Shattered Pieces

12 2 0
                                    

[Now playing: Kiss the Rain by Yiruma]

Akala ko naiintindihan ko na ang lahat. Tungkol sa buhay ko pati na rin sa iba.

But, I overestimated myself. Isa akong writer, malawak ang imahinasyon.

Hanggang doon lang pala iyon. Akala ko dahil sa isa akong writer naiintindihan ko na ang lahat.

Pero, akala lang pala ang lahat ng iyon. Siguro nga tama ang ibig sabihin ng kasabihang, 'Maraming namamatay sa maling akala. '

Hindi man pisikal but both mentally and emotionally ang ibig sabihin.

Nakakatawa mang isipin ngunit nakakaawa rin. Naaawa ako sa sarili ko.

Pathetic right? Pitying myself for being such a fucking stupid asshole. Damn it.

I thought I'd already understand what life is. Pero? Gaya nga ng sinabi ko kanina 'Akala lang pala lahat ng iyon'. Naiintindihan ko nga ngunit hindi ko naman maunawaan.

For someone like me who can write a one happy love story, napakadali para sa akin dahil nga isa akong writer. I can make people be pleased, pakiligin silang lahat through writing love stories with a happy ending, off course. Its pretty much Cliche pero anong magagawa ko yun ang gusto ng nakakarami at mismong naiisip at nabubuo sa imahinasyon ko.

Pero narealized ko na... parang may mali.... bakit ako? Hindi ko magawang sumaya sa sarili kong love story.

Akala ko dahil sa isa akong writer, hindi lang love story ng mga bida sa kwento ko ang nagagawan ko ng happy Ending, ay kaya ko na ring isulat at gawing happy ending ang sarli kong love story.

Nagkamali ako.... ito na naman ako sa mga akala ko.

Grabe! Ganito pala ang masaktan. Pain. Huh? Sobrang sakit at sobrang bigat pala sa pakiramdam, yung feeling na hindi ka na makahinga. Kung iisipin maituturing mo na itong sakit sa puso. Pananakit, mabigat sa pakiramdam, nahihirapang huminga. All of them are signs of a heart disease.

Parang kailan lang noong masaya pa kami. Walang prinoproblema, palagi lang masaya. Ang sarap sa pakiramdam. Ang gaan sa pakiramdam. Kulang nalang hilingin mo na sana walang katapusang saya ang maramdaman mo kasama siya.

Pero, wala eh, napakadaya ni kapalaran. Hanggang sana lang talaga. Kaya imbes na ang mga katagang ito ang maririnig mo, 'And they lived Happily ever after. '

Pero hindi eh, itong mga katagang ito mismo ang maririnig mo, 'And they lived sadly ever after'.

Ang sakit diba? Sa sobrang sakit hindi mo na alam ang gagawin mo kundi ang umiyak hanggang sa maubusan ka ng luha.

'Akala' at 'sana'. Hmmmm. I hate those words. It made my life miserable. Sinira nito ang love life ko. Hmmmmpf.

Hinding hindi talaga mawawalan ng problema.

Kung gaano kabilis dumating si Saya, ganun din kabilis itong umalis at susulpot naman itong si Sakit.

Oh Diba? Nakakatawang isipin na umaasa tayong hindi matatapos ang saya pero kabaligtaran ang nangyayari.

Totoo nga ang sinasabi ng iba, 'Kakambal ng pag-ibig ang Sakit'.

Love and Pain.

Palaging magkadikit. Hindi naghihiwalay. Buti pa sila may forever, eh ako? Wala. Wala na siya.

Iniwan na niya ako. Iniwan na niya ako ng tuluyan.

Shawn.

Hindi ka na ba talaga babalik?

Hindi mo ako babalikan?

Iiniwan mo na ako? Ay! Hindi pala. Iniwan mo na nga pala ako.

Pero Shawn kahit iniwan mo na ako at hindi mo na ako babalikan ito ang tatandaan mo, Mahal na mahal kita, tandaan mo yan. Mula ng una kitang makilala. Anong tawag kasi roon? Ah oo. Naaalala ko na. Love at first sight.

Shattered Pieces (First Tragic One-Shot Story) Where stories live. Discover now