Chapter 2:

4 0 0
                                    

11:58

Sa isang fastfood chain na may litrato ng matandang nakangiti napag-usapan nila Ericka at Rinaki magkita.

Sila ay highschool friends at kahit magkaiba na ang kanilang pinapasukan ay hindi parin nawawala ang connection sa isa't isa.

Madalas sila mag-usap at updated sa buhay ng isa't isa.

"Asan na ba tong si Rinaki?!" Bulong ni Ericka habang dina-dial ang number ni Rina. Balak niyang mag missed call para ma-alerto naman si Rinaki sa kanyang phone.

"Anak ka ng palaka! Bat mo sinagot kingina, missed call lang dapat eh!"

"Eh gago, tumawag ka kaya. Syempre mabait ako, hindi ko irereject ang tawag mo or hahayaan lang ang tawag noh."

Napa-eye roll nalang si Ericka sa sinabi ni Rinaki na 'mabait' siya.
"Whatever. Asan ka na ba?! Late ka na ng 26 minutes and 5 seconds oh."

"Ehh, malapit na. Traffic kaya duuuh!"

"Sus. Lagi ka na lang late! Nagugutom na ako. Bilisan mo!"

"Asan ka ba?"

"Sa usual nating upuan, sa taas, sa may mga couch."

Binaba nya yung phone. Andito na siuro sya, sa wakas naman. Ang tagal nya lagi tss.

"Yo!" Sya na nga.

"Anong 'yo' 'yo' ka jan? Tagal mo! Sigurado paalis ka palang ng bahay nung sinabi mong otw ka na no?"

"Hehehe. Pano mo nalaman?" Napakamot ng batok si Rina. Haaays. Lagi naman syang ganyan eh. Laging late, tss.

"Oh teka, bibili muna ako ng pagkain bago ka magkwento!" Nagmadali na syang bumaba para pumila dahil alam nyang mapapahaba na naman ang kwentuhan.

(≧∇≦)/ヽ(≧ω≦*)

"Araaaaaay!" Ang sakit non ah?!

Bigla akong binatukan ni Rina! WTF?!

"Gago ka ba? Eh malamang lagi mong maaalala yung punyetang yun kasi di mo naman talaga makakalimutan ang taong minahal mo ng sobra no!" Luh, kung titingnan mo itsura nya ngayon para na syang bubuga ng usok any time. Scaaary!

"Pano ba kasi mag move-on?" Nawawalan na ko ng pag asa tss. Kinuwento ko kasi sakanya na lagi ko parin naaalala si Xyrell at sobrang sakit parin.

"Ah..? I-stalk mo sya, titigan mo lahat ng pictures nila ng syota nyang pabebe, basahin mo lahat ng paglalandian nila sa bawat comments at post sa fb, basahin mo lahat ng tweets nya.." Tss, yan na naman sya sa pagiging sarcastic nya. 😒

"Oh ano? Iniisip mo na namang wala kang mapupulot sakin no? Kailan ba meron? BWAHAHAHA!" Yung tawa nyang pang demonyo, ayan na naman.

"GAGO KA! Kita mong nalulungkot na nga ako eh, ganyan ka pa" Nilabas ko nalang phone ko para mag scroll kunwari ng kung ano ano.

"Eh, seriously?! Ano ba gusto mong i-advice ko sayo eh alam ko namang never mo rin susundin un at ipagpapatuloy ang ginagawa mong pang ii-stalk sakanya araw araw. Tss!" Omg nagagalit na sya. Scary huhu

"Eh how to stop ba kasi? Hindi ko mapigilan eh."

Tumingin sya sakin bigla.

"Oh ehm gee. Kunwari nagulat ako. Kunwari ngayon ko lang yan narinig. Kunwari ngayon ko lang din sasabihin na i-unfriend mo, unfollow and block mo sya. Pang ilang libong ulit ko na bang sinabi sayo 'to? 'Yun ang unang step para di mo na sya ma-stalk, tsss." Oo, tama sya. Pang 100,000x na ata nya yan sinabi dahil pang 100,000x ko na rin 'yun natanong sakanya. Haays.

'Til I See The Stars AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon