"Hey, it's been a while.."
Ako'y tila nabingi at naistatwa sa kinaroroonan ko.
Hindi ko magawang lumingon. Ilang taon na ba mula nang huli kong narinig ang boses na iyon? Bakit kilalang kilala ko parin ang boses niya?
"Ericka.."
Dali dali kong ibinalik sa shelf ang librong binabasa at binilisan ko ang lakad ko dahil gusto kong umiwas.
"Ericka, huwag mo naman akong iwasan oh?" Pagsusumamo niya.
Ayoko! Hindi na ako makikinig sa kanya!
Hindi na ako muling magpapa-uto!
Ayoko na!
Tama na!
Sawa na ako!
Tumakbo ako ng mabilis. Ayokong maabutan pa niya ako.
Paglingon ko ay hindi ko na siya nakita.
"Thanks God." Nakahinga na ako ng maluwag.
Naglakad na lang ako dahil napagod ako sa pagtakbo kanina.
Habang naglalakad ay napapaisip ako,
Bakit pa nga ba kami nagtagpo?
Bakit ngayon pa?
Bakit hindi noong handa pa akong magpaka-tanga?
Mahal pa kita, Xyrell..
Pero ayoko na.
BINABASA MO ANG
'Til I See The Stars Again
Teen FictionNagmahal ka na ba? Umasa? Nasaktan? Sinong tanga? Sinubukan mong mag move-on, Nakamove-on ka nga ba? Aminin mo. Mahal mo parin siya, hindi ba? Wala akong binabaggit na pangalan, pero siya agad pumasok sa isip mo. Sabi na eh, mahal mo parin siya. Nap...