Kabanata 1

6 1 0
                                    

"Andy" isang pamilyar na boses ang kanyang narinig sa kanyang likuran..awtomatikong napalingon siya dito.. kinurap niya ang mapupungay na mata and her Heart beating so fast.. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman sa pagkakita niya ulit sa lalaking kaharap niya..mas lalo itong gumwapo at kumisig. Mas lalong naging macho ang katawan nito.. his eyes lingered in her beautiful face..may kislap ang mga mata nitong nakatitig sa kanya, at mas lalong bumilis ang tibok ng kanyang traydor na puso.. pakiramdam niya ay mapapaso siya sa mga titig nito..

"How are you Andy? Where have you been?? I've been looking for you since you left. at dito lang pala kita makikita.." sunod-sunod na tanong nito habang papalapit sa kanyang kinauupuan..

Tumaas ang kanyang kilay sa sinabi nito. She lift up her head and look at him.. how dare this man asking her like that!? Umusbong ang galit sa dibdib niya na matagal na panahon na niyang kinikimkim..

Sinalubong niya ang mga titig nito.. at napaawang ang bibig niya sa nakitang galit na bumadha sa mga mata nito..

At aba ang hudyo! Ito pa ang may ganang magalit sa kanya!? Hindi ba dapat ako ang galit sa kanya!?

Hindi ba't ito pa ang unang nang-iwan sa kanila ng anak niya? Bakit kailangan niya pa itong makita? Bakit ba pinaglalaruan siya ng tadhana? Ayaw na niya itong makita kahit kailan! Binaon na niya sa limot ang lahat! At ngayon na okay na siya, okay na sila ay saka naman ito babalik!? Ano na naman bang kailangan ng hudas na ito sa kanya!? Tatlong taon na niya itong kinalimutan! At tatlong taon din siyang naging misirable! Sinira ng lalaking Ito ang buhay niya noon, at ngayong okay na siya at naka move on na siya ay saka naman Ito magpapakita!?

Mapakla siyang tumawa..

"Ows?pwede ba Blue? Ano bang ginagawa mo dito?" Sarkastiko ang bawat salitang binitawan niya..

"Bar ito Andy, kahit sinong tao pwedeng pumunta dito, obviously iinom ako, at pwede ba? Tigilan mo ako sa pabalang na sagot mo!" Wika nito sa galit na tono..


"Tss.. sa lahat ng taong pumunta dito ikaw pa talaga ang makikita ko?" Sarkastiko na na wika niya..

" well, the world is so small Andy..., Hindi kuna pala kailangang maghanap sayo, dahil andito kana sa harapan ko, besides gusto kitang kausapin about my son." wika nito na nag patigil sa kanya..

Nanginginig na napatayo siya sa kinauupuan.. nginisihan siya nito ng makitang nanginginig siya.

"W-what d-do y-ou m-mean? W-wala na tayong dapat pag-usapan!"

Galit na sabi niya sa lalaki.. kahit na nanghihina ay pinilit niyang magsalita..

No! Hindi pwede! Sigaw ng isip niya..

"Meron Tayung dapat pag-usapan Andy, ano? Tatakas kana naman? Naaah... I won't let you go this time Andy...." wika nito..

"Ano ba talaga ang kailangan mo blue? Sa mahina at mariin niyang tanong.. she's tired of having an argument with him.. gusto na niyang matapos ang masamang panaginip na Ito..


Tiningnan siya nito sa mata.. at sinalubong niya ang titig nito.. kailangan pa niyang tingalain ito dahil matangkad ito..

"Gusto mong malaman kung anong gusto ko? Kukunin ko ang anak ko sayo!" Marring wika nito na nagpayanig sa buong pagkatao niya. Umalingaw-ngaw sa tenga niya ang mga sinabi nito.. agad na nag-init ang sulok ng mga mata niya pati na rin ang ulo niya.. kung pwede nga lang patayin niya Ito ay kanina niya pa ginawa..

Ang hudas! Kinuha na nga nito sa kanya ang lahat noon pati ang puso niya! At ngayun si Renz ang kukunin niya!? Talaga bang gustong-gusto nitong nakikitang nahihirapan siya!?

The Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon