KOTG 3

63 3 0
                                    

King of the Gangsters

KOTG 3: First Day,First Disaster

~Crishna's POV~


"Ikaw,future king ng buhay ko?In your dreams...Never mangyayari yon tandaan mo yan." dinuro duro ko pa siya.Anong akala niya sa akin uto uto..NEVER..Feelingerong lalaki.

"Ahahaha,alam mo mas gumaganda ka kapag nagagalit.Sarap mong iuwi sa bahay." tumatawa niyang sagot sa akin.Aba't sumosobra na siya a.Arghhh ngayon lang ako nagalit ng sobra sobra na tipong sasabog na.

"SINO KA BA?BAKIT NANDITO KA SA PAMAMAHAY KO?KILALA BA KITA?UMALIS KA NGA DIYAN AT BAKA MASAPAK LANG KITA.TSUPI." galit na galit kong sigaw sa kanya...

"O dahan dahan lang sa pagsigaw future queen ko,baka sumakit ang lalamunan mo niyan.Diba sabi ko sayo na ako yung future king ng buhay mo.Tapos nandito ako sa bahay mo kasi ihahatid na kita sa school ko.Hindi mo pa ako kilala pero ok tutal tinanong mo naman,ako si Thanniel Clyde Eminence Velante.Okay ka na,nasagot ko na yung mga tanong mo." cool niya pang sinabi.Akala mo naman kung sinong hari,tss.

"Nak,bakit ka sumisigaw diyan?Bakit hindi ka pa umaalis baka malate ka pa,15 minutes na lang?Tsaka sinong kinakausap mo?" rinig kong sabi ni mama habang papalapit sa amin.Grr.dapat hindi na makita pa ni mama etong feelingerong lalaki to.

"Ano ba umalis ka na nga,malalate na ako.Makita ka pa ni mama e." pabulong kong sabi sa feelingerong to.

"Ihahatid kita sa school ko sa ayaw o sa gusto mo.Ikaw na nga may sabi na malalate ka na kaya tara na.Tsaka nandiyan pala si future mama Felia ko,ahahaha..." confident pa niyang sagot.Grabe bakit hindi tumatalab yung pagtataray ko sa kanya.

"Ab-..." hindi ko na natuloy yung sasabihin ko nang biglang sumingit si mama...

"O hi Than-Than,nandito ka ba para ihatid si Allora sa school mo.Kumusta ka na iho?Pumopogi ka yata lalo a." sabay ngiti ni mama sa kanya.Teka bakit kilala nila ang isa't isa.Nakakapagtaka lang...Hmm.

"Hello din po tita Felia,opo nandito nga po ako para ihatid si Crishna tutal malalate na nga siya.Lalo din po kayong gumaganda tita." ngiti ngiting sabi niya kay mama.Teka hindi ko talaga maintindihan yung nangyayari.

"Wait nga lang,hindi ko kayo magets.So ibig sabihin magkakilala kayo.Paano?Kailan?Saan?Bakit hindi ko alam." naguguluhan kong tanong sa kanila habang pabalik balik yung tingin ko sa kanilang dalawa.

"Chill ka lang nak.Baka mastress ka." mahinahon na sabi ni mama.Ano ba kasing nangyayari?

"Long story,Crishna.Right tita." sabi niya na parang may iniiwasan topic.I don't know pero I guess may connection yon kung bakit sila magkakilala ni mama and dapat malaman ko yung dahilan kung bakit may connection sila sa isa't isa.

"Yes,so nak huwag ka na munang magtanong at baka malate ka pa,kaya sige na pumayag ka ng ihatid ni Than-Than.Okay.Bye nak,bye Than-Than.Mag-ingat kayo sa biyahe." sabi ni mama na parang kinakabahan.Weird..

"Let's go" biglang singit ni feeli---este Than-Than pala.Tumingin ako kay mama at tumango lang siya sa akin,kaya sumunod na ako kay Than-Than na kasalukuyang naglalakad papuntang kotse niya.

"Okay.Bye ma,Love you po." sabi ko kay mama.

"Bye tita" sabi din ni Than-Than bago kami pumasok sa kotse niya.Pinaandar niya na yung sasakyan.

King of the GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon