CLAIRE
"There are no coincidences in this world. There is only inevitability" - xxHolic
'Yan ang sabi sa anime na napanood ko with my little sister. Niyaya kasi niya akong manood 'nun and since wala naman akong ginagawa nung time na yun, nakinood ako tapos yung quote na yan ang nakakuha ng atensyon ko. At dahil sa nalaman ko, bigla akong napaisip. Totoo nga kaya na walang coincidence sa mundo? Na nakatakda talagang mangyari? Coincidence nga lang ba na magtagpo ang landas namin ng kambal ni Brandon? O nakatakda lang talaga na magkita kaming dalawa?
Natauhan ako nang pagdating namin sa classroom namin. Kakagaling lang namin sa office para kunin ang schedule at section namin. Too bad, hindi kami classmates ni Mel. Kaya ito, solo flight ako. Pag-pasok ko sa room, wala akong pinansin. Naghanap ako ng vacant seat at nung may nahanap na ako na vacant seat, umupo na ako. Nag-salumbaba ako at nag isip-isip. Hindi ko malimutan yung sinabi ni Mel. Lalo na dun sa part na lagi akong kwinekwento ni Brandon.
Sa hindi inaasahan na pangyayari, magkaklase kami ni dumb guy and his friends. Wow. Just, wow. Is it just coincidence na nagkita kami ulit? Tapos classmate pa kami? I couldn't believe it.
My instinct is telling me that these new people will create a very big impact sa buhay ko. Marami pang puwedeng mangyari. Ang napansin ko lang sa klase na 'to ay mukhang kinakatakutan nila ang grupo nila Steven. Hindi naman sila nakakatakot. Lalo na si Steve. Ang friendly niya at napaka-cheerful pa. Si Ivan naman, man of few words at 'yung isa? Well, hindi ko masabi ang ugali niya. Pa iba-iba eh. Baliw siguro yun o bipolar lang talaga.
Tinitigan ko 'yung tatlong itlog. 'Hindi kaya dahil sa mga itsura nila? Yung paraan ng pagtingin nila sa tao?' sabi ko sa isip ko. Pero parang ang O.A naman ata nun? Freshmen pa lang sila pero kinakatakutan sila. Anong meron?
"Ui, classmate. I suggest na, huwag mo silang titigan." sabi nung girl na nasa likuran ko saakin ng pabulong. Nandito na kami sa classroom namin. Kakagaling lang namin ni Mel from office but since hindi kami classmates, nag-hiwalay kami.
"First, I have my name and it's Claire. Second, bakit naman? As if naman lalamunin ako ng tingin ng mga yan." my classmate gasped in surprise. Ay, O.A?
"Ang lakas ng loob mo na sabihin yan! Hindi ka ba natatakot na baka marinig ka nila" bulong niya.
"Eh ano naman kung marinig nila ako?"
"Duh! Gusto mo bang masaktan?"
Inirapan ko siya tapos ginaya ko siya. "Duh!? Bakit naman nila ako sasaktan? May ginawa ba akong mali? They are not going to hurt me" sabi ko. Halatang nag-aalangan siya kaya nagbuntong hininga ako. "Watch me"
Pipigilan na sana niya ako na lumakad papunta kela Steven na busy na nagtatawanan pero siyempre, hindi ako nagpapigil. Tuloy-tuloy lang ako. Ipapakita ko sa kanya at sa lahat na hindi sila dapat katakutan.
"Hey! Steven!" tawag ko, with a smile. Tumingin naman 'yung tatlong itlog sa akin. Nagulat sila 'nung nakita nila ako. Wow ha? Kanina pa ako nasa room, hindi man lang nila ako napansin? Eh kaya naman pala hindi nila ako nilapitan eh. I heard everyone's whispers. Sanay naman na ako sa mga bulungan eh. Napractice yung tenga ko nung highschool pa lang ako. I'm already immuned!
"Ui! Claire! Classmate ka pala namin! What a small world! Hindi namin expected na dito ka din mag-aaral." sabi ni Steven. "So, kamusta naman ang bakasyon after nating huling magkita?"
"Ayos lang naman. I spent my day chatting with my friends. Wala na kasi akong kaibigan eh. Lumipad sa ibang bansa."
"Ganun? Edi sana, tumabay ka nalang sa amin."
![](https://img.wattpad.com/cover/24923932-288-k936279.jpg)
BINABASA MO ANG
Chasing Her Fire (Vol 01-03)
Teen Fiction"𝙆𝙪𝙣𝙜 𝙨𝙞𝙣𝙖𝙗𝙞 𝙠𝙤 𝙗𝙖 𝙨𝙖'𝙮𝙤 '𝙣𝙪𝙣𝙜 𝙪𝙣𝙖 𝙥𝙖𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙣𝙖 𝙞𝙠𝙖𝙬 𝙩𝙖𝙡𝙖𝙜𝙖 𝙖𝙣𝙜 𝙜𝙪𝙨𝙩𝙤 𝙠𝙤, 𝙢𝙖𝙮 𝙘𝙝𝙖𝙣𝙘𝙚 𝙗𝙖 𝙖𝙠𝙤?" 𝙝𝙚 𝙖𝙨𝙠𝙚𝙙 𝙖𝙜𝙖𝙞𝙣. "𝙒𝙝𝙮 𝙙𝙞𝙙𝙣'𝙩 𝙮𝙤𝙪 𝙢𝙖𝙣 𝙪𝙥 𝙖𝙣𝙙 𝙘𝙤𝙪𝙧𝙩 𝙢𝙚 �...