5: Realization

25 0 0
                                    

CIARA AGUSTIN's POV

"Baby Girl! Tamaa naa!! Baka mas lalo pang lumala, mapapahamak ka pa!" paulit-ulit na nagre-replay sa utak ko

Onti- onti kong sinusubukang tumahan pero tuwing sumasagi sa isip ko yung nangyari hindi ko mapigilang umiyak

"Baby girl! Makinig ka? Please?!" pagsita saakin ni Kuya Chase

"Alam kong masakit oo masakit talaga syempre ikaw yung bestfriend tapos ipagpapalit ka, diba ? Anong klase ?Pero sa tingin mo may magagawa ba yan? kung patuloy ka paring iiyak o magmumukmok? " napatigil ako sa pag-iyak pagkatapos magsalita ni Kuya Chase.

Tama siya pero ayaw makinig ng puso ko. Alam niyo ba yung feeling na umasa ka kasi alam mong ikaw yung pipiliin niya ? Yung alam mong ikaw yung mas makakabuti sakanya? Yung feeling na ikaw yung laging nandiyan para sakanya pero hindi ka niya pinapansin?Yung feeling na hindi man lang niya ako intindihin as bestfriend niya? Yung feeling na ginawa mo na lahat pero wala paring epekto sakanya? Ako kasi OO... ang sakit sakit sobra...

"Ayoko na kuya sana isang masamang panaginip lang ito at sana pag-gising ko walang nangyaring ganito" yumuko ako at niyakap yung unan sa tabi ko.

"But remember bebe girl after a hurricane comes a rainbow , normal lang yan 'it may hurt for a little but it wont hurt forever!" payo saakin at niyakap ako ni Kuya Cade

"O'sige na baby girl kainin mo na tong mga brownies na ginawa namin para sayo at magpahinga ka na!" pagbilin saakin ni Kuya Chase

"Thank you mga Kuya ha? Kasi kahit papaano nalabas ko lahat ng saloobin ko tungkol sakanya, Thank you rin kasi willing kayong makinig sa kadramahan ko na to! Hehe!" masayang sabi ko habang medyo humihibik-hibik pa at niyakap ulit sila

"Kaya nga kami nandito diba ?" sabi ni Kuya Cade at lumabas na sila pareho mula kwarto ko

Paglabas nila, hindi ko na namang napigilang umiyak..... ZIOOOONN!! bakit mo nagawa saakin to!?  Bakit Zion? Bakit?! Ang sakit!!! huhuhuhuhu :(((

Patuloy parin akong umiiyak at maya maya pa'y hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako...

Pagkagising ko kinabukasan sobrang sakit ng ulo at ilong ko sobra ding namamaga mga mata ko dahilan sa pag-iyak ko ng sobra kagabi pero hindi ko hinaayang maging dahilan yun ng pagiging absent ko ngayon ng dahil lang sa kalagayan at itsura kong ganito

Kaya naman bumangon na ako, nag-ready at nag-ayos na ako para pumasok na sa school, hinanap ko yung make-up kit ko na nakatago sa kwarto hindi kasi ako masyasdo gumagamit ng make-up, for some reasons lang , nang makita ko naglagay ako ng konting concealer at foundation para hindi masyadong halata..

Tinitigan ko sarili ko sa salamin at napabulong ...

"Hays!" sabay hinga ng malalim

Bumaba na ako mula sa kwarto para kumain at pagbaba ko naabutan kong kumakain na ng almusal ang 2 kong kuya....

"GoodMorning Baby Girl!" pag-bati saakin ni Kuya Cade

"Morning" sabi ko sabay umupo sa upuan para kumain na din

"Musta tulog mo? Naka-tulog ka ba ng maayos?" tanong ni Kuya Chase saakin

"Ayos lang" sagot ko

"Kumain ka na, para mahatid ka na namin sa school" sabi ni Kuya Chase

Ms. All You Ever Need Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon