Andrea's POV
Nakita ko si Alexis sa canteen...
"Bes, sorry ah. Sorry dahil nakakalimutan kita pag kasama ko na si Jacob. Mahal kita!
"K na yon. Grabe yung balita ah"
"Oo nga eh. Yey!, bati na kami ohh. Bes, tulungan mo kong hanapin si MR Right!"
"Bakit kailangan mo pang maghanap? Wag na. Baka si Mr Left pa mahanap mo, iiwanan ka lang lagi" supladong sinabi ni Alexis.
"Tara? Punta tayong mall. Maghanap narin!"
*pagdating sa mall*
Lakad-lakad lang kami sa mall hanggang sa may nakita kaming isang pamilyar na lalaki.
"Aba, nakikita ko sa campus yung boy na yun oh" tinuro ni Alexis ang lalaki.
"Ay, oo! Tahimik lang siguro sya kaya di masyadong famous." Sagot ko.
Mukhang napapansin na ng lalaki na nakatingin kami sa kanya.
Nakakapagtaka, palapit sya samin."Uhm, Hi." Sabi samin ng lalaki.
"Hello? Madalas ka naming nakikita sa campus ah." nakangiti kong sinabi sakanya.
"Ahh, tahimik lang talaga ako. I'm Gabby." Pakilala nya.
Sasagot na sana ako pero biglang sumagot si Alexis.
"Siya si Andrea, at ako naman si Alexis. 'BESTFRIEND' "...
May dumating na babae na kilala din ni Gabby.
"By the way guys, pinsan ko si Mandy. From same school din.
Si Andrea and Alexis." Pakilala ni Gabby."Gusto nyong sumama samin? We'll have a great time." Sabi ni Mandy.
"Sure!" excited kong sinabi.
*sa arcade*
Alexis's POV
Nakakita ako ng isang game para sa dalawa. Naisipan kong imbitahan si Andrea.... kaso.....
Naunahan ako ni Gabby! Gusto ko nang upakan to eh. Naiinis ako! Since kaming dalawa ni Mandy walang ginagawa, niyaya ko nalang sya sa isa.
Di ko maiwasan na tumingin kay Andrea dahil sobra nyang saya. Kaya ko namang gawin sakanya yon, diba? Ang duwag ko. Ilang weeks na kaming magkakilala lalo na tuloy akong nahulog sakanya...
Naglaro kami ni Mandy, wala akong kasaya-saya.Andrea's POV
Uhm, nahilo ako ah... Gusto ko na tong' sabihin kay Alexis na may... Ugh, di ko kaya. Masasaktan lang sya, nakita ko kasi sa likod ng notebook nya. May nakasulat...
"Andrea, I like you. Love na pala"Di nya kasi alam na may karamdaman ako. Gusto ko nang umuwi may masakit na sakin ehh.
"Gab, Mandy, uwi na ako."paalam ko.
"Ah sige sige, ingat" sabi ni Gab.
"Tara bes, hatid na kita."
*Pagdating sa bahay*
Niyakap ko si Alexis.
"Thank you Bes dahil sinamahan mo ako. Love you, mwa" sabi ko sakanya."I love you more, basta di kita iiwan. Di mo naman din ako iiwan diba?"
Umiyak ako kasi alam kong di ko matutupad pangako ko sakanya.
"Sige na Bes, pasok na ako.' Paalam ko.
"Bakit ka umiiyak?"
"Wala to', ang sweet mo kasi"....
Gusto nyo bang malaman kung bakit di maipa-pangako ni Andrea kay Alexis na hindi sila magiiwanan?
Nasa next chapter. Keep reading! Love you Guys, mwa.
BINABASA MO ANG
Life Problems
RomanceHi Guys! First story ko to dito ;) Sana ma-enjoy nyo, mwa :* Sa life andaming problems, kaya ba nating lagpasan? Meron bang sulosyon para dyan? Sa simula mahirap ba talaga? Pero siguro.... May PAG-ASA naman.