Hindi ko makalimutan yung nangyare nung isang araw nakakahiya.Hindi ko pa sinasabi kay shane kung anong sinabi sakin nung lalaking naka pula habang nakapatong ako sakanya..
"Oy sis! Ano nanaman bang iniisip mo? Si Mr. Red padin ba? Ano ba kaseng sinabi sayo?" Kahapon pa ko kinukulit ni shane pero ayokong sabihin, pilitin niya pa ko sasabihin ko. Hahaha.
"Hindi ah! Gutom lang ako. Tara kain tayo! Libre mo ko." Kinindatan ko siya hahaha. Nagugutom na kase talaga ko e.
"Sabihin mo muna lilibre kita!" Natatawang sabi niya sakin.
"Libre muna?" Ngiting ngiting sabi ko. "Food first before anyting else" dagdag ko kaya natawa siya lalo. May nakakatawa ba? i love fooddddd duh!
Nandito na kami! Hahaha. Nilibre niya ko ng fries bbq flavor My favorite! Tas frappé ang sarap! Tapos na kaming kumain magyayaya na sana kong umuwi kaya lang naalala ko sasabihin ko pa pala yung sinabi ni Mr. Red.
"Una na ko ah! Salamat sa libre!" Natatawang sabi ko.
Tatayo na sana ko ng hinila niya yung dress ko. "WTF?!" Baka masira."Sis! Si Mr. Red." Pabulong na sabi niya. Nasaan? Nakakahiya kailangan kong magtago. Ano ba yan! Sinusundan niya ba ko?
"Huy! Nangangarap ka nanaman! Ikaw susundan?" Nagtataka niyang tanong. Napalakas pala pag sabi ko ng 'sinusundan niya ba ko?'"Joke lang! Hehehe." Kailangan kong mag tago! "Shane! Lalabas na ko ah. Baka lumapit dito eh." Kapal ko lang. Ganun talaga, yung mga sinabi niya kase sakin e.
"Baka magkabanggaan nanaman kayo? Nga pala may utang ka pa sakin! Sasama na ko sayo. Ang duga mo naman e." Naaalala niya pa pala yung deal namin! Kala ko nakatakas na ko e. Nag pakita pa kase tong si Mr. Red eh! Asar.
Nakayuko akong lumabas sa pinagkainan namin. Inaalalayan ako ni shane palabas. Baka mamaya may mabunggo nanaman ako mahirap na!
Malapit na kame sa pinto! Malapit na kaming malakabas dito.
Pero hinila ako ni shane may kumausap yata sakanya e. Nakayuko parin ako. Ayokong tumingala mamaya makita ako nung lalake nakakahiya kaya."Miss ayos ka lang? Miss ayos lang ba yung kasama mo? Bat kung makayuko tila nabali na yung leeg niyan?" Natatawang sabi nung lalaking kausap ni shane nangaasar ba to? Pero yung boses niya parang narinig ko na yun.
"Uy sis! Wag ka ngang yumuko nakakahiya." Sabi ni shane sakin bakit sino ba yun. Siya ba si Mr. Red? Ano ba yan. Tinataguan nga eh. " bawal bang yumuko? May hinahanap ako." Kilala ko na! Siya nga yun. Kinurot ako ni shane sa tagiliran mahina lang naman. E sa ayokong tignan yung kausap niya diba?
"Miss." Yung boses niya talaga.. Siya nga yun. Tumingala na ko e.
"Miss i'm jax. Hindi ko nasabi yung pangalan ko nung nakaraan." Sa tingin niya ba may pake ako? "And you are?" Naka ngiting sabi niya. Yung ngiti niya nakakaloko."I'm shane." Si shane yung sumagot. Tinignan ko si shane nakangiti siya, ngiting ngiti kulang nalang maging puso yung mata niya eh.
"And she is?" Pagturo sakin ni jax tanong niya kay shane. Tinignan ako ni shane "sino ka nga?" Pabulong niyang tanong sakin. Ano ba yan! Nawala na sa katinuan tong babaeng to. Natawa tuloy si jax! Hindi ba nahihiya si shane? Nakakahiya!"Miss pulang pula ka na" nakangiting sabi niya sakin. Ano bang pake niya? Hinila ko na si shane para makaalis na kame dito! Ano ba yan.
" byee jaxxxx! See you again." Sigaw ni shane habang hinihila ko siya palabas.
BINABASA MO ANG
Para Saan?
Short StoryPara saan nga ba? Para saan ba talaga? Para kanino? Ano na bang nangyayare?