"Suarez? Kimberly Suarez? Whose this?" tanong ni Sir at lahat naman nag tinginan sakin, itinaas ko dahan dahan ang isang kamay ko bilang response
"Ako po Sir" i said and smiled awkwardly
"Your new" sagot ni Sir habang naka ngumingiti ngiti. Bakit kaya, mababa ba nakuha ko? nasagutan ko naman ng maayus at tama ung mga tanong ah
"You perfect it too, Ms. Suarez got a perfect score. Good job" napa ngiti naman ako pero narinig ko silang nagsipag 'wooo' na parang di makapaniwala yung iba nagsimulang magbulungan
KRIIIINGGG! KRIIIINGG!
Nagsipag ayus na kami ng gamit at sinukbit ko na rin ang bag ko. Naglalakad ako palabas ng room at pansin ko na lahat ng mata ay sakin mga nakatingin.
Pagkalabas ko ng room ay agad akong tumakbo para makalayo konti sa kanila.
"Grabe ang awkward ng moment dun" sabay hinga ko ng malalim at naglakad muli
Akala ko may bagong pangyayari ang dadating sa experience ko pero wala pala. It's still the same, the same way how they treat me like not a person.
Sa canteen na lang ako nagpunta total nakaramdam na rin ako nv konting gutom. Hindi kasi ako nakakain sa bahay bago umalis dahil na excite akong pumasok.
"Double tuna sandwich nga ate staka isang bottle of water." kinuha ko ang order ko at naghanap ng pwesto. Diring diri nila kong tinitingnan na para bang may nakakahawa akong sakit. Dumiretso na lang ako sa paglalakad sa nakita kong bakanteng table. Nilapag ko ang inorder ko at ang bag ko sa tabi ko.
Kinagat ko ang sandwich kahit na iilang ako sa mga tingin nila. Minadali ko itong kinain staka uminom ng tubig. Tumingin ako sa orasan ko at malapit na ang next subject namin. Inayos ko ang mga gamit ko saka nagmadaling umalis ng canteen.
------
Pumasok ako sa loob nang makita kong wala pang prof. Sinusundan nila ko ng tingin habang pumupunta sa table ko. Iniwasan ko na lamang to saka hinila yung upuan ko.
Blag!
"AHAHAHAHA!" tawa nilang lahat. Napatingin ako sa kaklase kong lalaki na humila ng upuan ko
"Ay sorry! Nag try lang naman ako maging gentleman. Hindi ko expect na sumobra pala yung usog ko sa upuan mo." mapang asar niyang sabi saka ulit sila tumawa. Umupo na lamang ako at nanahimik.
Pumasok naman ang isa naming prof sa history at nagpasulat ng lecture. Habang nagsusulat ako ay may nakarating sakin ng isang bilot ng papel. Binuksan ko ito at nakarinig naman ako ng mga bungisngis. Napasilip naman ako sa kanila na nagipipigil ng tawa habang nagsusulat ng mga lecture. Tiningnan ko kung ano ang nasa lukot na papel at nakita kong isang drinawing na babae.
Panget na babae na may malaking sunglasses at braces at pinagtutuldok ang magkabilang pisngi nito. They obviously showing that I am the ugly nerd girl in this crampled paper. Nilagyan lang nila ng dots ung pisngi para mas pumangit ito. Nilukot ko na lang ito at nilagay sa bag ko.
"Class dismissed."
"See you again Sir." pagkalabas na pagkalabas ng prof namin ay nagkaroon na naman sila ng mga kanya kanyang sariling mundo. Nilabas ko naman ang mga notes ko at nagbasa. Pinulot ko saglit yung ballpen kong nahulog sa lapag at pagtingin ko sa table ko ay wala na yung mga notes ko.
Bakit nawala, nasan yung notes ko?
"Eto bang hinahanap mo?" napatingin ako sa babaeng nasa harap ko. Nasa kamay niya ang mga notes ko. Tumayo ako at kukunin sana sa kanya
"Akin na yan" bigla siyang ngumisi sakin at umirap
"Bakit ko naman ibibigay sayo to?" nakangisi niyang tanong sakin.
"Hindi ka ba nakakopya ng notes? Ibibigay ko naman sayo kaso hindi pa ko tapos magbasa eh." biglang nag iba ang ekspresyon sa mukha niya.
"Nagpapatawa ka ba? Do you think kailangan ko tong basura na to?" taas kilay niyang tinutukoy yung notes kong hawak hawak niya.
"Watch this" at ngumiti siyang nakakaloko. Hinagis niya ang notes ko dun sa lalaki at nasapo naman ito. Pinasa naman nito sa isa pang lalaki na ngayon ay pinagpapasahan na nilang lahat. Yung notes ko... Pumunta ko dun sa babaeng may hawak na noon pero naipasa na niya. Wala na kong nagawa pa nang itapon nila ito sa basurahan.
Pinagtatawanan lang nila ko lalo na nung kinuha ko yung notes ko sa basurahan."Kadiri!"
"Yuck!"
Lumapit naman sakin si Janice at nag crossed arms na tiningnan ako.
"Bakit ganun? Mas may class pa yung trash can kesa sayo!" ngiti niya yumuko na lamang ako at wala ng nagawa.
***
Pumasok ako sa kwarto ko at pagod na napahiga sa kama. Bigla namang may kumatok sa pinto ko at bumukas. Napaayos ako ng upo nang pumasok siya sa loob at nilagay sa gilid ng study table ko yung baso ng gatas.
"How's your day? Masaya ka ba?" upo ni Mama sa tabi ko.
"Masaya po. Ang babait nga nila sakin Ma." ngiti kong sabi sa kanya. Nakita ko namang naging masaya yung mukha ni Mama. I feel a little sad ng makita kong masaya si Mama sa sinabi ko kahit ang totoo ay wala namang bago sa pagtrato sakin sa school.
"Then, that's great!" napa ngiti na lamang ako ng mapait.
"So may new friends na ba ang Princess ko?" hindi ako sumagot at napangiti nalang.
"Bababa na ko, ang dami ko pang mga paper works na dapat tapusin." napahinga na lang ako ng malalim at pumunta sa walkin closet ko at nagbihis sa banyo.
Naupo agad ako sa study table matapos kong magbihis. Nagbabasa basa lang ako ng mga libro kasi dito, hindi lang na eenhance yung alam ko kundi narerelax pa ko.
Mga ilang oras din ay nakaramdam na ko ng antok, namimikit mikit na rin ang mata ko. Kinuha ko ang baso at uminom. Napatingin ako dito at nakita kong wala na palang laman. Lumabas ako ng kwarto at pumuntang kusina. Binuksan ko ang ref at naglagay ng tubig sa baso saka ako uminom.
Iniwan ko na yung baso sa nook at umakyat na muli ako sa kwarto. Ginawa ko muna ang lagi kong ginagawa bago matulog, ang magdasal.
"Good night." inalis ko na ang salamin ko at inilagay sa gilid tabi ng kama. Staka ko pinatay yung ilaw sa lamp shade.
VOTE AND COMMENT!
BINABASA MO ANG
Im Inlove with Mr. Cold Guy [HIATUS]
FanfictionSabi nila wala daw taong papatol sa isang tulad kong NERD lamang. Sabi ko naman sa sarili ko, ayos lang na walang love life dahil di ko naman kailangan niyan. Ang tanging gusto ko lang ay ang laging manguna sa klase at maging Top 1 sa School. Pero...