***01

1K 32 2
                                    

SHE'S POV









After 1 and a half year.









Isang araw palang kami dito sa pinas, pero parang minamalas yata kami.








Gabi na at malakas ang buhos ng ulan, na para bang may bagyong parating.









Pauwi na kami, ng bigla ngang umulan. Dali dali akong nakasilong sa isang maliit na tindahan.









Nag alangan pa akong makisilong nung una dahil sa tatlong manong na malalaki ang tyan na nag iinuman.









Idagdag mo pa ang dalawang lalaki na matangkad, na abala naman sa paninigarilyo.









Ibinalot ko ng mabuti ang baby ko sa jacket ko, mahirap na.












"Ang malas, ang tagal tumila ng ulan." sabi nung naka black na bonet.










"Problema mo? Eh tinext ko na nga sya." sabi naman nung naka hood na jacket na kulay gray.









Sa mga boses palang nila, kilalang kilala ko na agad sila.









Napayakap nalang ako ng mahigpit sa baby ko, na mahimbing ng natutulog sa mga braso ko.









"Hayop na ulan iyan! Nauso pa!" inis na sinabi ni Zeruwi.









Yeah, sya iyong nakahood na jacket.









"Hwag kang bastos! Ihi iyan ni San Pedro." natatawang sinabi ni Tyv.









"Mga hijo, tagay kayo." alok ng mga manong.








"Sige ho." sagot nila, at lumapit na sila sa mga nag iinuman.







"Walang taxi..." mahina kong sinabi sa sarili ko.








No choice ako, kung di ang itext si Jamin, at mag pasundo.









Kinuha ko ang cp ko, at itinext sya. Kaagad naman syang nag reply ng okay.









Napaangat ako ng tingin ng mapansin kong napakaripas ng takbo sina Tyv, at Zeruwi sa ulanan.








Lumingon ako sa likod ko, at biglang itinaob ni Manong kalbo ang lamesa nila.







"Ano bagang mga problema nyo!"








"Pare, easy ka la---" hindi na naituloy ni manong bigote ang sinasabi nya dahil nasuntok na agad sya ni Manong kalbo.










Nakaramdam naman ako ng takot, at nerbyos. Sa posibleng mangyari.









"Sister in law?..." rinig kong sinabi ni Tyv.








Dali dali ko nalang kinuha, at binuksan ang payong ko.









At sinimulan ko ng mag lakad, napahinto naman ako ng humarang sa harapan ko si Tyv.









"C-cetrie? Ikaw ba iyan?" Iniangat ko ang tingin ko, at nginitian ko sya.








"Tyv!!!!! Dito oh!" sigaw ni Zeruwi na nakasilong na sa isang waiting shed.








The RICH And The POOR (CETRIE'S STORY) 3RD BOOKWhere stories live. Discover now