Heaven Knows
"I'm really sorry, iha."
Napayuko siya ng marinig niya yun mula sa doctor. Kinuha niya ang gamit niya at tska lumabas sa office nito. Sumakay kaagad siya sa sasakyan niya.
"Kasalanan ko to! Kasalanan ko! Kasalanan ko!"
Sigaw niya sakanyang sasakyan. Napasandal siya sa kanyang kinauupuan. Patuloy lang sa pagtulo ang tubig mula sakanyang mata. Sandali niyang ipinikit ang mata niya at nagbabakasakaling nananaginip lang siya pero hindi, muli niyang binuksan ito at nandoon pa din ang kirot sakanyang puso.
"I need to go away. I need to find myself back."
Yan ang mga katagang sinabi niya bago niya paandarin ang kotse niya.
Sa paglayo niya at sa paghahanap niya sakanyang sarili, maaari din kaya na may iba siyang mahanap?
Tulad ng.....Pag-ibig?
Hindi niya alam ang sagot. Hindi mo alam ang sagot. At hindi ko din alam ang sagot pero isa lang ang alam ko.
Only..
Heaven knows.