Chapter 4

1.6K 64 52
                                    

Magkasama kaming dalawa ni Joyce na naglalakad dito sa hallway. Kinukwento niya sakin yung mga masasayang activities ng school. Wala kasi kong background dito, at sa tingin ko maganda naman pala talaga dito. Malaki pala ang iniba ng Bloomington High sa ibang college universities. Hindi lang magagaling sa mga academics but leading rin sila sa mga sports at more on adventure curriculums din



"Gaano kana ba katagal dito sa Bloomington High?"



"Ako? Matagal na rin. Dito kasi ko nag highschool." Sagot niya



Nandito naman kami ngayon sa student lounge. May ilang mga tumitingin samin nang papaupo na kami pero hindi ko na lang binigyan pansin, gaya ng dati makakasanayan ko din to.



"Kim matanong lang total ako lang ang hilig magsalita sa'ting dalawa. Inborn na ba yan?" Takang tanong niya



"Ang alin?" Tanong ko


"Ang pagiging tahimik mo. Ilang ka sa mga tao tapos kung hindi notebook puro books yang mga binabasa mo. Gaya nito-" Sabay kuha niya ng librong hawak ko na hiniram ko sa library nung isang araw.



"Philosophers in Life, Humans Systematic Guide saka ano to? Geologist at a Time? Grabe." Aniya saka tumingin sa mga page ng libro.



"Which of the following European mountain ranges will rise the most in the nest century?" tanong niya habang nakataingin pa rin sa page ng libro



" Scan­di­na­vian Moun­tain­s. The whole Scan­di­navia ex­pe­ri­ences uplift as a result of post-glacial rebound. In northern Europe, this is clearly shown by the GPS data obtained by the BIFROST GPS network. The average uplift is less than 1cm/year, but it may ac­cu­mu­late to 400m during next 10,000 years." sagot na nagpabilog ng mga mata niya



"Grabe. Ikaw yata ang author nito eh. Kim seryoso, ano ginagawa mo sa buhay mo, puro basa, aral? grabe ka. Siguro puro aral din yung mga kaibigan mo noon."



"Wala naman akong kaibigan. Walang gustong kumausap sakin, ikaw nga lang ang kauna unahang kumausap at gustong kumaibigan sakin. Iniiwasan ako ng lahat dahil sa itsura ko. Nerd nga daw. " Nakita ko sa ekspresyon ng mukha niya na nalungkot siya sa sinabi ko pero bigla ding naiba at tumaas ang kilay niya.



"Nerd! Nerd! Nerd! Edi ang ganda mo namang nerd kung ganun! Hay naku bakit ba ang hilig ng mga tao ngayon maghanap ng mabubully nila. Makapagsalita parang walang mga kapintasan sa katawan. Kaloka! Konting ayos lang sa mukha mo maganda ka na eh. Lugay mo lang yung buhok at tanggalin yung salamin mo, PAK! maganda ka na." Sabi niya at lumapit sakin. Nagtaka at nailang naman ako kaya umusog ako pero nilalapit niya talaga yung mukha niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 22, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Im Inlove with Mr. Cold Guy [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon