"Sis ano bang problema mo siya na nga tong lumapit eh." Naiinis siya sakin dapat nga ako tong mainis eh diba iniiwasan nga. "Tinataguan ko nga diba? Bat ka naman nakipag-usap shane?" Asar na sabi ko kase naman eh di niya naman alam kung anong sinabi sakin eh. "Gusto mong malaman yung sinabi sakin diba?" Pang-uuto ko para di na siya mainis sakin. "Oo naman tara na nga sa condo tayo" pagyayaya ni shane. Malapit na rin yun dito.
Nasa elevator na kami 9th floor pa hayy.
Nakaupo na ko ngayon sa sofa niya. Malaki rin to Kumpleto may sala, kitchen, kwarto, cr at kung ano pa.
*Flashback*
Nakapatong ako sakanya..
Nagkatitigan kami siguro mga 10 seconds
Matagal din yun noh.
Bigla siyang nag salita.."Nagustuhan mo ba? Ayaw mo talagang umalis jan?
Miss ang bigat mo kaya.
Miss yung b**bs mo inaakit ako.
Miss! Nainlove ka ba sakin? Nawawala ka na ba sa sarili mo?"
Natatawang sabi niya sakin. Inaalog alog niya na ko kaya natauhan ako. Pero hindi siya sa mukha ko nakatingin kundi sa ano ko! Aba bastos to ah!Tumayo na ko. Gusto ko mang sampalin pero andami kaseng nakatinging tao eh. Kahiya!
*End of Flashback*
"ganto kase yon.. Diba nga nagkabungguan kame tas nakapatong ako sakanya.. Sabi niya nagustuhan ko daw ba, ang bigat ko daw, yung bewbs ko daw inaakit daw siya, nainlove na daw ba ko sakanya! Gusto ko sanang sabihing oo pero bastos pala e! Tapos alam mo ba nung inaalog niya ko hindi siya sa mukha ko nakatingin kundi sa katawan ko!" Bastos talaga nun!
"Ayon lang pala yung sinabi sayo! Nagbibiro lang naman yon. Malaki naman kase talaga yang ano mo eh! Kaya laging napapansin mag share ka naman kase diba?" Palibhasa kase fc to eh hahaha. Eh anong magagawa ko kung malaki to? Kaya ako nababastos dahil dito eh. "Sus shane kung pwede lang sayo na to lahat!" Nababastos na nga kaibigan niya yun pa naalala niya diba? Hayyy.
Tila ang saya ngang maging fc eh. Yung tipong pag tumatakbo ka walang aalog, walang tatalbog talbog eh pag saming mga biniyayaan ang awkward tumakbo noh!
"Uuwi na nga ko! Bukas nalang ulit. Paalamm!" Palabas na ko ng condo niya nang may nakasalubong akong lalake. Nabangga pala. Nabangga nanaman ako sa isang lalaki. Pero this time hindi naman malakas.
"Sorry sorry." sabi nung lalaki. nahulog yung mga dala niyang pagkain at tsaka beer. siguro may lalasinging babae to. chos! mag-iinuman lang siguro sila ng mga kaibigan diba! grabe ako!
syempre tinulungan ko diba? mabait kaya ako.
pagtapos kong tulungan siya nag pasalamat siya tsaka nag sorry din ako. ako yung hindi nakatingin sa daanan eh nagcecellphone kase ako. pasensya naman!
"Tara chill muna tayo!" naka ngiting sabi niya sakin. ako niyayaya niya? saan? sa unit niya? Mukha naman siyang harmless.
"May kasama ka bang iba? baka naman hindi ako iwelcome??" baka naman kase talaga magalit yung mga kasama niya kung bat mag sasama siya sakanila ng stranger. "Meron pero mababait naman yun! ako din wag kang mag-alala mabait din ako" pagmamayabang niya. Wow pero mukha naman kase talaga siyang mabait.
Gwapo siya, Matangkad. ang linis niyang tignan.
"huy! ano nang nangyare sayo? alam ko namang gwapo ako. tara na sasama ka ba??" nakangising sabi niya.
hindi ko namalayan ang tagal ko na pala siyang tinititigan. Nakakahiya!
"May gagawi-" di ko na natapos sasabihin ko. Hinila niya ko!!!1111!!!! wala naman tong gagawing masama diba? "Marunong akong maglakad!" sigaw ko sakanya. Pero ayaw niya kong bitawan."FC!!!" Sigaw ko pa. napatigil siyaaa. lagot!
"anong sabi mo?" lumungkot yung mukha niya nung tinignan niya ko tapos binitawan niya pa ko.. "Hindi ikaw! yung bata kase kanina na nadaanan natin may hawak na Fc." pagpapalusot ko. ehehe.
"Fc??" nagtatakang tanong niya. "Fried Chicken!" pagpapaliwanag ko.
"sus lokohin mo lelang mo!" natatawang sabi niya. alam ko namang hindi siya maniniwala eh pero atleast tumawa na siya. "Close na tayo?" naaasar na sabi ko sakanya."Bestfriends"
nakangiti niyang sabi sakin. di ko pa nga alam pangalan niya e.
"Forever" sigaw nung tropa niya na nasa loob ng unit niya. di ko namalayan na nasa tapat na pala kami ng unit niya!"Oy bri dalian mo gutom na kame! kanina ka pa namin hinihintay. sinong kasama mo? gf mo?" sigaw nung tropa niya hindi ko pa sila kilala eh. "Bestfriend nga daw e! bungol neto!" sabat naman nung isa niyang tropa. grabehan lang!
"Pasok na kayo dali! may monsters sa labas! buti nalang nakaligtas kayo!!" sabi naman nung isa niyang tropa. hahaha. ang loko naman nila!
Pag pasok namin sa loob ng unit niya.
may nakita akong kakaiba..

BINABASA MO ANG
Para Saan?
Historia CortaPara saan nga ba? Para saan ba talaga? Para kanino? Ano na bang nangyayare?