"I'll do myself some favor and save myself from much more heartache. 'Wag kang mag-alala, Trey, simula ngayon pipilitin kong hindi ka na mahalin."
It played and played inside my head like a broken record. I kept on hearing these lines far more than the numerous times I listened to my favorite song.
Rebound ba siya?
Pero bakit ngayon kung kailan wala na siya saka ko 'to naramdaman?
Mahal ko na ba talaga si Kriza?
4 months before..
"Mahal kita, Elle. Bakit ngayon pa? Alam ko namang napakalaki ng posibilidad na hindi tayo hanggang sa dulo, pero hindi ko naman inasahang ngayon tayo matatapos. Hindi ko inasahang ito ang magiging dahilan, kasi... kasi akala ko okay ka na," malamig na pagkakasabi ko. Nakatalikod ako sa kanya dahil maaawa lang ako 'pag nakita ko siyang umiiyak. Wala akong maramdamang emosyon ngayon. Namamanhid na yata ako.
Hindi ko matanggap na niloko ako ng babaeng sineryoso ko. Ginawa niya akong rebound. Tangina nga naman talaga. 'Yan ang problema sa pag-ibig eh, kung kailan mo seseryosohin saka ka naman pinaglololoko. Kaya mas mabuti pang palaging ako na lang ang manloko kaysa maramdaman ko na naman 'tong ibang klaseng sakit na 'to.
"I'm very sorry," she sobbed. "You know how much I love you. Lahat 'yun, Trey, totoo. Pero sana alam mo rin kung gaano ko talaga kamahal si Calyx. Bayaan mo ng makarma ako at masaktan. I'll take the risk of giving you up for another brief chance to be with him again. Ganun ko siyang kamahal. And I'm sorry."
"A month of being with him still won't compare to the three months we've been together. Ganun ba kong kawalang kwenta?" naiiritang tanong ko.
"It's not that. I can't make you understand. But if you find the right person, you'll just know."
"Is Calyx the right person for you?! Kung siya, bakit ka niya iniwan? Bakit ako 'yung sumalo sa'yo? Aminin mo na lang, Elle. Hindi mo naman talaga ako minahal eh. Ginawa mo lang akong rebound. Ginawa mo lang akong panakip butas dyan sa puso mong nasaktan."
She started weeping. I knew it. Tama nga ako. Eh 'di inamin mo rin ang totoo... rebound mo lang ako. Hindi mo ko minahal, Elle. Sinasabi mo lang 'yun to free yourself from guilt.
"Sana makuha mo na siya, at sana maging masaya ka, because the next time he leaves you crying, malamang wala na ko para tulungan ka," mariin kong sinabi. Unti-unti na kong naglakad palayo ng backgate. It felt wrong distancing myself from the person I love, but I got to keep on walking kung hindi makikita niyang naiiyak na ko.3 months before..
"Hindi ka pwedeng mawala pre. It's going to be the biggest party of the year! I, myself, wouldn't miss it for the world," pag-aanyaya ni Mico.
"Oo nga naman, Trey. Para ka namang tanga eh! Nandoon naman kami saka marami namang girls kaya hindi mo na mapapansin 'yang si Elle at Calyx. We're gonna have fun!" gatong naman ni Harry.
"KJ mo naman. Sarili nating victory party tapos wala ka? We just won basketball's championship! Tapos nagdadalawang isip ka? I can't believe you," sabi ni Karl sabay iling.
Nagpupumilit na ang mga kasama ko sa team. Tapos na kasi ang sports competition of different schools dito sa region namin kaya may night of celebration. Syempre halos lahat ng estudyante nandoon.
Nagdadalawang isip pa rin ako. Pupunta pa ba ko? Malamang kasi makikita ko si Calyx at Elle na magkasama at naglalambingan doon. Isa kasi si Calyx sa tennis player ng school at panalo din sila. Todo iwas nga ko sa kanila nitong nakaraang buwan at lagi lang akong nasa court para magpractice tapos ngayon baka makita ko pa silang magkasama. Handa na ba talaga ko?
BINABASA MO ANG
Falling For My Rebound (One Shot)
Fiksi RemajaAnd just when Trey thought he hasn't gotten over his ex, Kriza comes along making him stumble back into falling in love again. How can he be sure if cupid's already got him fallen for this girl or she's just a practice target that will make him forg...