Patuloy sa paglakad ang matanda hawak hawak ang kaniyang rosaryo at umiiyak. Ng biglang huminto sa pagtawa ang lalaki at naramdaman niya na parang wala na ito. Ngunit hindi pa rin ito huminto sa paglakad hanggang sa naramdaman niya na wala na nga ito. Nagpasalamat siya sa Panginoon at napagdesisyunan niyang lumingon... ng dahan...dahan... dahan... nangingilabot at kinakabahan pa rin siya habang siya ay unti unting humaharap ng biglang...
*meow... meow*
Isang pusang itim ang nasa kaniyang harapan.
"Isang pusa lamang pala"
Subalit hindi pa rin siya natahimik at lalo siyang natakot kaya nagpatuloy siya sa kaniyang paglalakad subalit siya ay napahinto at napaharap ulit sa kinaroroonan ng pusa at nanlaki ang mga mata habang nakatingin sa itim na pusa dahil sa napagtanto niya na hindi lamang pala talaga siya ang naroroon sa madilim na bahagi ng daan. Naisip niya ang boses ng isang nakakatakot na lalaki kanina.
"Pssst..."
Biglang bumagsak ang kaniyang mga luha kasabay ng paglingon niya sa kaniyang harapan. Isang itim na anino na may dala dalang kutsilyo habang pumapatak ang mga dugo ng tao mula rito. Hindi na nakalakad pa ang matanda dahil siya ay parang naparalisa sa kaniyang kinatatayuan. Napasigaw na lamang siya ng bigla siyang sinunggaban ng itim na anino at pinagsasaksak... ibinaon niya ang kaniyang kutsilyo sa kanang mata ng matanda at inialis ito, isinunod ang kaniyang kaliwang matas atsaka niya ipinasok ang kaniyang mga kamay rito. Pagkatapos ay ang puso. Ibinaon niya ito ng pagkalalim lalim at paulit ulit na pinagsasaksak.
Habang patuloy na umaagos ang mga dugo ay unti unting naaninag sa dugo na tumatalsik sa itim na anino ang tunay na pagkatao nito.
"B-bbb-ba-ket..."
Kahit na pinagsasasaksak ay pinipilit pa rin ng matanda na magsalita ngunit hindi ito pinapakinggan ng itim na anino at patuloy ito sa pagsaksak nito at ang pagtalsik ng dugo hanggang sa mapuno na ang buo niyang katawan ng dugo ng matanda.Tumatawa siya na mukhang nagagalak sa kaniyang ginagawa habang ang matanda ay pilit parin siyang tinatanong...
"B-bb-ket......? R—ose..."
Kasabay ng sinabi ng matanda ay huminto ang itim na anino sa pagsaksak. At biglang natulala...pagkatapos,
"Sino si Rose?!!! Wwala na si Rose! Pinatay ko na siya!!"
Sigaw ng itim na anino na nabalot ng dugo... na si Rose.
Humahalakhak siya na muling pinagsasaksak ang matanda habang unti unting nag flashback ang mga pangyayari sa kaniyang isipan.
"Ma! Ma! Tulungan mo ang sarili mo. Ma! Ako to si Lily! Ma!"
Sigaw ni Lily na patuloy sa pag iyak habang ang kaniyang ina ay unti unti lumalapit sa kaniya hawak ang isang kutsilyo.
"Ma! Pakiusap! Ma"
Papalapit ng papalapit si Rose sa kaniya at tila nagbago ito ng itsura, nakakapangilabot at nakakatakot kaya naman walang nagawa ang kaniyang anak kundi ang magmakaawa na lamang siya na wag siyang patayin ng kaniyang mismong ina.
"Ma!"
Pinagsasaksak ni Rose ang kaniyang ka dugo at nanggaling sa kaniyang sariling laman. Masaya at tumatawa sa kaniyang ginagawa.
Flashback...
"Hon! Hon! Anong nangyayari sayo? Wag mong gawin yan pakiusap!"
Sigaw ng kaniyang asawa habang papalapit ito sa kaniya hanggang sa pagsasaksakin niya ito at tuluyan ng mamatay. Ng mga panahon na iyon ay nasa hospital si Lily dahil premature pa siya ng isinilang siya. Napag alaman na mayroon palang mild mental disease si Rose at unti unti lumakas dahil sa depression. Nakaranas ito ng Post partum disease subalit makalipas ang ilang taon ay naka recover rin siya mula sa sakit na ito. Hindi niya nakasama ang kaniyang anak dahil ito ay lumaki sa mga magulang ng kaniyang ama. Nang magsampong taong gulang si Lily ay pinayagan siyang makasama ang kaniyang ina ngunit isang araw lamang sa loob ng isang buwan sila nagkakasama dahil pagpapagamot ng kaniyang ina. May epekto kasi ang mga gamot na kaniyang iniinom sa kaniyang pag iisip kaya delikado kung hahayaan lamang nila ito na makasama siya sa bahay. Bumibisita noon si Lily sa hospital kung saan naroon ang kaniyang ina. Napansin ng mga Doctor ang mabilis na progress sa kalagayan ni Rose kaya noong October 9, ang araw bago ang ika labintatlong taong gulang ni Lily ay pinayagan nila itong umuwi sa kanilang bahay upang doon mag celebrate ng birthday ng kaniyang anak. At pagsapit ng Alas dose, saktong ika 10 ng Oktubre ay nakalimutang painumin ng gamot si Rose kaya naman nag alsa nanaman ito. Inisip ni Aling Maria na hindi na siguro siya susumpungin dahil naging mabilis na naman ang progress niya. Dahil dito ay mayroong mga abnormalidad na nangyari sakaniya. Ang bahay na iyon ay ang bahay kung saan nangyari ang krimen ng pagpatay sa kaniyang asawa kaya naalala niya ito at inulit ang mga nangyari pero sa pagkakataong ito ay mas nagging grabe siya. Pinagsasaksak niya ang kaniyang anak at masayang masaya sa kaniyang ginagawa. Waring nakikita niya ang kaniyang asawa na inakala niyang nagtaksil sa kaniya noon. Oo, nakita niya ang isang nurse na kinakausap ng kaniyang asawa na waring matagal na silang magkakilala subalit hindi niya alam na magkaklasi sila noong elementary sila. Inakala niya na pinagpalit na sya sa iba dahil nanganak na sya at nalosyang samantalang ang nurse na kausap ng kaniyang asawa ay maganda, maputi at mukhang wala pang asawa.
BINABASA MO ANG
Bloody Rose
HorrorStory of a living horror story that continuously haunts a small town.