III

44 4 0
                                    

Bumangon ako nang masakit ang ulo. Nasobrahan yata ako ng inom ko kagabi. Nakita kong nasa gilid ng kama ko si Raf at yung baklang nagsundo sakin. Hindi pala nabanggit ni Jake yung pangalan nya.

Aba't kung makayakap kay Raf! Tumutulo na yung laway nya sa face ni Raf! Tinagilid ko agad yung mukha nya at natuluan tuloy ng laway yung kamay ko. Yuck! Tumakbo ako ng kusina para maghugas at bumalik din ako agad.

Pinagmasdan ko si Raf.
Matagal na din akong may gusto kay Raf pero tong taong to hindi manlang napansin!  Hinampas ko sa pwet yung malanding bakla. Ang sungit sungit kahapon tapos kung makayakap mas nauna pa sa akin!

"Hoyyy gising na!" sigaw ko sa tenga nya mismo. Mabingi sana sya,mang-aagaw.

Pare-pareho naman kaming nakahiga sa kama ko pero bakit dapat nasa dulo pa talaga si Raf! Edi sana ako yung nakayakap sa kanya. Atrabida naman nitong baklang to! Haiysst.

Naalingpungatan din si Raf nung sumigaw ako.

"Kailangan sa tenga ko mismo sumigaw," masungit na sabi ng bakla. Magulo yung buhok nya
Na parang nangungulot pa.

"Nikki? Bakit kayo nandito?" bungad agad sakin ni Raf na medyo papikit pikit pa.

"Tingnan mo to,nasa condo ko kaya kayo," buntong ko sa kanya biglang sya agad tumayo at tiningnan ang orasan nya.

"Oh shit, Nikki una na ko," nagmamadali nyang sabi. Bakit naman sya magmamadali,di ba off naman namin.

Kainis naman akala ko pa naman makakasabay ko sya kumain. Padabog akong pumunta sa kusina para mag-umagahan ng biglang sumulpot na lang si..ewan di ko pa rin alam.

"Bakit nandito ka pa?" sabi ko sa kanya habang kumukuha ng itlog sa ref.

"I'm going to have a breakfast, obviously," sabi nya na parang kanya yung bahay. Umupo sya sa TABLE.

"Wow, lakas ah. Bahay mo?" sabi ko habang inihahanda ang lutuan.

"Hindi, but you owe me something because I brought you home," nakacross-armed nyang sabi.

"By the way who's the guy beside me awhile ago," bored nyang sabi. May balak ba syang agawin sakin si Raf?!

"Bakit type mo?!" sabi ko na hawak yung pan na parang nantethreaten.

"No," maarte nyang sabi. "I have a boyfriend,okay," sabi nya     

Nagulat ako sa sinabi nya.
Ang astig may boyfriend sya?!Ngayon lang ako nakakilala ng baklang hindi nagko-cross-dressed pero may syota.

"Seryoso?! astig ah," Tinulak ko sya. "Ang haba ng hair!" Sabi ko sa kanya. 

"Indeed," lumapit sya sa mukha ko. Kinabahan ako bigla.

"Wha..t?" Pautal kong sabi. May dumi ba ko sa mukha,may panis na laway ba? Nakita kong ginalaw nya yung kamay nya. Tinuturo nya yung niluluto ko. Oh my gosh?! Agad ko itong pinuntahan at sunog na yung ilalim nito. Ayoko ng magluto pa ng iba sayang naman.

Naghanda na ako ng aming kakainin. Kita ko sa mukha nya na diring diri sya.

"Breakfast is ready!" Nakangiti kong sabi.

Nakatingin lang sya sa luto ko at walang balak kumain. Kumuha ako ng isang scoop ng kanin at inilagay ko sa plato nya and sinerve yung omelette.

"Kain na. Di ba sabi mo dito ka magbebreakfast? Yan na oh BREAKFAST IS READY," nakangiti kong sabi.

Actually marunong naman talaga kong magluto kaso tinatamad kase ako ngayon kaya omelette lang. Omelette na nga lang, I screwed it up pa.

Sumubo na sya at halos hindi pa nga nya nangunguya ay tumakbo sya agad papuntang lababo. Niluwa nya ito at uminom agad ng tubig.

"Ang pait! Wala na kong malasahan kung hindi sunog!Omelette pa ba yan!" Maarte nyang sabi. Bumalik din sya dun sa upuan nya.

"Grabe,arte mo. Buti nga pinakain pa kita," sabi ko at kumuh ng gatas sa ref. I served it to him.

"So magkaibigan pala kayo ni ate yvon," pag sisimula ko ng topic. Si ate Yvon yung girlfriend ni Jake. Mahinhin sya at ang amo ng mukha. Bagay nga sa kanyang maging nurse.

"Yeah," sagot nya habang umiinom ng gatas.

Bigla kong naalala na hindi pa nga pala kami nagiintroduce sa isa't isa.

" Oo nga pala, Nikki, Nikki Regas. Katrabaho ko si Jake. " pakilala ko.

"Ishmael,Ishmael Sandoval," pakilala naman nya.

Ang dami ko gusto itanong sa kanya. Gaya ng paano nya na lamang bakla sya,kelan pa,alam ba ng parents nya. Pero hindi ko muna itinanong baka mabadtrip lang. Maaga pa naman.

Curious kasi ako sa buhay ng bakla. Mahilig talaga ako sa weird things at topics. Masungit si Ishmael pero parang gusto ko pa rin syang maging kaibigan. Ang sarap kayang may kaibigang bakla.

Pagkatapos kumain ay umalis na din sya agad.

"Sige, bye ingat," paalam ko sa kanya.

Sanay kasi akong kahit na sino sinasabihan ko ng ingat; close man o hindi.

Sinarhan ko na yung pinto. Ipagagawa ko pa nga pala yung kotse ko.

Rekindled heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon