"I love you, Ela" sabi niya sa akin. Hinalikan niya ako sa noo."I love you too, Ken" naka ngiti kong sabi sa kanya sabay yakap ko sa kanya.
Pinikit ko ang aking mga mata at pinakinggan ang mabilis na tibok ng puso niya, kagaya lang ng akin mabilis din ang tibok ng puso ko.
Ang sarap ng ganitong pakiramdam. Sana ganito na lang kami lagi.
Pagdilat ko, nagulat na lang ako sa aking nakikita. Para siyang nawawala. Anong nangyayari?! Para siyang abo na nililipad ng hangin.
Sinubukan ko siyang hawakan pero di ko na magawa! Naiiyak na ako!
'Ano bang nangyayari?'
"Ken, Ken! Anong nangyayari?!" sigaw ko sa kanya habang umiiyak ako. Pakiramdam ko.... iiwan niya ako.
Hindi siya sumagot, tinitigan niya lang ako. Ken wag mo akong iwan!
"Ken! Ano ba! Wag mo akong iwan!" sigaw ko ulit. Hindi pa rin siya nagsasalita.
Iisipin ko pa lang na iiwan niya ako, pakiramdam ko hindi na ako makahinga.
Tumakbo ako. Hinahabol ko siya, pero sa bawat pag hakbang ko lalo lang siyang lumalayo.
"KEN!" umiiyak na sigaw ko. Halos hindi ko na siya makita sa sobrang layo niya.
'Ken, akala ko ba mahal mo ko?'
'Sinungaling ka! Iiwan mo lang rin pala ako!'
Iyak lang ako ng iyak habang nakatingin sa kanya na lumalayo.
Pero bago pa siya tuluyang maglaho, may sinabi muna siya.
"Sorry Ela. Babalik ako. Babalik ako, pangako."
~
YOU ARE READING
My Amnesia Girl
De TodoSi Elain Alquiza ay nagka-amnesia. Marami siyang nakalimutang mga alaala na mahalaga, pati na yung taong mahal niya. Anong aksidente kaya ito? Basahin mo na lang ang kwento ko kung ikaw ay interesado. Thank you!