2: Kiss

8 1 0
                                    

Alex POV.

Pumunta ako sa malapit na bar na alam ko. Ano bang gagawin ko dun? Edi IINOM! Tama, iinom na lang ako para makalimot!

Tinawag ko yung bartender at lumapit naman agad sakin.

"Bigyan mo ko ng pinaka matapang na alak niyo." Sabi ko tinitigan naman ako ng bartender.

"What?! Anong pang tinutunganga mo dyan?! Kung iniisip mong baka wala akong pambayad, pwes meron!" Umalis agad yung bartender at pagbalik niya ay dala na niya yung beer na inorder ko.

Nilagok ko agad ito. Gusto kong magpakalasing para makalimutan ko kahit saglit man lang yung nangyari kanina.

Inom lang ng inom.

Hanggang ngayon ang sakit pa rin! Tang*na malamang! Alangan naman mawala agad to.

May lalaki na kanina pa nakatingin sakin. Siguro nagagandahan to sakin! Hahaha! Lasing na yata ako eh?

Lumapit naman ako sa lalaki at umupo sa tabi niya.

"Anong tinitingin-tingin mo ha?" Sigang tanong ko. Pero nagdadalawang isip pa siya kung sasagot ba siya o hindi.

"Anubayan! Ang tagal sumagot!" Bagot na sabi ko at akmang tatayo na pero hinila niya ulit ako paupo at sa kasamaang palad ay sa labi niya ako bumagsak!

Edi ang ending naghalikan kami! Pero imbis itulak ko siya ay hinalikan ko pa siya. Lasing na talaga ako.

Tinugunan naman niya yung halik ko. Tumagal yung ng ilang minuto at humiwalay na kami sa isa't isa ng pareho na kaming hindi makahinga.

Hihingal hingal kaming pareho. Bigla ko na namang naalala si Matthew na nakikipaghalikan kay Jane. Bumalik na naman yung sakit.

"Alam mo pare-pareho lang naman kayo ng mga lalaki eh." Biglang sabi ko sa kanya.

"Mga manloloko. Sa una gusto niyo kasi maganda katawan at itsura pero pag nakakita kayo ng mas maganda iiwanan niyo na lang agad. O kung hindi niyo na gusto yung babae hahanap kayo ng iba. Hahaha. Bakit ganyan kayong mga lalaki ha? Sabihin mo nga, bakit?" Dugtong ko sa sinabi ko sa lalaking di ko kilala. Lasing na talaga ako, kung kani-kanino na ako nakikipag-usap.

Hindi naman siya umimik sa sinabi ko kaya nagpatuloy lang ako sa pananalita.

"Gusto niyo yung babaeng magaling sa kama. Yung babaeng magbibigay sa inyo ng sarap sa katawan. Yan ganyan kayong mga lalaki! Mga sarili niyo lang iniisip niyo! Gusto niyo lagi sarap sa katawan. Wala pa akong kilalang lalaking loyal! Yung lalaking hindi tumitingin sa iba. Walang lalaking ganun!" Binagsak ko yung hawak kong bote sa mesa. Tinitigan lang ako ng lalaki kaya nagpatuloy pa rin ako.

"Alam mo ba yung boyfriend kong si Matthew, 2 years nang kami. And guess what? He's cheating on my back and the funny thing is he has an affair with my bestfriend. Opps lemme rephrase that! He has an affair with my SNAKE friend. O kung friend pa bang matatawag yun. Ang sama nila! Matagal na pala silang may relasyon. At ako naman, akala ko mahal pa niya ako pero hindi na pala. Ang tanga tanga ko lang! Hindi ko man lang nalaman na niloloko na pala nila ako! Tang*na ganito pala kasakit magmahal!" Humahagulgol na ako ngayon. Kahit pala uminom ako di ko pa rin malilimutan yung ginawa nila sa akin. Pero gumaan naman yung pakiramdan ko dahil sa paku-kwento ko ng problema ko sa isang stranger.

"Hindi naman lahat ng lalaki magkakapareho. Napunta ka lang talaga sa manloloko. Hindi rin lahat ng lalaki sarap sa katawan lang ang hinahanap. Huwag kang mag-alala makakakita ka rin ng lalaking tunay na magpapahalaga at magmamahal sayo. Hindi pa sa ngayon pero darating din yon." Sabi ni kuyang stranger.

"Huwag mong hahayang kainin ng galit yung buong pagkatao mo. Hindi makakatulong yan sa iyo. Kalimutan mo na lang yung mga nangyari at magsimula ka ulit. Mag-'move-on' ka para wala ka ng problema." Sabi ulit niya. Napataas naman yung kilay ko sa huling sinabi niya.

"Kung makapagsalita ka akala mo sobrang daling mag-move-on!" Sabi ko. Ako naman yung tinaasan niya ng kilay.

"Kung gusto mo may paraan, kung ayaw mo edi ikaw ang mahihirapan!" Saad niya.

"Anong paraan naman ha?" Hamon ko.

"Simple lang. Ang maging tayo."

HA? TAMA BA YUNG NARINIG KO? Hay nako. Baka lasing lang ako. Ramdam kong bumibigat na ang talukap ng mata ko. At tuluyan na nga akong nakatulog sa balikat niya.

Heart BreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon