Chapter 4: The Healer and the Blackhole

3 1 0
                                    

Marites P.O.V:

"Ahhhmm. Siguro bukas na natin ituloy ang training ng mga students, pagod na din siguro sila, Marites! Sumunod ka sa akin sa room ko. Dalian mo." agad na utos ni Ms. Shane.

Eto na to, ang training ko. Ang magamit ang ability ko, ang mang gamot sa mga sugatan kong members, sobrang saya ko dahil kahit ganto lang ang kaya ko ay mali ang bahagi ko sa grupo ko. Agad akong sumunod kay Ms. Shane sa kanyang room upang gamutin si Dyessie sa mga naging sugat niya at pagkatapos nito ay si Justine naman.

Pagkadating na pagkadating namin ay agad na inihiga ni Shane si Dyessie.

"Ok Marites, start your training." nakangiting sabi ni Shane.

Nag buntong hininga muna ako at nagsimulang painitin ang dalawang palad ko,

Maya maya pa ay agad na lumabas ang kulay dilaw na usok, agad ko itong ipinahid sa sikmura at likod ni Dyessie na natamaan kanina ng atake ni Justine,

Pinainit ko ulet ang aking palad at lumabas ang kulay pulang usok at ipinahid sa nalapnos na kamay ni Dyessie dahil sa pagtira niya ng mga apoy kanina at first time pa lang niya un ginawa kaya nalapnusan siya.

Sunod naman ay ang kulay asul na usok at ipinahid ko sa buong katawan niya upang mawala ang sakit nito..

Nagpalakpakan si Shane at Doreen sa natunghayan na panggagamot ko.

"Napakahusay mo Marites, maaasahan ka talaga!" nakangiti saken si Doreen.

"Salamat po! Responsibilidad ko po ito bilang isang myembro ng grupo! Maya maya po eh magigising na sya papakainin nyo po agad sya. Sige po kay Justine naman po ako.." pagpapa alam ko sa mga ito..

Napakasaya ko dahil nakatulong na naman ako, ngayon papunta naman ako kay Justine upang gamutin sya.

Justine P.O.V

nakaka asar. Pano nagawa ni Dyessie ang lahat ng yun, napakalakas niya talaga. Nakakamangha! Pero natalo niya ako!

Nandito ako ngayon sa aking dorm at hinihintay si Marites na dumating mga ilang sandali lang naman ay dumating na sya.

"Pasensya kana natagalan eh, alin ba napuruhan sayo?" bungad ni Marites.

Inirapan ko lang sya at itinuro ang lalamunan ko, nabasag kasi ang windpipe ko sa sobrang lakas ng pagkakasakal saken ni Dyessie kaya hindi ako makapag salita, agad naman lumapit si Marites at hinawakan ang lalamunan ko, mga ilang haplos lang ay naramdaman ko ang pag ginhawa ng lalamunan ko..

"Salamat." usal ko at ngiti lang ang sinagot saken ni Marites at nagpatuloy siya sa paggagamot.

"Okay! Tapos na! Mag pahinga kana lang para bumalik agad ang lakas mo!" nakangiting tumayo si Marites atsaka lumabas ng dorm ko..

Dyessie P.O.V:

Nagising ako ng nasa gilid ko si Shane at Doreen,

"Kayo po pala! Ano po nangyari?"

"Haay naku Dyessie hindi namin alam kung pano ka namin papatigilin kanina habang nagwawala ka sa training room.. Pati si Justin pinagtitira mo ng apoy, tubig at yelo. Di ka din naawa sa ka sparring mo si Justine, muntik mo na siyang mapatay mabuti na lang at napatigil ka ni Red.." sabay abot saken ang lugaw "At sabi ni Marites, kumain ka daw pag nagising ka para bumalik agad ang lakas mo" dagdag pa ni Doreen.

Napakunot nalang ang noo ko sa sinabi niya..

