DOS

599 44 13
                                    


DOS

Ilang araw na namamalagi si Elmo sa bahay ni Lola Esmeralda pero kahit isang beses hindi niya naabutan si Julie na lumabas. Tuwing kakain kasi ay dinadala ni Manang Thelma ang pagkain nito sa kwarto. Mas gusto talaga niyo mapag isa.

"Elmo!"

"Oh Mikay?"

"Bakit mo pa ginagawa yan?"

"Okay lang yan ano ka ba para naman malibang ako."

Nagtatanim kasi siya ng gulay.

"Ikaw bahala."

"Lumabas na ba?"

"Si Julie? Hindi pa."

"Baka mabulok na yun sa kwarto niya. Kung ako lang? Wala na kong pakialam kung magalit siya sakin, ilalabas at ilalabas ko siya sa kwartong yan at sasabihin ko na nandito ang buhay sa labas wala sa loob ng kwartong yun."

"Elmo."

Nagulat ang dalawa ng may tumawag kay Elmo. Nabitawan ni Elmo ang mga hawak niyang pangtanim at pinagpag ang kanyang mga kamay.

"Lola Esmeralda." Sabi ni Elmo.

"Magandang umaga po Lola Esmeralda."

Ngumiti ang Lola kay Mikay.

"Mikay, maaari mo bang sabihin kay Thelma na ipaghanda ako ng kape."

"Opo."

Tumakbo na si Mikay.

"Lola.."

Kinakabahan si Elmo kasi baka narinig ng matanda ang sinabi niya tungkol sa apo nito. Umupo si Lola Esmeralda sa may puno doon. May upuan kasi doon na gawa sa kawayan.

"Halika Elmo."

Lumapit kaagad si Elmo.

"Bakit po Lola?"

"Alam mong apo na ang turing ko sayo at nagpapasalamat ako dahil nandyan ka para tulungan ako sa pamamalakad ng farm resort na ito."

"O..Opo."

"Pero ngayon ko mas kailangan ang tulong mo, Elmo."

"P..Po?"

Napayuko ang Lola.

"Narinig ko ang usapan niyo ni Mikay at ang sinabi mo."

"Lola..patawad po kung napagsalitaan ko po ng ganun ang apo niyo..sa isip ko lang naman po yun."

Tumingin si Lola Esmeralda kay Elmo.

"Gusto ko totohanin mo yun Elmo."

"Po?"

"Ibalik mo sakin ang apo ko Elmo."

Hinawakan ni Lola Esmeralda ang kamay ni Elmo.

"Ibalik mo sakin ang pinakamamahal kong apo."

"P..Paano po Lola.."

"ikaw ang bahala. Kahit ano gawin mo. Wag mo hayaang lunurin si Julie ng kalungkutan."

Dahil lola na ang turing ni Elmo kay Lola Esmeralda pinagbigyan na niya ang matanda.

"Sige po pero Lola, ano po ba talaga ang nangyari sakanya?"

"Ikaw na mismo ang umalam mula sakanya, Elmo."

At tumayo na ang matanda at iniwan si Elmo doon na nag-iisa. Umupo si Elmo sa may upuan na gawa sa kahoy doon. Nag iisip siya sa mga sinabi ng matanda. Hindi niya kasi alam kung paano tutulong kung hindi man lang niya alam kung ano talaga ang nangyari kay Julie. Tumango tango si Elmo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 28, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Heaven KnowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon