Dinner time
Zoey! Buti maaga kang nakauwi ngayon, pwede mo ba akong samahan mag grocery? Darating ang mga kapatid mo mamaya" anyaya ni mama sa akin pag pasok ko ng bahay
Ano pabang magagawa ko? Hindi ko pwedeng simangutan si mama, wala akong magagawa kundi ang samahan siya!.
"Okay ma! Bihis lang ako saglit"
Nagmamadali akong nagbihis, para maaga din kaming makauwiHabang nasa car kami ni mama
"Anak, bakit di mo invite for a dinner si Ivan? Para makilala narin ng mga kapatid mo ang boyfriend mo diba?! " nakakagulat na tanong ni mama sakin
Ano naman kayang sumagi sa isip niya at naisipan niyang boyfriend ko si Ivan?!
"Mama! Sino bang nagsabi sayo na boyfriend ko si Ivan?! " naiiritang tanong ko kay mama
Hindi na siya umimik dahil alam niyang hindi ako natutuwa sa biro niya, wala naman kasing dahilan para isipin niyang boyfriend ko si Ivan.
Sandali lang kaming nag grocery , may listahan naman kasi si mama nadala kaya hindi na kami nagisip pa kung anong bibilhin
Pagdating namin sa bahay, agad nagtungo si mama sa kusina upang magluto na ng hapunan, kasama naman ni mama si Tita Jean asawa ng kapatid ni papa, kaya hindi na ako tumulong
Pumanhik na ako sa aking kwarto upang umidlip sandali,
Hindi nagtagal, may bumusina sa aming gate
"Anak! Andyan na ang mga kapatid mo! " sigaw ni mama, upang pagbuksan ko ng gate sila kuya
Dali dali akong bumaba sa hagdan at nagtungo sa labas,
"Kapatid!!!!" Sigaw ko sa mga ito habang nagdadaansa harapan ko ang kotse ni kuya
Pagtigil ng sasakyan ni kuya, dali daling bumaba ang nakababatang kapatid naming si Lara, at tumatakbo patungo sa akin
"Kapatid!!!!!!! I miss you!!!! " sigaw ni Lara habang palapit ng palapit sa akin
Niyakap ko din siya, alam kong naglalambing lang si bunso
Magkaakbay kaming pumasok sa bahay, nagtungo siya agad kay mama at tita upang makapag mano
Naupo kami ng mga kapatid ko habang nag aantay maluto ang niluluto nila mama
Nang biglang nagsalita si kuya,
"Ininvite mo ba for a dinner yong boyfriend mo? " nakangising tanong ni kuya
Napatingin ako kay mama dahil alam kong siya ang may pakana ng lahat, hindi naman ako tatanungin ni kuya ng ganon kung hindi niya ito na i kwento.
"Boyfriend? Kuya wala nga akong boyfriend! " naiirita kong sagot sa kanya
"Ok ok! Wala kung wala? Hindi kung hindi! Katanda mo na wala ka pa ring boyfriend ! " mas nakakainis na biro ni kuya sa akin
Hindi ko na siya pinatulan kasi alam ko namang nangiinis lang ito,
"Hintayin na muna natin ang papa niyo,pauwi narin siguro yon! " saad ni mama , habang nag aayos ng lamesa
Nasa bukid kasi si papa, at mag sisilong na siya ng mga kambing niya, may isang daang kambing din kasi si papa'ng inaalagaan
Ilang sandali lang dumating na si papa,
"Hello" bati ni papa
Nag mano kaming tatlo, at di nagtagal nag aya na si mama para kumain
BINABASA MO ANG
DON'T ME PLEASE
RomanceAng LoVe hindi natin alam kung kailan, saan at kung sino ang para sa atin... Hindi natin alam na bigla nalang itong darating sa hindi inaasahang pagkakataon... Stay Updated