"Si Red?" mahinang sabi ko sa sarili mabilis kong kinain ang lugaw at lumabas ng dorm ni Shane..

"Oh? San ka pupunta?" sigaw ni Shane.

"Mag so'sorry po kay Justine!" sagot ko at mabilis na tumakbo. Maya maya pa ay nakita ko ang dorm ni Justine mabilis akong pumasok ng room!

"SORRY TALAGA GUYS! Justine! Im so sorry, hindi ko sinasadya!" nakaluhod ako at nakayuko ngunit wala akong narinig na anumang reaksyon nila kaya tumunghay ako at minulat ang mata ko!

Nakakunot ang noo at halatang nagtataka sila sa ginawa ko, nakita ko si Jayvee, Justine at Jomar.

"Ang o.A ah? Tumayo ka nga jan!" Sabi saken ni Jayvee! Tumayo nga ako at lumapit kay Justine, napansin ko wala si Red.. Pero ok lang siguro hindi talaga siya mahilig makipag bonding.

"Sorry talaga Justine ha! Hindi ko nga alam na ginawa ko yun eh, nawala ako sa sarili ko."

"Ok lang yun! Sanay na kami sa mga ganyan." nakangiting sagot ni Justine, napangiti din ako. Kaya niyakap ko siya niyakap din naman niya ako.

"Ok sige. Matutulog na ako. Bukas ulet ha! Bye guys!" nag wave na ako sa kanila at lumabas na ko ng room.

Habang naglalakad napadaan ako sa Training room, parang may tao dito kaya dahan dahan akong pumasok, nakita ko si Red! Nag ta'training siya mag isa,

naka buka ang pakpak niya na kulay itim. Ang astig grabe, parang si Devil Gin ng Tekken, tahimik lang ako na nanunuod sa kanya. Maya maya inangat niya ang kanang kamay niya, may nabuo ditong kulay itim na parang blackhole, lumalaki ito ng sobra at ang gilid nito ay may mga kidlat, nakikita ko ang mga ugat niya na nag lalabasan dahil siguro sa bigat ng black hole na yan, nagtatagaktakan din ang pawis ni Red sa kanyang hubad na katawan,

Maya maya pa ay inihagis nya ito at tumama sa isang upuan sa loob ng training room, parang bulang nawala ang mga nahagip ng black hole na yun, hindi pa din ito nawawala, unti unti pa din itong lumalaki.

Humangin ng malakas sa loob ng training room! At parang nanghihigop ang blackhole, napansin ko si Red nawala sa kinatatayuan nya..

"anong ginagawa mo dito diba dapa't nag papahinga kana?"

sobra akong nagulat, napaka bilis niyang kumilos nasa harapan ko palang siya kanina ngayon nasa puso ko na, este sa likudan ko pala!

At yung blackhole kanina nawala na din.

"Ah. Kasi Red. Wala lang napa daan lang ako! Sorry.."

Hindi sya nag salita at sa halip nag damit agad siya, so yun pala ang ability niya ang blackhole, grabe nakakatakot napaka lakas..

"Uhmm. Red!" sigaw ko..

Tumigil sya sa paglalakad pero d man lng nya ako nilingon,

"wala lang." dagdag ko at nagpatuloy sa paglalakad si Red.

Bakit ba ganun siya, napaka tahimik napaka misteryoso, i like him. I know i admire him pero hindi pede, hindi ako magtatagal dito, kailangan kong mag focus sa mission kasi kailangan kong maka alis dito. Kailangan kong pigilan tong feelings ko.

Bumalik na ako ng dorm ko pero hindi ako makatulog, kaya nag isip isip na lang ako.. Kung ano ang mga magiging kalaban namin, kung makaka uwi ba talaga ako pag katapos nito.. Sana matapos na agad to, dahil habang tumatagal, mas lumalalim na ang pagtingin ko kay Red, at napapamahal na din saken ang Special Academy..

Special A: The Sequel (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon