Shane P.O.V:
"Vhang! Ang mga sirena palabasin muna!" sigaw ko,
"Mermaid Soldiers!" sabay na sigaw namin ni Vhang, agad na may nag ahunan na tig anim na sirenang gawa sa tubig may dala ang mga itong espada..
"SUGUDIN NYO SILA.." sigaw namin at yun nga ang ginawa ng mga sirena..
Chance na namin ito, habang abala pa ang mga kalaban sa sirena mabilis na pinagtitira ni Chloe ng yelo ang bubong ng library upang masira at dito kami makadaan patakas.. Maya maya pa ay nasira na nga ito,
mabilis kaming lumipad pataas at lumabas ng Winford..
Nakalabas kami ng ligtas..
Habang lumilipad kami, isang tunog ng plawta ang narinig namin! Isang tunog na napaka sakit sa tenga at animoy nakakatanda at nakaka kulubot ng balat, unti unti akong nanghina at naging dahilan upang bumagsak kami sa lupa..
"Mahusay Nayr! Napaka husay.." sambit ni Clark, ang reyna ng mga sorcerers.. Naandito na sila kasama ang kanyang hukbo at ang 4 na gurdians..
"N--ay-r! Maawa ka! Wag mo kami papatayin, wag nyo kami papatayin" nanghihinang sambit ni Justin.
"Justin Alvarez, napakahina mo pa din pala hanggang ngayon at wala ka pa ding alam kung hindi mag maka awa!" nakangising sagot ni Nayr, lumapit siya kay Justin at inapakan ang mukha nito, at muling hinipan ang kanyang plawta.
"AAAAAAAHHHHHHHH!" panaghoy naming lahat dahil sa sobrang sakit na tunog na nagmumula sa kanyang plawta! Halos mabasag na ang aming eardrum dahil sa tinis ng tunog nito! Kasabay pa ang mga tawanan ng mga kasama niya, ngunit napansin kong hindi nakatingin sa amin si Charles habang nahihirapan kami!
Nag isip ako ng paraan upang maka alis dito sa lugar kung saan kami nahihirapan ngunit hindi ako makapag focus dahil sa tunog na hindi pa din tumitigil. Napansin kong unti unting iginalaw ni Chloe ang kanyang kanang kamay at itinuro ang daliri sa butas ng plawta at sabay tinira ito ng yelo.
Nagulantang si Nayr dahil sa nangyari, kasabay nito ang pagkawala ng malay ni Chloe dahil sa sobrang panghihina.
"c-c-hl-oe." utal utal na salita ni Vhang, halos lahat kami ay hinang hina. Maya maya pa ay nag dilim ang langit at napuno ito ng mga insektong lumilipad, mga uwak at agila mabilis na bumulusok pababa ang mga hayop ngunit biglang sinalubong ito ni Crystal ng isang rumaragasang apoy, nasunog ang lahat ng hayop kasabay din ang pagkawala ng malay ni Jen,
unti unti na kaming nauubos, biglang naisip kong gamitin ang teleportation path sa aking kwintas.
"Justin! Maaari bang gamitin mo ang gemini ability mo upang makuha natin ang ability ni Ronalyn na teleportation path at isalin dito sa kwintas?" tanong ko kay Justin.
Tumango na lamang siya dahil sa sobrang panghihina niya. Unti unti siyang lumapit kay Ronalyn at hinawakan ang paa nito.
"Gemini!" biglang umilaw ang tattoo ni Justin, naging kamukha niya si Ronalyn at agad na humawak sa aking kwintas. Umilaw parehas ang mga ito!
"TELEPORTATION PATH!!" sigaw ko at sa isang kisap mata. Naka alis kami sa lugar na iyon.
>> 1 YEAR LATER <<<
Dyessie P.O.V
"GUMISING KANA!! Dyessie? Ano ba?"
Haaay naku, ala singko pa lang ng umaga! Bunganga ng tita ko akala mo lahat gising na! Eto ako, papasok na naman, sobrang nakakatamad na talaga. Madali dali akong bumangon at lumabas ng kwarto, kumain, uminom ng kape, naligo, nag paganda at nag ayos. Its almost 6 na at lumabas na ako ng bahay ayoko namang mabungangaan na naman ako ng tita ko, ewan ko ba ang init lagi ng dugo nyan saken anong magagawa ko kung sa kanya ako iniwanan ng nanay ko! May kakambal ako at yung kinuha niya kasama ang tatay ko, pero matagal na akong walang balita sa kanila.
BINABASA MO ANG
Special A: The Sequel (Book 2)
FantasíaPowers, Love, Family, Magic, Charm, Duels, fight for your love, fight for your life.