Chapter 20: His Girl

39 3 0
                                    



Jacey's POV


Awkward. Nervous. Guilt. Mix Emotion. Lahat nang iyan ay nararamdaman ko sa sandaling ito. Awkward kasi, wala akong masabi sa kanya ni isang salita. Nervous, jusme! Sino ba namang hindi kakabahan ngayon sa kalagayan kong ito? Guilt, kasi hindi ko man lang alam na birthday niya, siya pa itong nagpa-ayos sakin at wala akong gift for him! At mix emotion, ghad! Makikilala ko na ang parents niya ngayon. Oh please! Wake me up from this, please say that I'm dreaming right?


"Babes, you looked tense? Don't be okay, they won't bite you." sabi niya sabay hawak sa kamay ko.


It lessen my nervous feels, pero hindi parin mawala sa isipan kong birthday niya ngayon. Wala akong regalo, wala rin akong mukhang maihaharap sa parents niya. Paano kung nandito yung mga kaklase namin? Yung mga other relatives niya? Argggh, can I disappear right now?

"J-justin.. pwedeng mag-cr m-muna a-ako.." pautal-utal kong sambit.


Humarap siya sa akin at ngumiti. Pero isang iling ang natanggap ko sa kanya. What?! Porke ba birthday niya, siya na ang masusunod? Hindi ba pwedeng huminga muna ako sandali, dahil hindi ko talaga makayanan ang mga nangyayaring ito?


Sa paglalakad namin, napunta kami sa sala nila. Oh my god! Sobrang laki grabe, parang pinagsamang sala at kusina namin ang laki nito. Ang daming mwebles na nagmula pa sa makalumang panahon, ganon siya. Tapos ang daming paintings, ang linis-linis nang bahay nila. May mga maids pang nakakalat all over the house. Yung ibang maids nginingitian ako, kaya nginitian ko sila kahit nanginginig yung labi ko.


Mukhang papunta na kami kung nasaan yung mga magulang niya. Napadpad kami dito sa napakahaba nilang dining table. At mula sa dulo sa kabilang dako, nandoon ang kanyang daddy. Hindi. Para siyang si Justin after 20 years. Ang gwapo at sobrang tikas ng katawan. At ang kanyang mommy na, sobrang puti ng balat, chinita at mukhang dalaga pa. Napunta ang kanilang paningin dito sa aming pwesto, they stared at me. Tumingin sakin si Justin at inilakad niya ako papunta sa kinalalagyan ng kanyang magulang.


"Ma, Dad, this is Jacey. My soon to be girlfriend." matapang at seryosong sambit ni Justin.


Nakahawak parin siya sa kamay ko, bahagya akong napatingin doon dahil mas lalo niyang hinigpitan, tipong kumapit lang daw ako dahil maayos ang lahat. Kahit nahihiya at natatakot akong tumingin sa kanila, sinubukan ko. Nakita kong nakatingin ang kanyang mommy at daddy sakin. Ngumiti ako sa kanila.


"Good evening po, Mrs. and Mr. Cruz." medyo mahinang sambit ko dahil sa sobrang kaba.


Ngumiti sila sakin at itinuro nila ang dalawang upuan na nasa harap nila, at ibig na umupo kami doon. Hinatak ni Justin ang upuan na nasa harap ko, at pinaupo ako dun. So gentleman. Nang nakaupo na kami, matalim kaming tinignan ng kaniyang mommy. Nakakahiya sobra, gusto ko na talagang maglaho ng parang bula ngayon. Binalingan ako ni Justin ng tingin, at nginitian niya ako. Bahagya siyang lumapit sa tainga ko at bumulong.


"Are you okay? Kakain lang tayo dito, tapos mamaya lalabas rin tayo." then he smiled.


Bumuntong hininga ako. Naninikip na ang dibdib ko at medyo sumasakit narin ang ulo ko. Ngayon ko lang naramdaman ito, sa dami ng ginawa namin ngayon. Tumikhim ang kaniyang mommy kaya natuon ang pansin namin doon.

Spoken Hearts {Editing&On-going}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon