1: Cheating

6 1 0
                                    

Alex POV.

Today is my free day. So napagtrip-an kong magshopping dito sa may mall. Nang makita ko ang boyfriend ko na parang may hinihintay.

Di kaya sinundan ako neto? Pero hindi eh, may inaantay talaga siya. Tinawagan ko siya.

"Babe, nasaan ka ngayon?" Tanong ko sa kanya sa kabilang linya.

"Andito lang sa bahay babe." Bakit? Bakit ka nagsisinungaling? Alam mo bang nakamasid ako sayo ngayon?

"Anong ginagawa mo babe?" Tanong ko. May nakita akong babae na lumapit na sa kanya. Pero nakatalikod siya sakin kaya di ko makita kung sino siya.

*Tooot tooot tooot*

Binabaan ako ng tawag! Tsk!
Nagulat ko ng bigla niyang hinapit yung bewang nung babae at hinalikan. Nanikip agad ang dibdib ko sa nakikita ko, para akong sinasaksak ng paulit-ulit sa sakit.

Tang*na niya! Sinungaling! Manloloko! Nangingilid na yung mga luha ko habang nakatingin sa kanila na naghahalikan.

Napatingin sa gawi ko ang gago kong boyfriend. Nanlaki ang mga mata. Hindi niya siguro inaasahan na nakikita ko sila ngayon. Binigyan ko siya ng masamang tingin. Kung nakakamatay lang ang tingin siguro pinaglalamayan ka na ngayon g*go ka!

Tinulak niya bigla yung babaeng kahalikan niya kaya bumagsak ito sa sahig.

Hindi ako tanga na tutunganga na lang dito. Tumungo ako sa kinaroroonan nila. Pagkalapit na pagkalapit ko agad na dumapo ang mga palad ko sa makapal niyang mukha.

*PAK* Sa sobrang lakas ng sampal ko nagtinginan sa gawi namin ang mga tao. Wala akong pake kung mapahiya ako, basta magawa ko ang gusto ko.

"Akala ko ba ako lang? Akala ko ba mahal mo ko? Bakit niloloko mo ko? Kulang pa ba? Binigay ko naman lahat sayo ah!" Pinipigilan kong umiyak, ayaw kong ipakita sa kanya ang mga luha ko pero ang naninikip lang ang dibdib ko.

Ang sakit makita na nakikipaghalikan sa ibang babae ang boyfriend mo.

"Wag dito babe, please." Nakayukong sabi ni Matthew habang hawak yung kaliwang pisngi niya na sinampal ko. Si Matthew Scott ang gago kong boyfriend.

"Wag mo kong ma-babe babe dyan manloloko ka! Bakit ayaw mo dito? Dito mo ginawa yung kagaguhan mo kaya dito ka magpaliwanag! Ayaw mo bang marinig ng ibang tao na hambog ka? Dito mo pa talaga napiling makipaghalikan sa babaeng to!" Turo ko sa babae. Tinignan ko yung babae, nakayuko lang siya tapos natatakpan ng buhok niya yung mukha niya.

"Hoy babae! Tumingin ka sakin!" Singhal ko sa babae. Pero nakayuko pa rin siya.

Nilapitan ko yung babae tapos hinawakan ko yung baba niya at pinatingin sakin.

Laking gulat ko ng makilala ko siya. Guess who? Si Jane! Ang matalik kong kaibigan slash/ mang-aagaw pala!

"J-jane? Bakit mo nagawa to?" Garalgal na sabi ko. Ang akala ko kaibigan ko siya pero ahas pala!

"S-sorry Alex! Di ko sinasadya na magustuhan ang boyfriend mo kaya patago kaming nagka-relasyon." Naiiyak na paliwanag niya.

Sinabutan ko siya. Wala na akong pake kung masaktan siya, mas nasaktan naman ako! Kung sino pa yung pinagkakatiwalan mo ng malaki yun pa yung manloloko sayo!

"Hindi mo sinasadya ha?! Tang*na mo pala eh! Alam mong boyfriend ko siya diba? Akala ko kaibigan kita pero manunulot ka pala!" Sigaw ko sa kanya habang sinasabunutan ko siya.

"M-masakit Alex! T-tama na!" Sabi niya.

"Talagang masasaktan ka! Boyfriend ko pa talaga napili mong agawin!" Sigaw ko. Agaw atensyon kami dito sa mall pero pake ko ba?

"Tumigil kana Alex! Nakakahiya ang daming tao!" Sabi sakin ni Matthew. Hinawakan niya yung kamay ko para mapatigil ako. Tumigil na lang ako sa pagsabunot kay Jane, wala rin naman akong mapapala.

"Wow! Nakuha mo pa talagang mahiya sa ibang tao ha? Sakin di ka nahihiya sa mga panloloko niyo ha?" Sabi ko at tinuro yung sarili ko.

Tinulungan ni Matthew si Jane na tumayo. Napahiga kasi siya dahil sa kakasabunot ko. Kawawang babae. Ang sakit makita na parang mas kinakampihan niya pa ang babaeng yan kaysa sakin.

"Tama na Alex. Patawarin mo ko. Hindi na kita mahal. Si Jane na ang mahal ko." Sa kauna-unahang pagkakataon pumatak ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Nagpatuloy lang umagos ang mga luha ko kahit pinupunasan ko ito.

"Ang galing mo naman." Pumalakpak pa ako. "Kaibigan ko pa talaga ang minahal mo. Okay lang sana kung ibang babae eh pero bakit kaibigan ko pa? Bakit Matthew? Ano bang nagawa ko sayo at sinasaktan mo ko ng ganito?" Napangiti na lang ako ng mapait habang umiiyak. Nakakatawa, para akong tanga.

"Sorry Alex. S-sorry." Sabi ni Matthew.

"Wala ng magagawa yang sorry mo. Nasaktan na ako. Kaya isaksak mo yan sa baga mo!" Sabi ko. Pinunasan ko na yung mga luha ko.

"Magsama kayong dalawa! Middle finger for you two, mga manloloko! Pwee!" Sabi ko at umalis na doon.

Ngayon ko lang napansin na lahat ng tao dito sa mall samin nakatingin. Ang gandang eksena ang napanood nila. Parang live na teleserye. Bigyan natin ng pamagat, Ang Magandang si Alex ay Niloko ng Hambog na Boyfriend at Malanding Kaibigan Niya. Oh diba ang haba? Ako lang ang meron niyan.

Heart BreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon