Justine P.O.V:
Nasa loob na kami ng training room ngayon ni Red at Marites kasama si Ms. Shane, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon, ang bigat ng dibdib ko, alam ko may panganib ngunit hindi ko matukoy kung saan nanggagaling at ni hindi ko din alam kung sino at ano ang mga mangyayari, basta ang alam ko hindi maganda ito, nasa panganib kami, kailangan ko makapag ingat.
"JUSTINE!! ILAG!!" sigaw ni Shane ng malapit na sa akin ang dagger, naka iwas ako ngunit nahigip nito ang mukha ko, gumawa ito ng sugat at dugo sa aking pisngi, naputol din ang buhok ko na nakalawit.
"Are you okay?" pag aalala sa akin ni Shane habang inaalalayan akong tumayo, tuloy pa din ang pag dugo ng aking sugat.
"Im sorry Justine! May iniisip kaba?" lapit saken ni Marites na halatang nag aalala.
"Okay lang ako. Ms. Shane im sorry, hindi ako makapag focus. Masama pakiramdam ko eh." mahinahong sabi ko kay Shane, hindi ko na inintay pa ang sagot niya at lumabas na ako ng training room habang pinipigilan ang pag agos ng dugo nito.
"Justine!" dinig kong sigaw ni Marites, hindi nalamang ako lumingon at nagpatuloy lang sa paglalakad, alam ko namang pinigilan din siya ni Shane na hayaan nalang muna ako.
Lumabas ako ng training room at napatingin sa may bulkan, nakita ko ang dalawang ulong apoy na dragon at ang babaeng may pakpak na apoy pati espada, siguro ay ito ang panganib na iniinda ko kanina pa kaya agad akong nag handa sa pag atake mabilis akong umakyat ng bulkan, habang tumataas ay mas nakikita ko ng kabuuan ang dragon.
Hinanda ko ang pagbato ko ng dalawang dagger at shuriken upang patamaan ang dragon ngunit bago pa man ito matamaan ay bigla itong naging lava at ang babaeng nakasakay doon ay tumalon mula sa taas ng dragon kaya siya ang matatamaan ng dagger at shuriken.
Malapit na ang pagtama ng dagger at shuriken ng bigla itong natunaw dahil siguro sa init na tinataglay ng babaeng apoy. Siguro ay ito si Crystal ng four gurdians. Nasa tuktok na din ako ng bulkan ng sinagawan ko ito.
"CRYSTAL!!" sigaw ko at humarap sa akin ang babaeng apoy, nag kamali ako. Si Dyessie pala ito, napakaganda niya, lalo na ang pakpak niyang apoy na nagpapatingkad sa kanya. Kung ganon pala ay kontrol na din niya ang fire bending. Agad akong tumakbo sa kanya.
"NAKAKAMANGHA KA DYESSIE. Napakalakas at napakaganda mo!" puri ko sa kanya. Bago siya tuluyang nag salita ay naging normal na tao muna siya.
"Salamat Justine! Hindi ko akalain na ganon ko lamang kadali matututunan ang fire bending." nahihiyang sagot niya.
"Ikaw pa! Sa galing mo na yan!" dagdag ko, ngunit napansin niya siguro ang sugat na nasa aking pisngi na patuloy ang pagdurugo.
"Kamusta training nyo?" tanong niya habang nakatingin sa ilalim ng bunganga ng bulkan.
Muling bumalik ang takot, panganib at kaba na kanina ko pang nararamdaman. Napaupo ako bigla at nakita ko ang pag aalala ni Dyessie. Bigla nalang ako nahilo ng hindi ko alam ang dahilan. Hindi ko na din nasagot ang tanong niya.
"Oh Justine? Okay ka lang ba?" tanong nito habang inaalalayan akong makatayo.
"Sorry Dyessie. Hindi talaga maganda ang pakiramdam ko. Pasensya na talaga." nakahawak ako sa balikat ni Dyessie upang tuluyang makatayo.
"Kung ganon, halika at bumaba na tayo dito, sumakay kana sa likod ko para hindi kana mapagod pag baba." nakangiting sagot nito.
"Pero--" hindi niya ako pinakinggan at sa halip ay binuhat na niya ako, hindi ko napansin na lumulutang kami sa hangin, maging siya alam ko na hindi niya napapansin na ginagamit niya ang air bending, nakita ko ang pag ilaw ng kwintas nito ng kulay puti.
BINABASA MO ANG
Special A: The Sequel (Book 2)
FantasyPowers, Love, Family, Magic, Charm, Duels, fight for your love, fight for your life.