Crown 5

4.9K 109 11
                                    

Hey guys! Yung sinabi ko sa inyo sa si lori at louis from brother's conflict ay kasama sa L7, hindi na yung mismong picture nila yung nasama ko. Wala akong picture nila eh. Si lori ay si tomoe from kamisama hajimemashita. At si louis naman ay si kaname from vampire knight. Si jake naman ay si kojou akatsuki from strike the blood. Si troy naman ay si kutanaka from ao haru ride. Si ren naman ay si tamaki from ouran highschool host club. At yung harold twins naman ay yung hitachiin twins sa ouran din.

Kung may tanong pa kayo i-comment down niyo na lang. Yung tungkol sa 7P? I-popost ko sa author's note ko after ng nitong chapter. Kung gusto niyo ring magpa-dedicate paki comment down na rin. Thank you

Vote. Comment. Share. Be a fan.

♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡

Lacey

Naandito na ako papasok sa school. Sinabay kasi ako nila kate sa sasakyan nila.

"Okay ka lang ba kathleen?" Tanong ni ate C

"Opo. Okay lang ako" sagot ko at saka tumingin kay kate

"Ikaw kate? Okay ka lang ba?" Tanong ko sa kanya

Para kasi siyang sasabog any minute

"Okay lang ako. Kaso nga lang baka hindi ako maging okay sa classroom" sabi niya

Alam ko na ang tinutukoy niya. Kahapon kasi pagkagaling ko sa library nakasalubong ko si kate. Galing ata siya ng park. E gusto niya pumunta sa bahay edi go. Nung naglalakad na kami biglang lumakas ang hangin at hinangin yung buhok niya. Kaya ayun parang multo siya. E may nakasabayan pa kaming esudyante rin ng NIHS. Hindi nila napansin na si kate ang kasama ko at pinagbu-bully pa kami. Late na nila na-realize na si kate yung binully nila. Kaya ayun naka-tanggap ng isang malutong sa sampal yung babae. E, ka-section namin yung babae. Kaya nasa bad mood ata si kate ngayon.

"Huwag ka ng bad mood kate. Sige ka,papangit ka niya" asar ni ate C

"O sige, mamaya after school shopping tayo" suggest ko

Agad namang lumiwanag ang mukha ni kate. Basta sa salitang shopping eh!

"Ay oo nga pala! Di pa malapit na yung cultural fesival?" Tanong ni kate sa ate niya

May cultural festival itong school kasi..... ewan ko! Basta may cultural festival okay na yun. Magsusuot kami ng kimono. Lahat ng esudyante magsusuot nun. Halos mahirap nga hanapin ang kimono eh!

Mamaya ko na lang ulit i-e-explain tungkol dun sa cultural festival. Simula na ng klase.

Para sa section namin, halos wala pa ngang maisip na matinong ideas yung mga classmates ko. Kanina nung tinatankng nung teacher kung anong gagawin namin, aba! Walang pumansin doon sa teacher namin kaya ayon, nasigwan pa kami.

Bakit nga ba kasi nagsama-sama halos lahat ng spoiled children sa iisang section?

So, kakatapos lang ng second period and sabi daw may mga meeting yung mga teachers kaya baka matagalan yung third period teacher namin.

About sa cultural festival, hindi ko rin alam ang ginagawa doon eh! Ang alam ko lang kailangan mong magsuot ng kimono. Ewan ko ba! Basta ayon kay kate ay masaya yun! Makakasama nga pala namin ang L7 sa buong cultural festival. Na-i-group na kasi kami. Speaking of..... hindi ko pa nakikilala si lori. Kaya hindi ko pa-

"Lori! What's up bro?" Rinig kong tanong ni ren

Pagkatingin ko sa may pintuan nakita ko si lori! Gwapo naman pala siya eh! Kaso lang kasi-

"Lacey! Si lori!" Tawag sa akin ni zenry

Medyo nahiya naman ako. Ngayon ba talaga ako magpapakilala?

Patayo na sana ako ng.....

"Ate Lacey!" Hingal na hingal na tawag sa akin ni melody

"Bakit?" Takang tanong ko

"Si-si..... kailangan ka sa-sa student council room!" Sagot niya

"Ah ganun ba? Sige pupunta na ako" sabi ko sabay tingin dun kila zenry na kasama si lori

"Mauna na ako. Mukhang may problema eh" dagdag ko

"Yung gagawin natin mamaya ha!" Paalala ni kate

Tumango lang ako bilang sagot.

♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡

Nasa student council na ako at hindi ko aakalain na ganito pala ang nangyari. Naandito rin yung mga teachers para tingnan yung nangyari. Pati si ate C naandito rin.

Hindi ako maka-paniwala na ganito ang nangyari! Bakit? Paano? Napaka-imposible nito! Paano nila nagawa ito? Sino ang gumawa nito?

Alam ba nilang sobrang hirap solusyunan itong problemang ito?! Jusmiyo naman! Pasalamat sila sa akin at scholar ako!

Sino ba kasi ang gumawa ng walang-pusong gawain na ito?!

Finding The Lost Princess  (Completed) #Wattys2016 (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon