DMP2

39 2 1
                                    

Kinaumagahan lumabas ako sa aking room para sumagap ng fresh air at pag bukas ko ng pinto nagulat ako ng bigla ding lumabas sa katapat kong room ang lalaking nagligtas sa akin last night....

Good morning :)

Agad ang ibinungad sa akin ng matipunong lalaki,

Ahhh good morning... dyan ka lang pala sa tapat...

Napaisip ako dahil bakanteng kwarto naman iyon kagabi.

Ah oo, nagpalipat ako dito kagabi dahil mahina ang aircon sa room ko, ayaw mo bang malapit ako sayo?

Bakit naman ganito ang sinasabi ng lalaking ito sa akin,well mas ok ng andito lang siya malapit sa akin,parang ayoko na munang umuwi....

Miss? What's your name again?
medyo lasing na ako kagabi eh kaya hindi ko natandaan.

At lasing pala siya ng iniligtas niya ako kagabi mula sa pagkalunod ko,eh pano nalang kung pareho na kaming nalunod!

Zandra name ko.. Ivan right?

yup! tara mag breakfast. Masarap ang pagkain nila dito.

sagot mo ba?(pabirong sabi ko)

Oo naman kahit anong order mo sagot ko :)

Habang kumakain kami panay ang tingin niya sa kanyang phone na para bang may hinhintay na mag tetext sa kanya.

Magtatagal kaba dito?

Hindi ko alam, tinatamad pa akong umuwi.. ikaw? Hanggang kailan ka dito?

Hanggang gusto ko.

May pagkamahangin pala ang isang ito, medyo may kamahalan din kasi ang rent ng room dito sa resort.

Wala ka bang work? At nasabi mong kahit kailan ka dito?

Wala akong work pero may business ako.

Ano naman business mo?

Drug pusher ako (sabay tawa)

Ah talaga? Malakibg kalokohan pala business mo.

Kinakausap niya ako pero sa kanyang cellphone parin siya nakatingin.

Nagpaalam ako sakanya para kunin ko sa room ko ang aking cellphone para matawagan narin sila mommy.

Ivan excuse lang ha,kunin ko lang phone ko sa room.

Oh sige,wait nalang kita dito.

Nakuha ko na cellphone ko at may mga text messages si Ced.

Good morning miss sungit :)

Uy miss sungit,tulog ka pa?

Text moko pag gising mo


Pag balik ko sa canteen wala na doon si Ivan, tinanong ko ang staff kung napansin nila ang kasama ko,pero hindi din nila ito napansin imposible namang pumunta siya sa kanyang room dahil hindi ko naman siya nakasalubong..

Ano ba naman yon,iniwan ako.

Tinapos ko ang aking breakfast sayang naman kasi kung hindi ko uubusin bukod sa libre na masarap pa.

Pagkatapos kong kumain pumunta ako sa parking lot para i check ang sasakyan ko kung andoon pa. Pero syempre andoon pa at isa pa ang nakita kong andoon si Ivan,

DON'T ME PLEASETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon