Chapter 4

52 5 0
                                    

Chapter 4-

Ilang linggo na din ang lumipas. Tapos na din naming praktisin at sayawin yung Robotic dance.

MAGALING KAMI EH. Kaya ayun, nanalo kami.

At syempre, kailangan magdiwang. Kaya ayun, nilibre kami ni ate Char sa isang fast food. Dun daw muna since madami kami, Haha.

Kasama nga pala namin ang buong klase ngayon. Syempre kasama nag ultimate crush ko. Kaso hindi sya nakikijoin samin. Dun lang sya sa isang sulok. Nakikinig ng music.

Ito namang si John, wala nang inatupag kundi ang kulitin ako. Kung hindi to nagsasoccer, siguro napagkamalan ko nang bakla to.

"Ang ganda ng boses mo. Kanta ka nga ulet!" si John habang tinutusok tusok yung tagiliran ko.

" Ah ah. Ikaw nga'y magtigil. Para kang bakla."

"Please na! Minsan lang makarequest e. Kumanta kana kasi." pagmamakaawa nya.

"Ayoko nga!!! Si Celina na lang pakantahin mo. Mas maganda boses nun sakin. At tsaka, bakit ba ang fc mo?"

"Ayoko kay Celine, gusto ko sayo. And fyi, hindi ako fc. Kilala mo kaya ako, matagal na."

"Matagal na?" Medyo wierd. Parang feel na feel na yung pagkaaksabi nun. Ewan ko.

"Oo! Mahigit 2 buwan na. Hahaha"

"Aishh. Nakakaasar naman e."

"Basta kakanta ka mamaya."

"Oo na po boss."

"Good." Iyon lang yung sinabi nya sabay walk out. Nagpaalam na sya kasi may pupuntahan pa daw sya. Parang shunga lang. Pipilitin ako tapos biglang nangiwan. Tsk tsk.

John's POV

Hindi nya ba talaga kami naaalala? O kaya namumukhaan man lang. Bakit ganun? Ano ba talagang nangyare sa kanya?

ELAINE'S POV

After 5 minutes, tapos na kaming kumain. Pinauwi na kami ni ate Char.

"Guys! Thank you for this wonderful day. Sana maulit pa to. Ingat sa pag uwi. Bye!"

Kanya kanya na kami sa pag uwi.

Si Iann pupunta pa sa lola nya. Si Celine naman, sa ibang subdivision yung bahay. Kaya LONER ang peg ko ngayon.

Sumakay na ako ng jeep pauwi.

"Makikiabot po ng bayad." kinuha ko na yung phone at headset ko para makinig sa music.

"Miss, bayad na po kayo." sabi ni manong driver sabay pinabalik yung bayad ko sakin.

"Sure ka manong? Baka bayad ng iba yun."

"May nanlibre po sa inyo e." tumingin ako sa paligid ko. Wala naman akong kakilala a. WEIRD.

"Ah. Sige po." kinakabahan ako. Baka kasi kung sino yung tao na yun. Tapos baka sundan pa ako.

Pumara na ako at bumaba ng jeep. Pero ang weird talaga. Kase, pagkatigil nung jeep sa may harap ng V, umandar ito ng konti tas may bumabang isang lalake. Hindi ko mamukhaan yung lalaki kasi may shades sya, tapos nakahood pa. Nako. Nakakatakot. Kaya tumakbo ako. Ang creepy nya kasi. Pero buti na lang nakauwi ako ng bahay.

"Bakit namumutla ka?" -kuya Clyde.

"Eh kasi naman kuya, may nanlibre sa'kin sa jeep tapos parang may sumusunod pa sakin kanina."

"Ang feeler mo naman. Baka naman kakilala mo or taga dito sa SV. Haha. Tama na yan. Kumain ka na tapos magpahinga."

"Baka nga. Okayy." Baka naman si Blake yun. Hay, sana nga.

"Wag kang mag expect. Baka sa huli, masaktan ka lang." Huh? Ano daw? Mind-reader pala tong kuya ko e.

"Hay nako kuya. Ang weird mo. Connect ba yun? Sang banda?"

"Elaine. Kilala na kita. Alam ko namang iniisip mo na si Blake yun e."

"WAIT KUYA! PANO MO NAKILALA SI BLAKE?!!!"

That's Not Why I Love You (discontinued)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon