DMP3

19 2 0
                                    

Hindi na niya ako tinatawagan o tinitext man lang? Ano ba iyon biglang susulpot bigla din mawawala! Ganito naba talaga ang mga lalaki ngayon?!

Sino pabang nasa isip ko!? Si Cedric! Na bigla nalang nagtext at ngayon ni isang text wala!

Pero bigla nalang nag ring ang aking phone, sinagot ko unregistered number, nagulat nalang ako ng isang babae ang nasa kabilang linya, hindi ako nagkakamali si Trina nga ang aking photo buddy, akala ko kung sino nga o dahil umaasa ako na tatawag pa si Ced.

May event nanaman kami but this time isang pre nup photoshoot, isa sa mga ayaw kong kinocover oo! Dahil nga bitter ako!

Pero ano pabang magagawa ko? Trabaho iyon at kailangan ko din ng pera ngayon dahil sa hinuhulugan kong house and lot sa Tagaytay na ireregalo ko sa aking mga magulang sa kanilang 28th wedding anniversary.

"Hello?! Alex! Si Zoey ito'" tinawagan ko ang supplier ko ng mga pre nup prop's

Kailangan narin kasi namin ng mga bagong designs ng mga prop's para hindi pare pareho ang mga kuha namin sa mga shoots..

Tinawagan ko narin ang make up artists na kaibigan ko na siyang bahala sa pag papaganda ng nga clients ko para hindi naman ganoon mahirap mag edit ng mga raw pics.

Handa na ang lahat para bukas! Sa Baler ang Pre Nup may kalayuan ayokong mag drive kaya makikisakay nalang ako sa mga kasama ko , iwas stress narin dahil baka kung ano ano nanaman ang maiisip ko habang nag dra'drive

"Good Morning! " maaga kong tinawagan si Trina para sabihing sunduin ako sa bahay

Hindi nag tagal dumating na nga ang mga kasama ko.

"Hey! Zoey! Let's go! On the way na ang mga clients natin sa venue nakakahiya kung maghihintay sila sa atin " pagmamadaling sigaw ni Trina

"Oo! Eto na'! "

Pero hindi man lang nila ako tinulungan sa pag bitbit ng mga prop's at gears ko, napakabuti talaga nila sa akin

Bakit ba ako nagkakaganito? Ano bang pakealam ko kung hindi na siya mag text o tumawag sa akin? Hindi ko dapat siya iniisip ang dapat kong iniisip kung paano ko mapapaganda ang pre nup shoot namin mamaya .

....... ........

Ilang oras din ang byahe papuntang Baler mahigit Dalawang oras din iyon, kaya pag dating namin sa venue ay medyo inaantok ako kaya umidlip muna ako habang nag se'set up ang aking grupo.

May 30 minute's din akong nakatulog sapat narin iyon para makapag pahinga bago pa ako pumitik ng pumitik sa aking camera.

"Guy's okay naba? Start na natin para makalipat tayo ng location" nagmamadali kong sabi sa mga kasama ko

"Ma'am/Sirlet's start na po? " nakangiti kong paanyaya sa aming clients

Hindi naman sila mahirap kuhanan dahil bukod sa maganda at gwapo naman ang mga ito malilinis din ang kanilang mga mukha.

"Ok! Break!! , pa retouch nalang sila Joy! Thanks sis! " malabing kong utos sa kaibigan kong make up artist

Hindi pa nag tagal ay lumipat kami ng location naka limang location din kami ng sa tingin ko ay satisfied naman ang aking mga kliyente.

"Thank you ma'am/sir? I dedeliver ko nalang po sa house niyo ang mga coppies after kong i post process" sambid ko sa magkasintahan

Sa wakas! Natapos din ang isang araw ng puno ng pag-iibigan ang aking kinukuhanan, kailangan kaya ako makakaranas din ng ganoong eksena? Simula naging photographer ako ay iyon na ang gusto ko, ang masubukan ding mag pre nup kasama ng aking Mr. RIGHT!

"Trina! Budz ako ng bahala mag edit ng mga photos" pero sa tingin ko namay ako din talaga ang gagawa nito dahil hindi naman ganoon kahusay si Trina pag dating sa Photoshop.

"Good my dear budz!, you know naman na wala talaga akong talent pag dating sa pag eedit" patawa nitong sagot sa akin

Nagpatuloy ang aming byahe, sobrang pagod ako kung kayat madali nanaman akong nakatulog, pag dilat ng aking mga mata ay ilang minuto nalamang ay nasa bahay na ako.

"Grabe! Ganito naba ako kaantukin sa byahe ngayon!? Almost 2 hours na kung matulog ako ngayon!" Hindi ako makapaniwalang tanong sa mga kasama ko

At nakarating din ako sa bahay, mag isa nanaman akong nagbaba ng mga dala ko dahil wala namang ibang sasalubong sa akin dahil si mama ay busy sa pagluluto at mukang si papa ay nasa bukid nanaman upang mag pastol ng mahigit isang daan niyang kambing.

"Mama! Mama! I'm homed!"
Masigla kong bungad sa aking ina kahit ako'y pagod na pagod

"O?! Akala ko ba bukas pa ang uwi niyo? Bakit hindi nalang kayo nagpalipas ng gabi doon?" Usisa ni mama

"Hindi na ma! Madami pa akong gagawin bukas eh'. " sagot ko sa tanong niya

Inalok agad ako ni mama para kumain na ng hapunan, ngunit kung mahihintay ko daw si papa na nasa bukid dahil sa pag lilinong niya ng mga kambing, ay hintayin ko nalang daw ito.

"Sige po ma! Papanhik muna ako sa kwarto ko para makapag shower muna" paalam ko kay mama

Hindi nagtagal pagka akyat ko ay dumating na nga si papa, kaya dinalian ko nang mag shower upang hindi na sila matagalan sa paghihintay sa akin upang kumain .

Matapos ang aming hapunan, nagkusa na akong maghugas ng aming pinagkainan. Bihira lang akong maghugas kaya nagtaka si mama kung bakit kahit hapong hapo ako sa pagod ay naisipan ko pang maghugas ng pinagkainan

"Oh? Anak! May ibang nakain ka ata sa Baler!? " pabiro niyang sabi sa akin

Sinagot ko nalamang si mamang ngiti sa aking mga labi, dahil ang totoo ay napipilitan lang akong gawin ito..

Binilisan ko ang pag huhugas at sandali pay nag paalam na ako sa kanila na akoy magpapahinga na.

Grabe! Sobrang nakakapagod ang araw na ito! Hindi ko inaasang aakyat panaog pa ako sa burol para lang makakuha ng maganda shots para sa clients ko.

Kinuha ko ang aking laptop, upang masimulan ko na sanang mag edit ng mga pictures, ngunit inunahan ako ng katamaran ko. Nagnilay nilay nalang ako at kumuha ng antok sa mga tunog ng lamok na naririnig ko.

Pero hindi parin ako makatulog, naisip ko nanaman siya, kinuha ko ang aking cellphone sa bag ko, at sinubukan ko siyang tawagan

'Dial

" the subscribers cannot be reach please try again later"

Yaan lamang ang naririnig ko sa twing dinadial ko ang no. Ni Cedric siguro nga ay nagpalit na ito ng numero.

"Makatulog na nga! "

DON'T ME PLEASETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon