KOTG 2

86 4 0
                                    

King of the Gangsters

KOTG 2: Meeting Him

~Crishna's POV~


"Nak,gising na.Bumangon ka na diyan." rinig kong sabi ni mama sa akin.Nubayan inaantok pa nga ako e.Yawn...

"Ma,maya na lang.Inaantok pa ako e." inaantok ko pang sagot.

"Dali na nak,may sasabihin ako sayo." sabay yugyog ni mama sa akin.Iyan yung ayaw ko e,ginigising ako.Alam namang tulog pa ako e,kunyari wala akong naririnig la~la~la.

"Nak,bumangon ka na diyan." malakas na yugyog ni mama sa akin ngayon.Grabe ano ba kasing sasabihin ni mama at nagmamadali siya,akala mo importante talaga.

"FINE,babangon na ako.Ano ba kasi yung sasabihin mo ma,akala mo naman kasi masyadong importante." naiirita kong sabi kay mama.Kasi naman...

"Hihihi,nak doon tayo sa baba." excited na sabi ni mama.Ano ba kasi yun??

"E bakit doon pa sa baba ma,pwedeng dito mo na lang sabihin para kapag tapos na,pwede na ulit ako tumulog." nagtataka kong sagot kay mama.Ano ba kasing mayroon sa baba at doon pa sasabihin ni mama yung mga sasabihin niya sa akin.

"Kasama din kasi yung kuya mo kaya doon na lang tayo,alam mo namang maarte yung kapatid mo kaya doon na lang tayo.Okay." sabi ni mama.Wow,himala at umuwi si kuya.Bihira lang kasi siya umuwi dito sa bahay kasi may sarili na siyang condo.Puro babae lang kasi yung inaatupag niya,ahahahaha.

"FINE,basta pagkatapos tutulog na ako." naiinis kong sabi ka mama.

"Okay nak,hihihi" bumaba na kami at pumunta na kami ni mama sa living room kung saan nandoon ang kuya ko na kasalukuyang nagtetext na naman.

"Hi,lil sis.Buti at buhay ka pa.Akala ko doon ka na lang sa kwarto mo na puro laman ay libro,ahahaha." tumatawang sabi niya sa akin.Grr..ayan pala gusto niya a,sige pagbibigyan ko siya..

"Hahaha,ako nga yung nagtataka kung bakit buhay ka pa hanggang ngayon KUYA,akala ko kasi napatay ka na ng mga babae na pinapaiyak mo." tinignan ko pa siya na parang nagsasabing ano ka ngayon.

"HA.Cyler,totoo ba yung sinasabi ng kapatid mo na nangbabae ka." gulat na gulat na untag ni mama kay kuya.Akala niya mananalo siya sakin.Pwes nagkakamali siya ng kinalaban,ahahaha.

"H-Huh...H-Hindi..ka-kaya ma." kinakabahan na sagot ni kuya.Ahaha..

"Okay,sabi mo e.Anyway may sasabihin ako na importante sa inyo." panimula ni mama.Umupo na kami sa sofa.Huminga muna siya ng malalim bago niya pinagpatuloy yung sasabihin niya.Ako,eto naghihintay lang ulit sa sasabihin ni mama.

"Pinagpasya namin ng papa niyo na...lilipat kayo ng ibang school." sabi ni mama.

"WHAT" sigaw ko.Hala hindi pwede yun.

"Yes,lilipat na kayo ng ibang school so since 1 week na lang bago magpasukan sa Eminence University,magpapaenroll
na tayo ngayon kaya magbihis na kayo baka malate pa tayo sa pagpapaenroll,hihihi." excited na sabi sa amin ni kuya..Grabe hindi ako makapaniwala.

Ano kayang mangyayari sa akin kapag doon na ako papasok?

***

1 week later...

"Ma,nasaan na ba yung uniform ko.Bakit wala dito sa cabinet ko?" natataranta ko ng sigaw kay mama,paano ba naman kasi malalate na ako.Tapos eto naman si kuya ayon nauna,hindi man lang niya ako hinintay...Grabe ayoko naman na malate first day of school,nakakahiya yon.

"Nandiyan lang yan,hanapin mo na lang.Hinahanda ko pa baon mo kaya ikaw na lang maghanap." sigaw pabalik ni mama.Nubayan anong oras na...Halungkat dito,halungkat doon ganyan yung ginawa ko pero WALA pa din akong nakikitang uniform ng lintek na EMINENCE UNIVERSITY...

"Ma,wala dito sa cabinet ko.Saan mo ba kasi nilagay yon.Malalate na ako." paiyak na sigaw ko kay mama.Grabe nasaan na ba yon...hindi ko mahanap,hinaluglog ko na nga yung kwarto ko pero wala pa din akong nakikitang uniform.

"Aba't ako pa sinisi mo kung bakit ka malalate sa klase mo.Hindi ka namin magising gising ng kuya mo,lahat na lang ng paraan ginawa namin pero wala pa din nangyari TULOG MANTIKA ka pa din." galit na namang sigaw ni mama sa akin.Bakit kasi nagbasa pa ako kaninang madaling araw,yan tuloy late ako sa first day of school.Huhuhu.

"Eh,ma hindi ko talaga makita yung uniform.Bakit kasi may pauniform uniform pa yung new school ko diba dapat wala na since college na naman ako?" halo halo ng emosyon na sabi ko kay mama...Grabe ang malas ko naman ngayon.

"Tignan mo don sa isa mong cabinet.Tsaka bakit mo naman ako tinatanong nak kung bakit may uniform yung new school mo,tanungin mo sa kanila huwag sa akin hindi naman ako yung school diba." grabe at pinipilosopo pa ako ngayon ni mama nakakadagdag lang ng stress.Tinignan ko yung isa ko pang cabinet at tama nga si mama nandon nga,tanga tanga talaga ako forever.

Sinuot ko na agad agad kahit wala ng suklay suklay keri na.Lumabas agad ako at tumakbo pababa kung saan nandoon si mama nakatingin sakin.

"O ano nandoon?" tanong agad sa akin ni mama.

"Opo" sagot ko.

"Sabi ko sayo e.May 20 minutes ka pa bago malate sa class mo." sabi sa akin ni mama...Kalma lang Crishna,makakaabot ka sa klase mo.THINK POSITIVE lang.Binigay na ni mama yung bag ko na syempre kumpleto na yung gamit ko.Buti na lang..

"Thanks ma,bye.Love you po." mabilis kong sabi kay mama at takbo agad sa pintuan namin..binuksan ko na at nagulat ako kasi may biglang bumulaga na tao.

"Ahhhhhhh,sino ka?" sigaw ko doon sa lalaki.

"Ahahaha,ang cute mo magulat.Well ako lang naman ang future king ng buhay mo." sabi niya sa akin na nakangiti..Arghh ang kapal naman niya pero buti na lang gwa-NEVERMIND..

"WHAAAAT" at ang loko ayon ngumiti lang.

Siya?Future king?ng buhay KO?NO WAY?

Bakit ba ang malas ko ngayon??

Nakakabadtrip...

King of the GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon