Una at huli

16 0 0
                                    

CHARLOTTE

"Good morning, love." Nagising ako nang halikan ako ni Johnny sa noo. Nakita kong naglapag siya ng coffee sa side table ko kaya bumangon na ako. The best kasi ang coffee niya.

Tumayo ako habang umiinom ng coffee at tumindig sa may bintana. Maaga palang pero sobrang busy na ng city. May side ng road na traffic, nagmamadaling mga tao papunta sa kung saan man na hindi ko alam, at may mga tao din naman na mas pinili nalang tumigil at wag nang sumabay sa takbo ng mundo. Napagod na siguro. Sino ba namang hindi?

"Oh, nagmu muni muni ka nanaman. Sinasabi ko naman sayo, kung inspiration lang para sa sunod mong libro ang kailangan mo, tingnan mo nalang ang mukha ko." Nasa tabi ko pala si Johnny. Pinagmasdan ko siya. Hindi padin ako makapaniwala na akin siya at sakanya ako. Hindi dahil sa sikat siyang artist dito sa Pilipinas at hindi rin dahil sa mga mata niyang nangungusap, ilong niyang napaka perfect, at lalong hindi dahil sa mga labi niyang mapupula. Sa totoo lang, hindi ang panlabas na anyo niya o kung anong meron siya ang dahilan ng pagkahulog ko sakanya. Simula't sapul, ang mabuting kalooban ni Johnny ang nakapag baling ng atensyon ko sakanya. Minahal ko siya katulad ng pagmamahal niya sa sining. Walang dahilan, pero wala ding katapusan. At sigurado ako na buong buhay ko, walang makapagbabago sa pagmamahal ko sakanya.

"I love you, Johnny."

"I love you too, Charlotte." Nanatili kaming nakatayo sa may bintana habang magkayakap.

Kumawala na ako sa yakap para makapaghanda na ng breakfast namin. Isang linggo na kaming engaged at pangalawang araw palang namin dito sa condo namin sa Makati. Dito namin napili para malapit sa mga pinagta trabahuhan namin.

Pareho kaming hindi first love ang isa't isa. Pareho kaming latak ang buhay bago namin mahanap ang isa't isa. Mula sa sikat na pamilya ng mga politiko si Johnny at sabihin na nating sa pamilya nila, siya ang black sheep. 18 si Johnny nung ma rehab siya at 21 nang makalabas. Sinikreto ito ng pamilya niya kaya kahit mga kaibigan niya ay hindi ito alam. Ang may alam lang ay pamilya niya at ako. Ang buong akala nila ay nasa ibang bansa si Johnny. Pero di niya inasahan na sa apat na taon niya doon, dun niya makikita ang potential niya sa pagiging isang pintor. At nang makalabas siya, sinimulan niya na pumasok sa isang Arts School at kumuha ng degree sa Arts. Ako naman, high school palang ako, bulimic na ako. Bulimia Nervosa. Lagi akong nao ospital dahil sa malnutrition at pagiging mahina ng katawan ko. 3rd yr college ako nang magsimula kong tulungan ang sarili ko at nun ko din nakilala si Johnny. Siya ang tumulong sakin na makawala sa sakit ko. At ngayon, masaya ako na pareho kami ni Johnny na tinalikuran na ang mga buhay namin dati at tanging baon na lamang ang mga alaala at natutunan namin mula sa mga ito.

~

*Can't Help Falling In Love by Elvis Presley playing*

Maraming araw at buwan na ang nakalipas. At heto kami ngayon, nagce celebrate ng first anniversary namin as engaged couple at first anniversary nadin namin dito sa condo. Hindi namin namalayan dahil pareho kaming busy. Si Johnny, nagtuturo na ng Fine Arts sa isang college, at ako naman nakuhang scriptwriter sa isang film. Maraming mga pagsubok na dumating, mga bagong bagay na natutunan, mga pangyayaring di namin inaasahan, at marami ding pagbabago samin bilang indibidwal.

Tumayo siya at naglahad ng kamay para mag slow dance kami sa kanta ni Elvis Presley na theme song namin. Habang sumasayaw kami,

"Love, alam mo kanina ko pa naiisip, gusto ko na gumawa tayo ng baby."

"Ano ka ba, hindi pa nga tayo kinakasal eh. Hindi pa sapat yung ipon natin."

Pagkasabi ko nun, tiningnan niya ako mata sa mata, at lumuhod on one knee sa harap ko. Huh?

Johnny's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon