***23

662 20 3
                                    

"Pero... Hindi mo ako hinanap..." nakahikbing sinabi ng magandang chicks nya.





"Put*ng in* naman! Hinanap nga kita, pero hindi ko na ipinag patuloy. Para saan pa?! Eh ipinalaglag mo na ang anak ko?!"





"GAGO ka pala talaga eh! At bakit ko naman gagawin iyon?!"







"Iyon ang sabi ng luka luka mong Nanay, nung una ang sabi nila nakunan ka lang daw, tapos nung nalaman nila na hinahanap pa rin kita... Iyon na iyong sinabi ng Nanay mo, ipinalaglag mo ang anak ko. Siguro gusto talaga nilang tantanan na talaga kita."






"Sinukuan mo ako, Loran..."






"Oo, no choice eh... Tapos ang abnormal mong kuya! Binugbog ako!!! Idinamay pa nga nya sina Zeruwi, Jex, at Clorez!"







Tuluyan ng umiyak si Ateng maganda, at kaagad naman syang niyakap ng bolerong si Loran.







"Bagay sila di ba?" -Rist





"Oo?" sagot ko nalang.





"Hindi naman talaga namatay ang anak natin..."






"Anak ko ba iyong tinutukoy mo kanina?..."







"Oo..."







"Ay ang galing, may anak na pala sila." -Rist






"Uso na kase ang instant, parang ikaw may instant kapatid di ba?"






"Kung sa bagay..."







"Ang gagaling! Mga tsismoso kayo ah?"






"Papa?"






"Nandyan ka pala, Tito Sain."







"Tara, kain tayo?"
---





Hindi na kami tumanggi ni Rist, at sumama na kami kaagad sa Papa nya.





Dinala nya kami sa malaking bubuyog na pula.






"Kumain lang kayo."







"Dapat po isinama natin si Shan."






"Buhat buhat sya ng Lola mo eh, magagalit lang iyon sa'kin kapag kinuha ko sa kanya ang kapatid mo."






"Dapat po kase sama sama nalang tayo nina Mama sa iisang bahay."






"Gusto ko rin iyon, Rist. Pero... Na sa Mama mo ang desisyon."







"Pakasalan nyo na po kase, Tito."





"Buti sana kung ganun kadali iyon. Nireject nga nya ako kanina eh."






Nag katinginan naman kami ni Rist, at kumain nalang kami ng kumain.






"Pag laki ko talaga, mag popropose kaagad ako kay Yansen."






"Careful, baka kay Senyan ka makapag propose." natatawang sinabi ni Tito.






"As if naman na mag kakamali po ako."






"Mag patuli ka muna, bago mo pormahan si Yansen."






The RICH And The POOR (CETRIE'S STORY) 3RD BOOKDonde viven las historias. Descúbrelo ahora