Hey readers. Slow update ang story ko but I will update it ulit. Matagal nga lang. I dedicated this chapter to bloondlady and MusicLover2203
♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡
Lacey
2 weeks na ang nakalipas since naging kami ni lori at 2 weeks na rin ang nakakalipas since nakilala ko si diana. Ngayon hindi pa rin nagpaparamdam si diana. Pero alam kong hindi niya ako tatantanan. Two weeks na lang nga pala birthday ko na. Excited na talaga ako.
♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡
Louis
Naandito ako ngayon sa PR. Inaabangan ko marie. May sasabihin kasi siya sa akin eh.
Biglang bumukas ang pinto
"Marie!"
"Young lord, darating na po SIYA"
"Huh?! Kailan raw?"
"Bukas raw. Gusto daw niya sabihin iyon kay lacey sa araw ng birthday niya" sabi ni marie
"Gusto ko rin naman iyon, kaso hindi kaya mabigla si lacey?" Takang tanong ko
"Yun din naman ang inaalala ko. Lalo na naandito na si diana at ang kanyang pamilya. Delikado dito si lacey" sabi ni marie
"Hindi natin mapipilit na sumama si lacey sa japan hanggat hindi bumabalik ang mga alaala niya"
"Sige po. Mauna na ako louis. Dun mo na rin ba sasabihin na kapatid mo siya?" Tanong ni marie
"Yup"
Pagkatapos nun ay umalis na si marie. Lacey, maaalala mo rin ang lahat.
♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡
Ren
Hindi ko naman sinasadyang marinig pero, kapatid ni louis si lacey?!
♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡
Lacey
As of now walang pasok. May darating daw kasing importanteng tao rito sa pinas. Natsume ata pangalan niya? Ewan. Ngayon nasa bahay ako tinutulungan ko si mama sa pagluluto.
"Anak, malapit na ang kaarawan mo. May gusto ka bang gawin?" Tanong ni mama
"Wala naman po"
"Since malapit na ang kaarawan mo may gusto sana akong ibigay sa iyo"
Nagtaka naman ako pero sinundan ko na lang si mama sa kwarto niya.
Maya maya may binigay siyang isang kwintas at litrato.
"Ma, ano ito?"
"Iyan lang kasi yung mga binigay ng parents mo bago sila mamatay. Iyang kwintas na iyan,iyan ang suot mo nung nakuha kita. Habang iyang litrato na iyan, iyan ang picture mo nung bata ka pa. Ewan ko kung nasaan ang kaputol niyang litrato" sabi ni mama
"Maraming salamat po dito ma" sagot ko
Pagkatapos nun ay pumunta na ako sa kwarto ko. Maya-maya, tumunog ang phone ko
Magkita tayo bukas sa may elmore park. Mga 10 ng umaga. Save mo number ko- lori
Si lori nag-text? Wow ha!
May pupuntahan ako bukas. At tsaka, may pasok ah? May grades po akong inaalagaan. Kaya next time na lang. Bye
Hindi pwede! Bukas may pupuntahan tayo.
Saan ba tayo pupunta?
Bukas malalaman mo. Night.
Pagkatapos nun, wala na. Saan kaya kami pupunta nito kinabukasan?
♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡
Kinabukasan, nagsuot ako ng denim na jeans at green na longsleeve at naka-doll shoes lang ako. Kanina lang sinabi nila kate na wala raw pasok nung tinanong ko kung bakit ang sinabi lang nila ay may darating na importanteng bisita sa school.
Maya-maya dumating na si lori nakasakay sa kaniyang sasakyan. Pagkalabas niya, nakasuot siya ng red na polo at black jeans at naka-vans na rubber shoes.
"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko kay lori
"Malalaman mo rin iyan. Pumasok ka na at mahaba pa ang biyahe"
Pagkapasok ko sa may front seat agad kong isinuot ang seatbelt.
"Matulog ka muna at malayo-layo pa ang biyahe" sabi ni lori pagkapasok niya sa sasakyan.
Saan ba kasi kami pupunta?
♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡
Third person's POV
"Louis, kamusta na siya?" Tanong ng isang matandang lalaki kay louis
"Okay naman po ang lagay niya lolo. May mga guro at esudyante pong nagbabantay sa kanya sa school" sabi ni louis
"Mabuti kung gayon. Alam mo naman na siguro na naandito si diana at ang kaniyang ama. Mas mabuti ng siguradong ligtas si kathleen"
"Tama ka po lolo. Hayaan niyo po, sa kaarawan po ni lacey, sasabihin ko na rin po na ako ang kaniyang kapatid"
"Sige. Mauna na ako sa aking kuwarto at kailangan ko pang magpahinga. Sige, mauna na ako apo"
"Sige rin po"
♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡
Hello! Kamusta na kayo? Chapter 13 is here. Saan kaya pupunta sila lacey?
Ano na kaya ang nangyari kay diana?
Alamin........
Vote.
Comment.
Be my fan.
Crown 14- The date?
BINABASA MO ANG
Finding The Lost Princess (Completed) #Wattys2016 (Editing)
Teen FictionBeing a princess is what I always dreamt about. Kaso possible kaya yon sa normal and average girl like me? I don't want to get my hopes up dahil alam kong impossible yun. But, what if....... one day may nagsabi na lang sa iyo sa ikaw ang heir ng pi...