CHAPTER 1 - Birthday Surprise

441 12 0
                                    


September 30, 2015

Ngayon ang 22nd Birthday ni Kimmy at lahat ng Lady Spikers ay nasa dorm. Kailangan nilang gumising ng maaga para sa kanilang training. Kaya ang plano nila na bigyan ng surprise si KAF sa kanyang birthday ay kailangan nilang gawin ng mas maaga.

Cyd's POV

*nag-ring ang alarm clock at agad namang nagising si Cyd*

Hayy, anong oras na ba.. *sabay tingin sa orasan* AY! 3:30am na! Nako, kailangan ko nang gisingin sila Kianna para makapag-prepare na kami at baka mahuli kami ni Kimy. Kailangan masurprise namin siya ngayon dahil birthday niya!

Dahan-dahang bumangon si Cyd mula sa kama niya at ginising na sila Justine, Kianna, Mika, Vic, Carol, Majoy, at Mowky. Roommates si Vic, Mika, and Carol, habang roommates naman si Kianna, Mowky, at Majoy. Naunang gisingin ni Cyd si Justine dahil roommate niya ito... kasama si KAF. Kaya kinailangan nilang dalawa na sobrang magdahan-dahan dahil baka magising nila ang mismong taong isusurprise nila. Nang makababa na silang lahat sa dining hall..

Justine: Hindi naman tayo masyadong excited..

Majoy: Tayo may birthday? *sabay hikab*

Lahat sila maliban kay Cyd: HAHAHAHAHAHAHAHA!

Cyd: Uyyy, ano ba! 'Wag nga kayong maingay, baka magising sila. Syempre kailangan natin agahan kasi may training tayo ngayon 'no.

Ara: Ate Cyd, aagahan naman talaga natin pero kailangan talaga 3:30AM? puwede namang mga 5 nalang eh.

Mika: Oo nga..

Mowky: O ayan na o inaantok nanaman si Ye.. HAHAHAHA

Ara: Uy grabe haha 'wag niyo naman awayin si Daks

Kianna and Carol: AYIEEEE PINAGTATANGGOL

Lahat except sa kay Ara and Mika: YIEEEEEEEE 

Carol: YUN O Bigyan ng pakwan yan! Hahaha

Cyd: Hahaha, sandali nga, tama na yan. Gawin na natin yung surprise..

Dahil nagkakasiyahan ang ibang mga Lady Spikers, hindi nila napansin na tumatakbo na ang oras at mag-ffour AM na pala..

Cyd: Bilisan natin para hindi tayo mahuli at maubusan ng oras. Dapat kapag 4:15 na naluto na yung breakfast niya, Ara and Carol kayo nalang magluto at maghain ng pagkain, tapos kapag 4:30 dapat ayos na lahat ng lights at yung mga pictures niya nakahang na, ha? Ye and Joy, kayo na bahala don since matangkad kayo so kaya niyo nang abutin yon-

Mika and Majoy: Yes, boss!

Cyd: Ok, tapos Justine and Kianna, maya maya puwede niyo na ring ibaba yung mga regalo nating lahat sa kanya. Itabi niyo nalang sa upuan niya diyan sa table ha, para kita niya lahat. Make sure na maayos at kumpleto yun galing sa bawat isa sa atin. Ikaw naman Mok--

Mowky: Ako yung magbabantay to make sure na hindi pa siya gising at hindi niya tayo mahuhuli sa surprise natin. Ako rin yung gigising sa kanya kapag tapos na natin lahat ito. Gagawin ko yon mamaya, mga 7AM, tama?

Cyd: Tama. At ako ang all-around na mag chcheck kung lahat ba ay nagawa ng maayos at ako rin ang mag-bbake ng cake niya. Kaya mostly nasa kitchen ako kasama ni Ara and ni Carol.

Mowky: Teka nga sandali, Cyd, bakit ba parang abalang abala ka para dito?

Mika: Oo nga.. Ang bilis mo pa nga magsalita, ate eh..

Ara: Tsaka para kang kinakabahan kahit ang aga aga pa naman natin.. 

Kianna: Ate gurl, are you okay?

Majoy: Ay, anong ganap ate?

Napatingin si Cyd sa kanila. Lahat sila nakafocus lang sa kanya. Iniintay nila siyang magsalita sa dami dami ng tanong na binato nila sa kanya.. Nakatayo lang si Cyd sa harapan nila habang sila ay nakaupo sa dining area at nakatingin lang ito sa kanila. Hindi niya alam ang sasabihin kasi ang dami nilang tinanong at siya mismo ay naguluhan na rin sa mga sinabi nila.

Bakit nga ba?

Bakit ba ako nagkakaganito?

Justine: Ate Cyd?

Okay lang ba ako.. Oo okay ka lang..

Carol: Gurl...?

Ano bang nangyayari sa'kin.. Ay, hindi wala yan. Hay puyat lang yan.. Oo, puyat lang. Tsaka... Tsaka ano.. Pagod, oo. Tsaka.. Uhm... Ano..... uhm....

Mowky: CYD!!!!!!!

Cyd: Huh?

Nagkatinginan ang mga Lady Spikers dahil sa reaction ni Cyd.. Bakit siya ganun? Tumulala lang siya, hindi umiimik, at parang wala sa sarili... Ano kayang iniisip niya?

Kianna: Are you alright, ate gurl?

Cyd: Y-yes.. Yes, yes, of course. Of course I'm fine! Ano bang mga pinagsasabi niyo? Hahaha! Tara na nga kumilos na tayo, maubusan pa tayo ng oras niyan eh. Oh basta, ha? Alam niyo na mga gagawin niyo.

Nagsitayuan na ang mga Lady Spikers at ginawa na ang kani-kaniyang mga trabaho, habang si Cyd, nandoon parin, nakatayo at napapaisip sa mga pangyayari.


The Great PerhapsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon