"THE WAY TO HIS HEART"
Shina Mae Alagos.
Phillip Luciano D'Angelo.
Sandok, kaserola at pagkain--ang mga ito ang bumubuo sa buhay ni Shina. Meron pa pala, ang napakakulit niyang ina. Kesyo tatanda daw siyang dalaga dahil puro pagluluto na lamang ang inaatupag niya.
Kaya naman lagi siyang isin-set up ng ginang sa iba't ibang binatang anak ng mga amiga nito. At isa na roon si Zac. They went out one night, at nadiskubreng magaan ang loob nila sa isa't isa.
They parted that night but remained friends after that one single date.
Akala ni Shina ay titigil na ang kaniyang ina nang pumayag siyang i-date si Zac.
Ngunit hindi pa pala doon natatapos ang pagma-match make nito.
Makakatakas kaya siya this time?
Paano na ang sandok, kaserola at pagkaing buhay niya?