Kabanata 10: Claire's Downfall

149 4 0
                                    

KABANATA X
CLAIRE'S DOWNFALL

˗ˏˋ ♡ ˎˊ˗

"CARL! What do you think you're doing?!" sigaw ko sa gulat. I attempted to stop Carl pero itong si loser, bigla nalang din siyang sumugod at sinuntok si Carl hanggang sa nagpalitan nalang sila ng suntok. Dahil sa ingay, lumabas si sir Oliver, ang teacher namin at ang iba pang mga estudyante para makita ang gulo na nangyayari.

"Tumigil kayong dalawa!" mariin na sigaw ni sir Oliver gamit ang kanyang napaka-manly na boses. Pagkatapos ay bigla niyang inawat si Carl na dapat susugod kay loser habang ang isang teacher namin na si sir Edmund ay inawat si loser.

"Oh my gosh! What's going on?!" biglang sigaw ni Penelope at walang pag-aalinlangan na tumakbo sa tabi ni Carl. Kita ko ang pag-aalala ni Penelope kay Carl at kita ko din na hanggang ngayon, concern at may feelings pa si Penelope sa kanyang ex na si Carl.

"Anong nangyari?" dagdag ni Penelope ng may pag-aalala pero itong si Carl, hindi siya sumasagot patuloy na tinitignan ng masama si loser. Dahil boyfriend ko pa si Carl, lumapit ako sa kanya para tulungan siya pero nang hahawakan ko na sana siya, bigla akong tinulak ni Penelope at tinignan niya ako ng masama.

"This is your fault, am I right?" she snarled at me habang kayakap si Carl. Hindi ako makasagot dahil alam kong tama si Penelope. I just averted my eyes away from her in guilt.

Hindi dapat magkakagulo kung sinunod ko ang sinabi ni bessy. I just bit my bottom lip and suddenly, I felt Penelope's hand on my cheeks. Pero hindi ako gumanti o kahit umiwas dahil I know I deserved her slap.

"How dare you slap my bestfriend!" dining kong sigaw ni bessy kaya agad akong tumingin sa direksyon niya just to see her marching up to Penelope para suntukin siya pero thankfully, naharangan ko agad ang suntok niya at napigilan ko ang mga kamay ni bessy.

"Stop, bessy. It's okay," sabi ko ng halos pabulong. "Let her be."

"No, hindi okay 'to, bessy!" sigaw niya.

"Just let it go. Mas mahalaga na magamot si Carl ngayon."

I looked at Carl who's now standing up with sir Oliver's help. Agad akong lumapit kay Carl para tumulong, but he just swatted my hands away without looking at me.

"Hindi ko kailangan ng tulong mo," sabi ni Carl and suddenly, he shot me a dark and a cold look. "And I am breaking up with you. You don't deserve me."

Biglang nagbulungan ang mga estudyante sa paligid ko dahil sa anunsyo ni Carl.

This is the first time that a guy dumped me kaya nakakabigla. Boys don't dump me. I dump boys.

***

IT'S BEEN THREE DAYS since our outing and it's been three days since Carl and I broke up. I'm not surprised na hindi na niya ako hinabol pero I knew that he's not okay right now pero sana, maging okay na siya.

Hindi ako naging maingat and I know that karma is going to strike back at me. Pero handa na ako sa kung ano mang padating.

This is for the best. Kaysa patagalin ang relasyon na one-sided feelings lang naman, right?

After the fight, things weren't going well between Brandon and I either. Not like there's something special going on between sa aming dalawa. Medyo hindi ko lang kasi makalimutan 'yung confession niya na gusto niya ako at ang paghalik niya sa'kin ng biglaan.

Hindi niya ako pinapansin ngayon. Simula 'nung issue namin nila Carl, loser at ako, everything changed. The good reputation that I worked really hard to build broke up in just a snap of a finger. Sa isang pagkakamali mo lang, kahit malaki pa 'yan o maliit, magbabago talaga ang buhay mo.

Chasing Her Fire (Vol 01-03)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon