I

87 4 0
                                    

"Nikki, kakainin mo pa bang yang fries mo?" kukuhanin na sana ni kristin yung fries nang agad ko itong hawakan.

Kakatapos lang naming maglunch. Hindi ko na naubos yung fries kaya dinala ko na. Wala din naman restriction basta wag ka lang magpapahuli. Gawain na naming mga co-workers ko yun. Nakakatamad din namang magpabalik-balik sa canteen. Nasa 5th floor pa naman kami.

"Ayoko nga, nakatatlo ka na kaya!" reklamo ko sa kanya. Totoo naman eh nakatatlo na sya. Kanina ko pa napansin na ang lakas ng appetite nya sa pagkain. Tapos laging may hinahanap hanap na pagkain.

"Huwag mong sabihin..," hindi ko pa natatapos yung sasabihin ko ay tumango na sya.

" You're already pregnant?Kakakasal nyo lang ni Gerald ah. Hindi ka naman yata namamadali?" sakrastiko kong sabi sa kanya.

"Syempre na miss ko din naman yung tao. At saka bunga ito ngatagal naming pagmamahalan," sabi nya with pagtaas pa ng kamay.

Matagal na nga sila ni Gerald simula college sila na. Nagtrabaho si gerald sa dubai ng 3 years kaya matagal din nagintay si kristin sa kanya. Hindi na rin nakakapagtaka kung magpakasal sila. Nang umuwi si Gerald ay nagproposed ito at sinagot naman ito ni kristin ng oo.

"Oh sya ilang months na ba?" tanong ko sa kanya.

"3 months na. Dami ko na ngang nakakain. Tumataba na tuloy ako. Ang lakas ko kasi mag crave kagaya na ng fries mo," nakangiti nyang sabi.

Iniabot ko sa kanya yung fries. Lumaki naman yung ngiti nya.

"Oh sya una na ko, huwag kang papahuli kay sir. Kung hindi wala kang trabahong palalakihin nyang baby mo," nakangiti kong sabi.

Inayos ko yung gamit ko at kinuha yung susi ng sasakyan ko.

"Sige,Ingat.sana makita mo na si Mr.Right!" sabi i kristin habang puno ng fries yung bibig.

" Susunduin ko na nga,natraffic ata. Matagal ko ng iniintay eh," nakangiti kong sabi bago umalis.

Nagpaalam muna din ako sa iba kong katrabaho.
Sumakay na ko sa kotse and drove to destination.

Hindi naman kalakihan yung nakaassign sain but still, I want it to be perfect. Ako yung head ng mga engineer sa site kaya malaki yung responsibilidad ko sa project.

Nang dumating ako ay nagsisimula na yung nagkoconstruct. Nakita ko agad si Raf at yung iba naming kasamahan. Iniabot nya sakin yung blue print and I studied it.

"ayos naman pala ang lahat. Basta Jake idouble chek mo yung material. Kailangan more on quality yung tignan mo not the price. And Raf yung safety ng mga taong nagtatrabaho ha ikaw na bahala," sabi ko ng hinditumitingin sa dalawa at tinitingnan pa rin yung blue print.

"Yes, ma'am," sabi ni Jake na ngiti ngiti. Agad ko naman syang tiningnan ng masama at pabiro kong hinampas sa kanya  yung blue print.

"Huwag mo nga kong tawaging ma'am! Kasura to!" sabi ko habang umuupo at umupo din naman yung dalawa.

Si Raf, Jake at Kristin ay mga kaibigan ko. Sabay sabay kasi kaming gamaraduate at nakapasa sa board ng engineering. Nagkataon pa na magkatulad kami ng napasukang kumpanya.

Inakbayan ako ni Jake.
"Nikki ,sama ka mamaya. Party. Early celebration na din patapos na rin naman tong project na to," yaya ni jake.

"Pag-iisipan ko," sagot ko naman.

Tinanggal nya ying pagkakaakbay nya sa akin. "Sus, tapos hindi naman pupunta. Matagal mo na yang palusot, Nikki. Tama na kota ka na samin. Sige ka paghindi ka sumama hindi kita iimbitahin sa kasal ko," mukmok ni Jake.

"Sus ka din,wala namang magpapakasal sayo. Kaya it's okay," nakapameywang kong sabi. Pero nawala din yung ngiti kong nang ngumiti sya ng nakakaloko.

"ano bang meron ngayon at puro kayo revelation," una kasi si kristin buntis tapos ngayon si Jake may nagayuma. "Ikaw ba Jake may gusto kang ipagtapat sakin," hysterikal kong sabi with matching alog alog pa sa dalwang braso nya. Tinulak nya yung noo ko gamit yung hintuturo nya.

"OA mo. Pupunta ka ba o pupunta ka," tanong nya.

" O ," sabi kong nakangiti.

"nakakatawa nikki grabe grabe utas," sabi nya habang nakapoker face.

"Sige na nga sasama na ko para naman may magpatawa pa sayo dun," pabiro kong sabi.

Pagkatapos kung asikasuhin yung ibang plans ay dumiretso na agad ako sa condo ko. 10pm pa naman daw sabi ni Jake. Binuksan ko yung condo ko and turn on the lights. Wala akong ibang kasama. Pumunta kong kusina at nagluto ng dinner. nagset ako ng alarm at tumlog muna. Nakapagod din akong paikot ikot sa site tapos ang init pa.

Pinikit ko ang mga mata ko at nagpahinga.

Rekindled heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon