Chapter 1

12 1 0
                                        

*KKKRRRIIIIINNNNGGGGG*

Bigla akong napatayo sa kama ko dahil sa gulat sa alarm clock ko! Muntik pa akong mahulog sa kama. Pero salamat sa alarm clock ko at nagising pa ako sa panaginip na yon. Woooh.

Hinahabol ko ang hininga ko, grabe hingal na hingal ako! Pawisan pa ako, wew lagi na lang.

Madalas talaga akong nananaginip ng ganoon ka-weird. Pero mas weird yung panaginip ko! Mahal ko daw si--- Teka, sino nga ba yun? Ken? Oo Ken nga yata. Eh wala naman akong kilalang Ken, tapos mahal ko pa!

Hayyss. Ano ba naman yan Ela! Panaginip lang yun, okay? Wag mo na isipin yun.

Ay oo nga pala! Ako pala si Elain Alcantara. Ela for short. 16 yrs old. 4th year high school. Patay na daw ang papa ko dahil sa aksidente sabi ni mama. Wala naman akong maalala eh, psh.

Bakit pa kasi ako nagka-amnesia? Oo, may amnesia ako dahil sa isang aksidente, tinatanong ko si mama pero ayaw naman niyang sabihin. Tsk, kainis. Feeling ko tuloy bagong panganak pa lang ako, wala akong kilala kundi mama ko lang tsaka si Pia.

Si Pia Trinidad yung bestfiend ko daw. Di ko naman maalala eh.

"Oh anak! Pawis na pawis ka na naman. Nanaginip ka na naman ba?" tanong ni mama pag pasok niya sa karto ko. Lagi ko kasing kinu-kwento sa kanya yung mga panaginip ko eh.

"Opo ma. Ang weird nga eh kasi mahal ko yung nasa panaginip ko, eh di ko naman kilala." nakibit-balikat na lang ako.

"Eh sino ba yung nasa panaginip mo anak?" tanong ulit niya.

"Si K------" di ko na natapos yung sasabihin ko kasi biglang may kumatok sa baba. Second Floor lang kasi bahay namin.

"Teka lang anak. Titignan ko lang kung sino yung kumakatok." sabay baba ni mama.

"Teka lang, andiyan na!" rinig kong sigaw ni mama sa kumakatok.

"Oh ikaw pala yan iha. Kamusta ka? Bakit ka pala napadalaw?" rinig kong sabi ni mama. Siguro si Pia yan.

"Okay lang naman po ako tita. Kakamustahin ko lang po sana kayo ni Ela" sabi ni Pia. Andito na pala siya.

Bumaba na ako para makita siya, na miss ko tong kaibigan ko kahit di ko maalala. Haha, feeling ko close talaga kami dati. Yung hindi pa ako naaaksidente.

"Hi Pia!" masayang bati ko sa kanya habang nababa.

"My gosh Ela! Namiss kita! Wahh!" bigla siyang tumakbo sakin at niyakap ako ng mahigpit.

"Haha! Namiss din kita Pia! Teka di na ako maka.. hinga." sabi ko ng natatawa. Kulit talaga netong bff ko.

"Ay sorry, nadala lang. Hehe!" nagpeace sign pa siya.

"Anak magluluto lang ako ng almusal. Ikaw iha, kumain kana ba? Aga mo ata pumunta dito?" sabi ni mama kay Pia.

"Hehe, namiss ko lang po si Ela. Hindi pa po ako kumakain tita eh, sakto. Namiss ko rin luto niyo eh!" sabi naman ni Pia. Natatawa na lang ako sa kanya. Feel at home talaga siya dito.

My Amnesia GirlWhere stories live. Discover now