Chapter 1: Clinic

7 1 0
                                    

Nagising akong nasa clinic ng aming paaralan. Ano bang nangyari?

Pumikit ako at pilit inalala ang naganap bago ako nawalan ng malay.

Naglalakad ako nun sa may gym at...

"Hinimatay ka kanina, kumain ka ba?" Tanong sa akin ng nurse na nagbabantay ngunit umiling lang ako.

"Sa susunod Ms. Llan, wag ka ng magpapalipas ng gutom. Mababa rin ang RBC mo, puyat ka siguro ng puyat. Buti na lang at nakita ka ni Xyrell at nadala agad dito. Nahihilo ka pa ba?" Daming satsat nung nurse kaya um-oo na lang ako kahit hindi ko na naintindihan yung ibang sinabi niya.

"Kumain ka sa tamang oras." Sabi na naman ng nurse habang naglalagay ng Ammonia sa bulak.

Tss, sabi na eh. Eto na naman tayo sa 'singhot-ammonia' na trademark ng aming clinic.

Gamot for all sickness! Pucha.
Nahihilo? Ammonia.
Masakit ulo? Ammonia lang.
Masakit tyan? Ammonia ulit!

"Kumusta ka na?" Natatawang tanong sa akin ni Xyrell. Napansin sigurong napairap ako sa ammonia na binigay ng nurse.

"Okay na ako, salamat." Tatayo na sana ako kaso nagulat ako nung inalalayan ako ni Xyrell kaya napaupo ulit ako sa kama.

Nakuryente ako.

Napatingin kami pareho sa kamay naming nakuryente.

Hindi lang pala ako ang nakaramdam nun, pareho pala kami.

"Sorry, may sparks ata tayo." Pagbibiro niya.

Hindi ako nakapag react, naka-poker face lang ako. Nahihiya ako na ewan.

Ano ba to?

Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?

Kinakabahan ako.

Inalalayan niya akong muli at sinamahang kumain sa cafeteria.

Ang awkward namin!

Hindi naman kasi kami close.

Hindi rin kami nag -uusap sa klase.

Nakikitawa lang ako sa mga asaran nila sa klase pero hindi kami close.

Ito ang unang beses na nag-usap kami.

Ganito pala ka-awkward, tsss.

"Kailangan mong kumain kahit kaunti, baka mamaya mahimatay ka na naman at wala na ako para dalhin ka ulit sa clinic." Nakangiting Xyrell ang nakita ko pagharap sa kanya.

"Kanina ka pa kasi tulala dyan at hindi mo ginagalaw ang pagkain mo. Kain na." Napansin sigurong nagtaka ako sa sinabi nya.

"Parang wala kasi akong gana kumain."

Sinabi ko yung totoo, lalo pang nagpahirap sakin kumain ay yung awkwardness sa pagitan namin.

Tumahimik siya.
Tumingin lang sa akin.
Sht, may mali ba sa sinabi ko?

Bigla siyang umayos ng upo.

Kumutsara ng pagkain

At...

Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya

Isinusubo nya sa akin yung kutsara!

SUSUBUAN NYA AKO?!

Tangina, Xyrell!

"Say ahhhh." Habang palapit nang palapit sakin yung kutsarang hawak nya.

---

Nagising ako.

Panaginip lang pala.

Paulit-ulit na lamang ang panaginip na iyon, puro na lang Xyrell, Xyrell, Xyrell!

Wala na bang iba?!

Pwede namang iba pero lagi na lang siya.

Bakit ba hindi ko pa siya malimutan?

Ayoko na, putangina.

Uminom na lang muna ako ng alak na nasa bedside table. Saktong napatingin rin ako sa orasan.

5:08

Maaga pala akong nagising. Mamaya na ako mag-aayos para pumasok.

'Til I See The Stars AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon