Ethan's POV
"Ethan." Sabi ko habang inaabot ko yung kamay ko sa kanya.
"Kairah." Sabi niya sakin. Ewan ko ba kung sasabihin ko sa kanya pero nakakahiya ehh. At tsaka hindi naman na ata niya naalala. Anyways ang ganda ng pangalan niya, ang unique.
Pagkatapos kong makipag kilala, tinour ko na siya.
"May I show you around?" I think she's eyeing me or something. Glare ata? Malay basta tinititigan niya ako.
"Tour guide ba to o hindi, kailangan ba pa yun tanongin." I heared her mumble. "Did you say anything?" I tried my best para hindi niya mahalata na narinig ko. "Wala yun... Shall we go?" Sabi niya sabay ngiti. Ang ganda naman ng ngiti ng isang to.Tinour ko siya sa buong campus at dahil dati na ako ditong nag-aaral kabisado ko na lahat ng lugar. Hindi siya nagsasalita buong tour quiet type ata. Unlike any girl na kasama ko hindi siya linta na parating yumayakap sa braso ko. Ang ganda niya pagmasdan. Inoobserbahan niya lahat ng lugar na ipinapakita ko sa kanya. Hindi manlang siya nagtatanong.
Ipapakita ko sana sa kanya yung secret place ko kaso wag na nakakahiya. "And our last destination is, your locker!" I told her while tracing the shape of her locker with my both hands. "The password is 2.4.8. Locker ko kasi yan dati. Sorry kung medyo magulo tinatamad kasi ako." Oops! Bat ko yun sinabi? Feeling ko nagblablush ako kaya umiwas nalang ako ng tingin sakanya.
Bigla siya nagsalita. Finally! "Bat ka namumula?" Umiwas ulit ako ng tingin pero alam ko na nagiismirk siya. "Sige alis na ko, If you need something I'll be at the SSG Office." Ang tanga ko talaga. Argghh! Pagkatapos ko siya nilibot niyaya ako ni Michael sa gym para magbasketball. Nakita ko siya sa may isang bench. Ano kayang ginagawa niya? Mukhang may hinihintay. Lalapitan ko sana siya nang may nauna saking lalake. Dark brown yung kulay ng buhok niya at color Brown na may pagkagrey naman yung mata.
"Ay! Pare naunahan ka ohh!" Hindi ko namalayan na tinitingnan na pala ako ni Michael.
"A-ah! H-hinde Na... Napuwing lang ako." Pero deep inside nasaktan ako ewan ko kung bakit pero ang sakit na makitang may kasama siyang iba. "Hoy! Pare tama na yan! Maglalaro pa ba tayo? O tititigan mo nalang yung babae?" Alam kong inaasar niya lang ako kaya hindi ko na siya sinagot at bumalik na kami sa paglalaro.🏀After playing🏀
Class hour nanaman hinihintay ko si Kairah umupo pero dumating na yung isang Professor namin hindi pa siya pumasok. Nilagay ko yung dalawang kamay ko sa armchair ko at pinatong dito ang ulo ko.
Pagkapikit ko may kumatok sa pintuan namin nagkaroon ako ng pagasa pero pagtingin ko yung lalakeng kasama niya kanina. Hmmm.... Binaba ko ulit yung ulo ko.
Saglit anong ginagawa niya rito? Tumingin ulit ako sakanya may inabot siya na sulat kay Ma'am. Kahit medyo malayo man yung upuan ko naring ko silang naguusap.
"Ma'am, I'm sorry po pero hindi makakapunta si Kairah Silverio. Susunduin niya daw po yung Kuya niya sa airport, binigay niya po yung sulat na yan sakin ibigay ko daw po sa lahat ng Profs. niya." Ahhh.... Kaya naman pala magkasama sila kanina. Pero kaano-ano niya tong lalake?
"Ahh... Ganun ba sige wag kang mag-alala ako ng magbibigay nito sa lahat." Sabi ng Ma'am namin habang tinaas yung 'Excuse Letter'. "Thank you nga pala Mr. De Guzman." Kung ganun hindi niya nga kaano-ano tong lalake.Pagkatapos nila magusap umalis na yung lalake at nagsimula na magdiscuss na si Teacher.
"Ano ba yan hindi man lang ni Kairah sinabi satin naaalis siya." Narinig kong nag-uusap yung dalawang transferee sa likod. Kaibigan ata ni Kairah.😐Uwian na!!!😐
Nilapitan ko agad yung mga babae napinag-uusapan si Kairah kanina.
"Excuse me, Miss kilala nyo po ba si Kairah?" I told them politely.
"Yup! She's our bestfriend. Why? Are you gonna court her too?" Sabi nung babae na naka berret.
BINABASA MO ANG
Waiting for you
Teen FictionKairah an almost perfect seventeen year old girl has everything. Looks, Brains, and Money. She has it all. Except for one thing Lovelife Patuloy parin siyang naghihintay na darating na ang taong mahal niya simula pa nung siya ay Six Grader pa laman...