King of the Gangsters
KOTG 1:Introducing Myself
~Crishna's POV~
"Nak,kumain ka na dito.Kanina ka pa diyan nagbabasa,hindi ka ba naboboringan magbasa." rinig kong sigaw ni mama sakin.Hayyss,nubayan ang ganda na nga e,sabay susulpot si mama...Hindi naman kasi ako gutom,pupunta naman ako sa baba kung nagugutom na ako.Pero since.maganda ang mood ko,okay,sige kakain na ako...
Nang nakababa na ako pumunta na ako sa lamesa para kumain,malamang.Kumuha lang ako ng tinapay at pinalamanan ng vegetable salad,sabay punta sa living room namin.Nandon pala si mama na nanonod ng t.v,balita yata yung pinanonood niya.
Tumabi ako sa kanya at kinain yung tinapay.Nagulat naman ako sa kanya ng magsalita siya.
"Haysss,salamat at bumaba ka na din sa kwarto mo.Akala ko doon ka na lang forever,MAGBABASA ng walang kwentang storya." sermon sa akin ni mama,hayysss grabe,akala ko pa naman nakafocus lang siya sa pinanonood niya,yun pala tatalakan na naman ako.Huhuhu,kawawa naman ako.Linunok ko muna yung tinapay bago ako magsalita.
"Ma,nagbabasa lang naman ako e. Anong bang masama sa pagbabasa?" madrama kong sagot kay mama.Effective yan pramis,ahahaha...
"Exactly,nagbabasa ka lang..." confident na sabi ni mama sa akin na diretso pa din ang tingin sa t.v.Kumagat lang ulit ako sa tinapay at napaisip kung may naiintindihan kaya si mama sa pinapanood niya kasi feel ko WALA.Haysss,grabe nagsisi yata ako na bumaba pa ako.Dapat tapos ko na yung binabasa ko e.
"Ma,di kita gets" naguguluhan kong sabi kay mama.
"Nagbabasa ka lang...But...yung mga WALANG KAKWENTA KWENTA lang din naman." diin na sagot ni mama sa akin.Huhuhu,hindi naman yon walang kwenta.Naubos na yung tinapay na kinakain ko kaya solve na ako,ahahaha.
"Ma,hindi walang kwenta ang wattpad.Sa katunayan nga ang ganda nga nun,base sa REALITY or kung hindi naman sa FANTASY.Try mong magbasa." sabi ko kay mama.Grabe naman siya magsabi ng WALANG KWENTA sa wattpad.
"HEH,huwag mo nga akong madamay damay diyan sa mga pinagbabasa mo nak.Iniiba mo lang yung usapan e." halatang hindi interisado si mama sa wattpad.Tignan nga natin kung hindi eeffective yung sasabihin ko kay mama.
"Ma,dali na...Try mo lang kahit isang story lang.Tignan natin kung hindi ka maaadik,ahahaha..." tawa kong sagot kay mama,naalala ko kasi yung dahilan kung bakit naadik ako sa wattpad.
"Nak,hindi mo ko maloloko sa mga pinagsasabi mo.May paganyan ganyan ka pang nalalaman.Kilala kita..." ngumiti sa akin si mama ng nakakaloko na parang may gagawin siya na talagang hindi gusto.Pinatay niya yung t.v at tumingin si mama sa akin ng nakakaloko.
"MA" sigaw ko.Alam ko na kasi yung gagawin niya sa akin na talagang ayaw na ayaw ko.Tumayo na din ako at lumalayo na sa kanya.
"Eto naman,masyado kang KJ.Dali na nak,magbihis ka na." sabay lapit sa akin ni mama paunti unti.
"Ma,ayaw ko.Hindi ko pa nga natatapos yung binabasa ko e." angal ko kay mama.
"Parang magtratransform ka lang e,PLAIN GIRL to DYOSA GIRL,hihihi...Naiimagine na kita nak kapag nakapagmake over ka na super ganda,mana sa akin." kinikilig na saad ni mama sa akin.Ewan ko,pero ayaw na ayaw ko talaga yung ganyan...Tss,make over?dyosa? Hayysss,naiirita talaga ako.Gusto yung ganto,yung simple lang.Walang kolorete sa katawan,nababanas kasi ako...
"Ma,ilang beses ko bang sinabi sayo na AYAW KO NGA sa mga ganyan.Ikaw na lang,huwag mo na akong isama.Solve na ako sa ganto,SIMPLE lang.Okay!!!" mahinahon kong sabi kay mama na parang sinasabi ko na OKAY na ako sa ganto...SIMPLE.
"Okay nak,hindi na kita pipilitin.Pero sayang kasi yung beauty mo,pero anyway sige hindi na kita guguluhin.Maswerte talaga ako sayo nak...Simple lang pero kuntento sa lahat ng bagay na mayroon siya kahit na kaya ko namang ibigay yung gusto mo pero nakalimutan ko na ikaw si Crishna Allora Buentura na anak ko na SIMPLE lang kung maiidescribe ko,walang kaarte arte sa mga bagay bagay,...Iyan ka nak.Kuntento kung sino ka man kasi SIMPLE ka lang. Pinagmamalaki kita nak." seryosong sabi ni mama sa akin.Grabe touch na touch ako kaya yan tuloy naiyak na ako.Huhuhu."Swerte din ako sayo ma",yan din dapat yung sasabihin ko pero naisip ko na sabihin yung mga salitang hindi ko pa nasasabi kay mama ng 17 years.Kaya ngayon sasabihin ko na yung katagang...
"Ma,I love you" sabay patak ng luha ko...
BINABASA MO ANG
King of the Gangsters
Teen FictionSimpleng babae lang si Crishna Allora Buentura.May simple lamang siyang pangarap at buhay.Kuntento kung anong mayroon siya.Mabait at mapagmahal sa pamilya at sa mga kaibigan niya.Pero sa isang lalaki na makikilala niya,ang simple niyang buhay ay mag...