KABANATA 5

3.9K 81 14
                                    

Kabanata 5:
Multo sa Ilawod

༺᯽༻

Zia's Point of View

Sa wakas! Mga bandang tanghali, nakita ko rin ang room 405. Ang section ko. Mabuti na lang kasi nakita ko si Ian sa hallway at nagkataon pa na magkaklase pala kaming dalawa kaya sumabay na ako sa kaniya.

Ang kaso lang tapos na ang first period namin. Hindi na talaga ako nakaabot.

"Zia, dito ka na lang sa tabi ko," yaya ni Ian sa akin saka naupo na kami rito sa may bandang likuran.

Saktong upo namin, bahagya akong nagulat nang biglang lumingon sa amin ang dalawang babaeng nakaupo sa harapan namin.

"Ian, nabalitaan mo ba?" panimula nung isang babae sa may kanan. Saka ko lang napagtanto na kambal pala silang dalawa, akala ko namalikmata lang ako pero magkamukha talaga silang dalawa. As in identical twin.

Pareho silang singkit ang mga mata at mestiza. Kulot din ang buhok nila na halos pareho lang ang haba, hanggang braso nila pareho. Ang pinagkaiba lang nila ay ang suot nilang pamuyod. 'Yung nasa kanan kulay puti ang suot niyang scrunchies habang yung nasa kaliwa naman ay may suot na pink hairband.

"Ang alin?" takang tanong ni Ian dito.

"'Yung bagong student?" saad naman nung babae sa may kaliwa. Kumunot naman ang noo ko sa sinabi nito. Is she referring to me?

Napansin ko ang paglaki ng mata ni Ian pero mukhang hindi nakakaramdam 'yung kambal at tuloy-tuloy lang sa pagsasalita.

"Grabe, alam mo ba ginawa niya sa Pentagon? As in, totally chaos," dugtong nung nasa kanan. "Alam mo ba na laman siya ng buong school dahil sa nangyari kanina?"

"Ah... Aireen," banggit ni Ian dito, halatang nais na niyang pigilan sa pagsasalita ang mga 'to.

Pero hindi talaga sila nagpaawat. "Sabi pa nila na Earth-Att user din siya. Hindi naman natin siya kaklase 'di ba?" sabi nung may suot na pink hairband. "Kasi kung hindi--"

"Aileen," tawag ni Ian sa pangalan nito kaya hindi na nito natuloy ang sasabihin. Huminga muna ng malalim si Ian bago nagsalita. "Ito nga pala si Zia," pakilala niya sa akin, dahilan kaya napatingin sila sa akin. Bakas sa mga mukha nila ang pagtataka nang makita ako. "'Yung bagong student."

He really emphasize the word 'bagong student' kaya tuloy mula sa salubong na kilay, unti-unti 'yong nawala at napalitan nang pagkabigla. Saka lang siguro nila napagtanto kung sino ako.

Nanatili silang gulat and speechless na nakatingin sa akin. Ang awkward tuloy dahil hindi ko rin alam kung anong irereact sa ganitong sitwasyon.

Then suddenly, Ian cleared his throat. "Nga pala, sila 'yung kambal. Sina Aileen at Aireen."

Napangiti na lang ako. "Hi! I'm Maria Letizia La Madrid. Nice to meet you," I said.

"U-Uhm... Hi," sabay na banggit nung kambal at binalot na naman sila ng katahimikan hanggang sa... "Pasensya na!" saad nila at bigla na lang silang tumakbo palabas ng room.

Kunot-noo'ng sinundan ko lang sila ng tingin. "Saan sila pupunta?" takang tanong ko. Hindi ba konting oras na lang magsisimula na ang susunod naming klase? Bakit sila umalis?

"Nah... h'wag mo na pansinin ang mga 'yon. Babalik din ang mga 'yan mamaya," sabi naman ni Ian, "Pero Zia, tama ba ang narinig ko? Apelyido mo'y La Madrid?"

Tumango ako. "Oo. May problema ba?"

"Wala naman," sagot n'ya habang salubong ang kilay, parang ang lalim ng iniisip. "Pamilyar lang sa 'kin."

ELEMENTUS : The Cursed Book Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon