Chapter 16: I'm Here

64 5 5
                                    

Justin's POV

"Babes, gutom nako" kanina ko pa yan sinasabi kay Jacey, alam kong may sakit siya pero ayaw ko namang magpaluto ng kakainin namin.

"Sabi ko kasi sayo, umuwi ka na e. Kaya ko namang mag-isa dito, sanay naman akong mag-isa" napatingin nalang ako sa kanya dahil sa hugot na sinabi niya, hahahaha. May gana pang humugot kahit may sakit na.

"Hindi babes, sabi ko kay kuya Josh na babantayan kita. Kailangan magpagaling ka na agad kasi this coming 2 days may mangyayari na sobrang importante sa buhay ko" nginitian ko siya, siguro wala pa siyang alam tungkol doon.

"Ha? wala naman akong maalala e, pero sige. Teka nga lang, ano bang nangyari sa klase kanina?" bigla ko namang naalala yung announcement kanina. Agad akong tumayo at lumapit sa inuupuan ni Jacey.

"Babes, buti pinaalala mo. Alam mo bang ako ang Top 2 sa klase natin? At ikaw yung Top 1 babes. Ang galing-galing mo talaga!" sa sobrang tuwa ko, niyakap ko siya at naramdaman ang sobrang init ng katawan niya.

"Talaga? Ang galing mo rin Jus. Nakakatuwa naman yun!" at niyakap niya rin ako pabalik, hays. Okay lang na ganito basta kayakap ko siya.

Siya na ang kumalas ng yakap namin, sayang nakakabitin naman yun.

"Galing ah, halatang inspired ka. Bakit parang tumino ka naman ata ngayon?" sabi niya sakin with 'pataas-taas ng kilay' pose.

"Inspired kasi ako dahil sayo babes. Nagtino na talaga ako, para hindi na ako kunin nila dito. Tsaka ayaw kong lumayo sayo." sabay sandal ng ulo sa balikat niya. Hokage moves ba, hahahaha!

"Ay sus. Ako pa talaga ginawa mong dahilan ah." hinawakan niya yung ulo para iiwas sa balikat niya, ang init ng kamay niya halatang hindi pa siya komportable.

"Babes, luto na tayo oh! Gutom narin naman ako e, tsaka kailangan mo pang uminom ng gamot mo para mas mabilis ang recover." itinayo ko na siya para makapunta kaming kusina.

"Huwag na kasi tayo magluto. Magpa-deliver ka nalang, papagurin mo pa ako oh." umupo na uli siya, sabagay hindi pa nga siya magaling tapos papagurin ko na siya.

Spoken Hearts {Editing&On-going}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon