Chapter 3

278 10 4
                                    

Vice POV
Sana magandang araw na to ngayon hindi katulad kahapon. Halos maisusumpa ko ang araw na yun. Hay nako. Pare-pareho lang naman yang lalaki. Hindi marunong humingi ng tawad. Pero anways... hayaan na natin sila. Lagi namang ganun eh hahaha. Andito ako. Nakahanap kami ng raket ng mga bakla. Yung dalawa mag hahair and make up sa isang photoshoot ng buntis na babae. Prenup ata to eh. Tas ako magaasist sa kanila. Hahaha.

"Mga teh, pagkatapos kumain maligo na agad ha. Nako mayaman ito. At 80,000 ang bayad samin." Sabi ni Buern habang kumakain.

"Oo nga eh. Buti na lang talaga big time yung mga nakakakuha saten." Sabi ko naman.

"Vice, tutal naman nakaayos ka na. Habang nagpeprepare kami ni Buern. Pakiayos naman yung mga dadalhin namin. Mga makeup's blower. Pwede?" Tanong ni Archie.

"Ayoko nga. Dejk lang. Oo sige na." Sabi ko at natapos ma rin saking pagkain.

"Oh siya akyat na kami. Wag mong kalimutan yung mga gamit ah." Sabi ni Archie.

"Sige na. Baka malate pa tayo." Sabi ko.

Nilagay ko na yung nga gamit na gagamitin nila sa kanya kanya nilang bag. Syempre tagabitbit nanaman ako hahaha. After kong ayusin. Nagbihis ako tutal nakaligo na ko. Off shoulder na light blue. Tas shorts and 3 inch na heels ung pointed tas may gold gold. (Sorna di ko alam tawag eh) Tas naglagay na rin ako ng light make up.

"Vice tara na." Sabi ni Buern

"Sige tara na eto na yung gamit niyo. Kumpleto yan." Sabi ko.

"Ang ganda naman beshiii namin." Sabi ni Archie.

"Bola. Tara na nga." Sabi ko.

Sumakay kami sa sasakyan. Oo sasakyan. Amin. Chosss. Hindi. Hiniram lang namin to. Nakakahiya kasi big time kasi yung aayusan ng mga bakla. Nakakahiya eh. At ako ang magdadrive. Ako lang naman kasi ang marunong eh. natuto ako nung buo pa kami nila mama at papa. Haysss... hahaha... tama na nga lungkot. Pupunta na kami sa Colorful Lights Studio.

Jhong POV
Haysss napaka aga kong nagising. Nagprepare kasi ako ng gamit ni mama for her photoshoot. Ahahaha namin pala. Si daddy nagleave muna for two days. Pero babalik din siya agad sa Davao sobrang importante kasi ng work nya dun ei. Pero mas importante yung kapatid ko syempre. Pinilit niya talaga yung boss nya para lang sa shoot na ito. Alam nyo bang isang batikang Director ang magkukuha saamin ng video? Si Direk Bobet Vidanes lang naman. Actually friends naman kami ni Direk Bobet. Road Manager nga diba ako. Hahaha. Kaya ayun nagkakasama din kami.

"Anak, Jhong. Pakilagay naman yung mga gamit natin sa sasakyan." Sabi ni mama. At nakaturo sa gamit sa sala set.

"Ahh sige ma. Si daddy. Ready na ba?" Tanonh ko at kinuha ang gamit.

"Yes anak. Medyo nagaayos ng konti. Alam mo na para pogi siya tignan." Sabi ni mama.

May biglang nagsalita. "Asus, hon. Pogi parin naman ako ah. Wala pa kong 40 no." Sabi ni dad sabay kiniss si mama.

"Ma, dad. Malalate na tayo. Nakakahiya sa mga magaayos at magshoshoot ng video. Lalo na kay Direk Bobet." Sabi ko.

"Hay nako anak. Mag girlfriend ka na kaya ulit." Sabi ni daddy.

"Nako dad. Tara na lang. Hahaha." Sabi ko. At pumunta na kami sa sasakyan.

Nasa sasakyan na kami sa sasakyan. Si daddy ang nagdadrive ako nasa tabi ni daddy. Tas si mommy nasa likod kumakain ng snacks nya. At pinaguusapan ang pangalan ng baby girl namin.

"Hon, anak?" Sabi ni mama.

"Yes hon?" Sabay naming sabi ni dad.

"Anong ipapangalan natin sa baby girl natin?" Tanong ni mama saamin ni dad.

enerJHICErTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon