hindi nila ako naririnig.

"Wag! Anak tumakas ka!"

Sigaw ko habang papalapit sa kaniya ang anino ng isang tao na may hawak na kutsilyo.

"Pakiusap anak tumakbo ka! Anak! Hindeeee!"

Pinagsasaksak ang anak ko, nasaksihan ko lahat... mula sa ulo, sa bibig, sa mata, sa puso at maraming saksak sa tiyan. Nanginginig ako sa takot at galit. Hndi ko malaman kung bakit hindi ako makagalaw mula sa kinatatayuan ko. Gustohin ko mang tulungan ang anak ko ay hndi ko magawa dahil para akong naparalisa.

"Lilyy! Lilyyyy!"

Napaluha nalang ako at nanlumo sa lahat ng nasaksihan ko. Nang makita ko ang anak ko na duguan at wala ng buhay subalit patuloy pa rin ang pagsaksak sa kaniya ng hayop na ito! Ang nais ko nalang gawin noon ay ang patayin ang taong ito at magpakamatay ako, dahil wala na ang kaisa isang importante sa aking buhay. Ang anak ko, na iningatan at minahal ko sa loob ng labintatlong taon. Simula ng iniwan kami ng hayop kong asawa noong sanggol pa lamang sya. Nanggigil ako sa galit habang patuloy pa rin ang pagbaon ng taong nakatago sa likod ng itim na anino sa kaniyang hawak na kutsilyo sa katawan ng aking anak.

"Baket?! Baket mo pinatay ang anak ko!! Baket?!"

Biglang itong huminto sa pagsaksak sa aking anak habang ang dugo sa nagkalat sa aming kwarto, unti unti itong umaagos papunta sa aking kinatatayuan kasabay ng paglingon ng itim na anino na tila nagalit sa aking pagsigaw. Nagsitaasan ang mga balahibo ko at damang dama ko ang kaniyang poot. Ang kaniyang dahang dahang pagkilos paharap sa akin. Tila nanghina ako dahil nararamdaman ko ang matinding galit nito. At ng malapit ko ng makita ang kaniyang mukha ay akma niyang iginalaw ang kaniyang kamay na may hawak na kutsilyo paharap sa akin. Unti unti siyang humarap sa...

"Sa? Pagkatapos ano? "Sige pa, paka isipin mong mabuti pakiusap Rose."

Sabi ni Aling Maria habang kinakausap ako sa aming terrace.Mag iisang buwan na magmula ng mamatay ang aking anak. Ngunit hanggang ngayon ay hndi pa rin nila nahahanap ang pumatay sa aking anak. Ika 10 ng Oktubre taong 2015 ng mamatay ang aking nag iisang anak na si Lily, ng pagsasaksakin siya ng walang habas sa loob ng aming bahay. Nawalan ako ng malay matapos kong masaksihan ang lahat ng 'yon at nagising na lamang ako na nasa isang parang hospital. Isang special na hospital kung saan idinadala ang lahat ng mga may trauma or mahirap na pinagdadaanan kasama na rin ang mga may kulang sa pag iisip.

"Osya, natatandaan mo ba kung sino ang pumatay sa anak mo?"

Tanong ni Aling Maria.

"Hindi po Aling Maria"

Nagtataka ako kung bakit niya iyon laging itinatanong.

"A? A wala naman, nagbabakasakali lamang ako na maalala mo na kung sino ang suapect upang kaagad ng mahuli ang suspect na iyan! Hay naku."

Sagot ni Aling Maria na tila nabalisa sa aking tanong.

"Osya hija, mauna na ako hah? Mag ingat ka riyan, pumasok ka na sa loob ng kwarto mo at magpahinga."

Kinuha niya ang bag niya at isinabit na ito sa kaniyang balikat.

"O uminom ka na ba ng mga gamot mo?"

"Hndi pa ho,"

May kinuha syang kung anong plastic sa bag na parang may laman na gamot.

"Ganun ba? O uminom ka na, may gamot ka pa ata roon sa ibabaw ng mesa"

"Ayoko nga! Nakakasawa na, lagi nalang akong umiinom ng gamot, magaling na naman ako e, pwede na akong umuwi ng bahay upang maiayos ko na ang lahat roon"

Biglang tumaas ang boses ni Aling Maria.

"Ano?! Hndi pwede! Inumin mo ang gamot mo! Ihahatid na kita sa iyong kwarto, tara na!"

Hinawakan nya ng mahigpit ang aking kamay at dali dali niya akong inihatid sa aking kwarto.

"Pero Aling Maria, totoo po na magaling na ako, wala na po akong trauma kaya isama nyo na ho ako sa pag uwi. Namimiss ko na ang amoy ng anak ko. Kahit sa mga natirang mga gamit man lang niya ay maramdaman ko siya. Pakiusap po"

"Sinabi ng hndi pwede e!"

Sa pagkakataong ito, mas mataas ang boses niya

"Rose, magmula ng mamatay mga magulang mo ako ng nag alaga sa'yo. 72 yrs old nako at 34 yrs old ka palang, di hamak na mas matanda ako sayo kaya naman pakinggan mo ko, nak. Bilang pangalawang ina mo."

"Ngunit lagi nalang akong nandito, ayos nako. Gusto ko ring makatulong sa paghanap sa suspect. Aling Maria, ina rin ho ako. Ako ang pinakanasaktan sa pagkawala ng anak ko kaya pakiusap, pagbigyan nyo na po akong sumama pauwi sainyo,"

Lumuhod at nagmakaawa habang hinahaplos ang kamay ni Aling Maria.

"Patawarin mo ako anak pero hndi pa maaari sa ngayon kaya inumin mo na ang gamot mo at magpahinga. Pakiusap"

"Ayoko!"

Tumayo at kinuha ang lahat ng gamot.

"Kung hindi moko isasama, tatapusin ko ang buhay ko. Mas gugustuhin ko ng sumama sa anak ko king hndi rin naman kaagad mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay niya!"

Akmang iinumin ang lahat ng gamot na nasa isang boteng lalagyan.

"Naku! Naku! Rose, pakiusap naman pakinggan mo ako.

Pakiusap"

Lumuhod ang matanda sa harap niya sa tabi ng pinto at siya naman ang nagmakaawa kay Rose habang si Rose ay nakatayo paharap sa labasan ng kaniyang kwarto.

Patuloy ang pag iyak nilang dalawa na para bang sila lamang dalawa ang nasa hospital na hindi nila alintana ang mga taong dumadaan ng biglang...

Bloody RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon