Himatayin si Aling Maria. Kaya kaagad na tumawag ng Nurse at Doctor si Rose at kaagad nilang inasikaso ang matanda. Mag-aalas 10 na ng gabi ng magising si Aling Maria, nakahiga sa kama sa tabi ni Rose na mukhang himbing na himbing sa pagtulog sa kaniyang tabi.
"Sige, matulog ka lang diyan at matulog."
Sabi ni Aling Maria at dahan dahan siyang bumaba na animo'y nagmamadaling umalis sa kaniyang kwarto.
Habang naglalakad siya papunta sa counter ay napansin niya na parang mayrrong sumusunod sa kaniya, binilisan niya ang kaniyang lakad subalit patuloy pa rin ang pagsunod nito sa kaniya. Tumataas ang kaniyang balahibo dahil ang siya ay kasalukuyang dumadaan sa isang parte ng hospital na tahimik at parang walang tao ng biglang...
"Ahh!!!"
Nagpatay sindi ang mga ilaw... at tumingin siya sa kaniyang likuran. Nanlaki ang kaniyang mga mata sa kaniyang nakita. Isang anino na biglang dumaan sa kaniyang harapan. Mga ilang Segundo pa ay pinilit niyang lumakad kahit na hindi niya masyadong Makita ang hallway dahil sa dilim hanggang sa tuluyang hindi na sumindi ang mga ilaw. Habang siya ay dahan dahan sa paglalakad dala ng walang ilaw,patuloy pa rin ang pagsunod sa kaniya ng anino labis ang kaniyang kaba at sobrang lamig nang kaniyang buong katawan, sinubukan niya itong kausapin.
"Kung sino ka man, diyan ka lang. Wag mo akong susundan"
Nagpatuloy siya sa kaniyang paglakad ngunit sa pagkakataong ito ay naririnig na niya ang mga tapak ng paa nito. Pabilis ito ng pabilis kaya naman binilisan rin ng matanda ang kaniyang lakad at ng manghina siya ay huminto muna siya at kinabahan siya lalo ng mapansin niya na wala na ang tunog ng mga sapatos at pagkatapos ng ilang saglit ay biglang parang mayroong kung anong bagay na nakahawak sa kaniyang magkabilang balikat na napakalamig at nararamdaman niya na may isang tao sa kaniyang likod dahil sa paghinga nito nararamdaman ni Aling Maria mula sa likod ng kaniyang ulo. Hindi niya alam ang kaniyang gagawin dahil parang naparalisa ang kaniyang mga paa at kamay. Hanggang sa mayroon siyang nakitang isang nurse na lumabas mula sa pinto at tinawag niya ito. Naghahabol sa hininga at hindi pa rin makapaniwala ang matanda sa kaniyang narasan sa bahaging iyon ng hospital kung saan naroon ang kwarto ni Rose.
"Ganoon ho talaga, masanay na ho kayo. Minsan nga ho ay mahihimatay ka nalang sa sobrang nerbyos pero nasanay na ho kasi kaming lahat dito sa mga ganyan kaya siguro ay hindi natatakot."
Sagot ng nurse habang kinukuhanan ng presyon si Aling Maria.
Pagkatapos ay may ibinigay na plastic na may laman ng mga gamot at kaniyang kinakausap ito.
"Hay nako. Jusko po. Salamat naman at nakita kita roon dahil kung hindi ay baka doon na ako mamamatay"
Sabi ni Aling Maria habang tila hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyari.
"Naku! Gabi na, kaylangan ko ng umuwi, nurse maraming salamat po"
"Ok po, mamayang alas dose ng gabi ay tutuluyan na po namin siya."
Sabi ng nurse na kausap ni Aling Maria.
"Osya, magdahan dahan kayo upang hindi niya kayo mapansin sa pagpasok ng kaniyang silid, madali siyang magising"Sagot naman ni Aling Maria.
"Oh! Aling Maria, gabi na? Bakit hindi ka pa umuuwi?"
Sabi ng doctor na bigla na lamang sumulpot sa counter.
"Ah ngayon lang ho kasi ako nagising Doc pero uuwi na rin ho ako nito"
Sabi ni Aling Maria na mukhang nahihiya dahil alam niya na nagkaroon ng alitan noon sa pagitan niya at ng ina ng Doctor dahil sa agawan sa pagmamay ari ng lupa. Ngunit matagal na iyon.
BINABASA MO ANG
Bloody Rose
HorrorStory of a living horror story that continuously haunts a small town.