UNA
Tulala siyang nakatingin sa bintana ng kanyang kwarto. Umaga na pero parang wala siyang kagana gana. Mas gusto lang niyang nakaupo sa kama niya at tumulala sa kawalan.
"Julie?"
Napatingin siya sa taong tumawag ng kanyang pangalan. Ngumiti ito sakanya.
"Kakain na iha."
Tumango lang si Julie at tsaka tumayo.
"Hihintayin nalang kita sa baba."
"Sige po."
Tulad ng sinabi niya hinintay niya si Julie sa baba.
"Kamusta na siya Manang Thelma?"
Napailing si Manang Thelma.
"Hindi pa din siya okay, Mikay. Isang tanong isang sagot pa din ang batang yun."
Napabuntong hininga si Mikay.
"Hindi na siya ang Julie na kilala ko. Manang Thelma, ano po ba kasi ang nangyari sa kababata ko?"
"Mikay, mabuti pang wag nalang muna natin pag-usapan ang bagay na yan habang nandito si Julie. Sige na, pumunta ka doon at pababa na yun."
Tumango nalang si Mikay at sinunod si Manang Thelma. Ilang sandali pa bumaba na si Julie mula sakanyang kwarto. Umupo ito at nagsimulang kumuha ng pagkain.
"Iha? Gusto mo ba sumama samin mamaya sa bayan?" Sabi ni Manang Thelma.
"Oo nga Julie. Masaya doon at alam mo ba may perya doon. Parang nung mga bata lang tayo." Dagdag ni Mikay.
Umiling si Julie. "Kayo nalang po Manang Thelma, Mikay."
Nagkatinginan ang dalawa at hindi nalang nagsalita. Nang matapos si Julie umakyat na ito sakanyang kwarto.
"Manang, wala po ba tayong gagawin para sakanya?"
"Hindi ko din alam, Mikay. Isang linggo na si Julie dito pero ganyan lang siya."
"Alam po ba nila Ninong at Ninang na nandito si Julie?"
Umiling ang matanda. "Hindi, Mikay. Naglayas kasi si Julie diba? At mukhang malabo na dito siya hanapin ng magulang niyang kung sakali dahil alam naman natin na may tampuhan ang Lola ni Julie at ang Mommy niya. Simula noon, hindi na muling binalak ni Marivic na pumunta dito sa bahay ng kanyang ina."
"Hay. Kung may magagawa lang po ako para kay Julie. Hindi ko naman kasi alam kung ano bang problema niya. Baka naman nakipag break siya sa boyfriend niya."
"Sana nga yun lang ang dahilan."
"Po?"
Tumayo na si Manang Thelma.
"Sige na, ako na ang bahala dito. Mamasyal ka na doon sa bukidan."
"Opo."
Dahil sa magpagka makulit si Mikay, umakyat siya sa kwarto ni Julie. Bahagya itong nakabukas. Nakita niya si Julie na nakatingin sa kamay nito. Kumatok siya. Napatingin sakanya si Julie.
"Hi."
Walang ekspresyon ang mukha ni Julie.
"Ang ganda ng umaga, mas maganda kung naglalakad lakad ka. Tska hindi masakit sa balat ang sinag ng araw kasi malamig naman ang panahon. Tara? Sama ka naman sakin."
"Gusto ko magpahinga, Mikay."
"Julie, isang linggo ka ng nagpapahinga. Nakakulong ka lang dito sa kwarto mo eh. Tara na, maglakad lakad ka muna. Gusto mo magdala ka ng libro, may duyan doon sa may puno ng manga. Masarap magbasa doon."