Chapter 17: 24/7 In Love

34 4 0
                                    



Jacey's POV


The next day, medyo gumaan na ang pakiramdam ko. Eto ako ngayon, nag-aayos para pumasok. Sa pagkakantanda ko, sabi ni Justin e, susunduin niya ako ngayon. Medyo maaga pa naman.


Hating gabi na nung umuwi si Justin kagabi, inantay niya pa kasi si kuya Joshua na umuwi para may kasama na daw ako dito. May dramahan session pa nga kagabi e, buti nalang daw inalagaan ako ni Justin kurva-ekek hahahaha, baka daw kung anong nangyari sakin kung wala siya ganurn!


"Jacey, balita ko Top 1 ka daw ng klase niyo ah, consistent ba!" sabi ni ate Macey, habang nag-aayos ng mesa para sa umagahan namin.


"Syempre ate, 'yun na nga lang maisusukli ko sainyo ni Kuya e." sabi ko sabay upo sa upuan. 6:00 am palang naman, medyo maaga pa.


Habang kumakain at naguusap kami nila ate at kuya, may nag-bell naman sa labas namin. Sino naman kaya 'yun?


"Jay, paki' naman non. Tinatamad akong tumayo e haha." hindi ko na sinagot si kuya at tumungo na agad sa labas namin. Mula sa pinto nakita ko ang pigura ng likod ni Justin?


Ang aga naman ng mokong na'to.


"Jus! Ang aga mo naman, nag-aalmusal palang kami." mukhang bagong ligo siya, medyo basa buhok niya e, yung halatang dinaanan lang ng tuwalya at naging messy? Gets niyo?


"Inagahan ko talaga babes. Nag-aalmusal kayo? May dala akong sandwiches, balak kong ibigay sayo. Gusto mo?" inabot niya sakin yung dala, mainit-init pa ang sarap kainin with milk/coffee.


May isang ideya namang pumasok sa utak ko.


"Jus, pasok ka muna. Daluhan mo nalang kami, tutal maaga pa naman tsaka masarap ata tong dala mo e." 


Dumiretso naman siya sa gate namin, at agad pumasok sa bahay. Pagkaupo ko ng upuan sa tabi ni ate, tumingin siya sakin tsaka si kuya. Nginitian ko nalang sila.


Tumikhim naman si ate. "Oh Jus, 'bat ang aga mo ata ngayon? Anong meron?" sabay taas ng kilay kay Justin.


Kumain nalang ako habang naguusap sila. Kesyo ganyan, ganito. Pinaguusapan nila kung ano daw ako sa school, kung maayos daw ba ako, matino? Aba, eto namang si Justin, sagot ng sagot minsan pilit pa. Pero 'dun ako sa tanong ni kuya natigilan.


"Oy bro, Jus, mahal mo na ba 'tong kapatid ko?" 


Nasamid ako na nagpatigil sa usapan nila. Diretsuhin ba naman ni kuya yung tao? Nagsalin si Justin ng tubig sa baso at ibinigay sakin. Sandali akong tumingin kay ate at kuya, na sakalukuyang nakatingin samin ni Justin ngayon.


"Ahm.. opo mahal ko po si Jacey. Halata naman po diba? haha I'm 24/7 in love with her." tumingin siya sakin pagkasabi niya nung last sentence.

Spoken Hearts {Editing&On-going}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon